Ayun nga iniwan ako nung Devil Jin na Angel of Death noong gabing yun. Walang hiya siya sinasabi ko..Aish! ako talaga nagtitimpi nalang eh.....pagkatapos ba naman akong sakalin iiwan ako na hindi man lang sinagot yung tanong ko.
Anggara lang eh pati ba naman ang Mother Earth galit ata sakin!!umulan pa nun bwiset!Nakakainis naglabasan na naman ang mga waterghosts.Sila kasi yung mga nalunod,namatay nang umuulan o di kaya kung sa anong man paraan sila namatay na may kinalaman sa tubig.
Karamihan kasi sa kanila gagawa talaga ng paraan makabalik lang sa mundong ibabaw dahil ayun nga.... karamihan sa kanila ay hindi pa talaga handang mamatay at hindi pa tanggap ang kanilang sitwasyon.
Ang sinasabi ko lang AYOKO TALAGA SA KANILA! kaya napagisipan ko na umalis na agad sa kinauupuan ko at itinigil muna ang pagdadrama ko.
~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°
Tumigil din naman yung ulan ayun nakakatakot itsura nila...Oo na!pareho kaming kaluluwa nalang kaso sila......
Di ko mapaliwanag eh.Siguro iba lang talaga ako kasi kahit isang beses di ko pa nagawang sumapi sa katawan ng iba.Nakakatakot na paraan iyon dahil pede na magsama sama ang madaming kaluluwa sa loob ng iisang katawan at ang mangyayari ay mayroong kumpetisyon habang ang kaluluwa ng mayari ng katawan ay nakakulong lamang doon.
Pero iba na talaga ang pakiramdam ko......naikot na ang paningin ko kaya naisipan ko muna umupo sa ilalim ng puno at napahawak na lamang ako sa tiyan ko.....ilang araw na din pala akong nakakakain eh...wala na akong magawa kaya umupo na lamang ako doon at pinagmasdan yung mga nadaan na sasakyan.
Nagulat ako nang biglang may pumaradang sasakyan sa harapan ko.Haayy!buti nalang kaluluwa na ko kung hindi nako lasog lasog na siguro ako dito.Napatigil ako nang....
May nakita akong batang babae mga nasa highschool na at mukhang mayaman dahil napakaganda ng bihis nito nakapula itong bistida na nagpakita pa lalo ng kaputian nito habang ang napakaganda at direstso niyang buhok ay nakalugay lamang hanggang sa kanyang beywang...
Napakaganda niya...ewan ko nga eh pero nang nakita ko siya parang nakita ko na talaga siya dati.
"Walang hiya ka...buti nga at namatay ka na...." nagulat ako nang sinabi niya iyon sa mahinang tinig ngunit sapat lamang para marinig ko.Sinabi niya yuon at binaba ang dala niyang nasa supot sa sahig at pinunasan niya ang namumuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata at sinuot ang kaniyang shades at sumakay na sa itim na sasakyan.Tiyak ako mamahalin iyon eh parang kakaiba kasi ang itsura nito kung ikukumpara sa mga sasakyan na madalas kong nakikita sa kalsada.
Hmmmm.....Teka nga lang! Buti at namatay ka na? Isa lang ang ibig sabihin nun!
Agad akong tumakbo at kinuha ang nasa supot na inilapag ng magandang babae kanina at biruin mo nga ba naman pagkain!!!!
"Yes!may pagkain na ko!!!" ewan ko ba pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko sa buhay ko......este sa pananatili ko..andun pala yung eskandalosang matanda yung pinalpal ko yung mukha..lumingon siya sa akin.Paharipas na sana ako ng takbo kaso ayun nga malas ako eh siguro masama akong tao noong nabubuhay ako.May kasama siya mga anim sila kaya siniksik ko na ang pagkain na higit pa sa normal na kapasidad ng bibig ko ay nginuya iyon agad habang tumatakbo..
BINABASA MO ANG
Undestined
MizahAng sabi nila kapag nakatadhana na daw ang isang bagay wala ka nang magagawa.......pero nasa iyo ang desisyon kung iiwasan mo ito o haharapin mo na lamang ang mga maaring mangyari Wala akong pakialam sa hinaharap na nagaabang sa akin pero ipangako m...