Ashton's POV
sinaktan ko ng sobra yung taong mahal ko.
pinakamamahal ko.
nagkwento sakin si blake tungkol kay aaliyah
ayun,halos 2 weeks nagmukmok.
iyak ng iyak,sinisisi sarili niya bakit ko siya iniwan
nagtatanong kay blake kung ano ba nagawa niya.
sobrang siyang nasaktan.
kada landi ko sa babae,lalong nawawarak ang puso niya.
nakuha niya pang mag alala sakin,kasi dati nagtanong sakin si blake kung okay lang daw ba ako,kung napupuyat daw ba ako kung kumain ba ako,sabi ko okay lang ako,ok lang ang lahat.
andami kong nalaman tungkol kay aaliyah nung Nawala siya.
Flashback
gumala kami nila shaira at pauwi na kami
magkalpit lang ang bahay namin ni blake kaya tumambay muna ako sa kanila,umuwi na yung iba kaya kami nalang ni blake natira
"ashton.."sabi ni blake na nakaupo sa sofa,nasa sahig kasi ako
"oh?"sabi ko
"sinaktan mo si aaliyah.sobra."nung sinabi niya yun di ako nakaimik
"halos mamatay na yun nang dahil sayo"lalo akong natahimik nung narinig yun
"hindi na siya kumakain,laging nasa kuwarto,laging umiiyak."naramdaman ko na lang na may tumulong luha galing sa mata ko agad kong pinunasan
"bumalik nanaman yung ashton na chickboy,kala ko binago ka na nang tuluyan ni aaliyah di pa pala,baka nga may babae ka pa habang kayo pa no aaliyah eh,kilala kita ashton,kilalang kilala."ansakit.ansakit marinig yun sa sarili mong bestfriend
"kahit sinasaktan mo na siya,andyan parin siya para sayo.mahal na mahal ka niya,mas mahal pa niya sa buhay niya,ewan ko lang kung sinong lalake pa mangiiwan sa kanya.ginaga*o na niya sarili niya eh.umaasang babalik ka pa"
"ang malas niya,nagkagusto siya sa lalaking hobby na ang manglandi ng babae.ikaw naman ang swerte swerte mo,dahil ibang babae ang nahanap mo,pero sinaktan mo lang."
"t*ng ina mo lang bro,as in t*ng ina mo lang,ikaw na ang pinakatanga at pinagagong lalake na nakilala ko"
ang sakit,kaya niya pala ako ganunin.
i deserve it.
"ewan ko kung ano nakita mo kay shaira,pero wala eh,naalala ko chickboy pala bestfriend ko,antagal kasi nawala nung ugali mong yun,kala ko nawala na nang tuluyan pero bumalik ulit"
para akong bakla dito na umiiyak.
"pero ngayon hinding hindi ko siya sasaktan,katulad nung ginawa mo"
"naging masaya siya sayo.pero mas magiging masaya siya sakin.
"akin na siya bro.akin na siya at akin lang siya."
--------------------
A./N.
ano guyseu
Team AaliBlake
or
Team Ashliyah
bwahahaha
YOU ARE READING
Win or Die (ON-GOING)
Mystery / ThrillerWin the game or else they will take your life. "Volleyball is Life" pano kung dahil sa volleyball maraming buhay ang mawawala. kaya kayang ipanalo nila aaliyah ang laban?sundan ang kanilang kwento dito sa "Win or DIE" highest rank:#86 in horror star...