Tanging sinag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa pagsusulat.
Gamit ang ballpen na tinta ay itim at pinaglumaang papel sinusulat ang mga salitang hindi mabigkas ng bibig.
Naguunahang kumawala ang mga luha sa aking mga mata kasabay ng pagbalik ng masasayang ala-ala mula sa nakaraan.
Alam kong hindi ito tama pero sa oras na ito, ito ang nakikita kong sagot sa lahat ng lungkot na nadarama.
11:30pm, October 30, 2019
Bahagya akong napahinto sa pagsusulat at pinunasan ang mga luha.
Hindi mo ito kasalanan. Tandaan mo ito lagi.
Dahil kasalanan ko ang hindi paghingi ng tulong sa tuwing nangangailangan ako ng tulong.
Sa pagtawa ko ng natural sa tuwing ako ay nalulungkot.
Sa pag ngiti ko bilang tugon sa pag aalalang may dinaramdam ako.
Sa pagsabing 'okay lang' sa bawat tanong mo.
Hindi mo ito kasalanan kaibigan.
Sa bawat pag aya mong lumabas tayo ay tumatanggi ako.
Sa bawat pag alok mo ng makakasabay sa pag uwi ay mas pinipili kong mag isa.
Dahil minsan gusto kong mapag isa. Mas pinili kong tumahimik dahil doon ako mas komportable.
Hindi mo kasalanan na hindi mo ako maintindihan, dahil mas pinili kong hindi ipaintindi sayo ang nararamdaman ko. Alam kong mali, pasensya na, mas gugustuhin kong sarilihin ang problema kaysa dagdagan ang problema ng iba.
Oo, makasarili ako.
Mas pinili kong tumahimik sa tuwing nasasaktan ako. Mas pinili kong umiyak mag isa tuwing nalulungkot ako.
Dahil hindi mo ako maiintindihan.
Napatingin akong muli sa buwan, napahinga ako ng malalim bago tumayo at tumungo sa salamin ng aking mumunting kwarto.
Tuloy tuloy pa rin ang pagkawala ng mga luha. Ngumiti ako ng bahagya, matatapos na, unting minuto na lamang.
Totoo nga na mas maraming bagay ang hindi nabibili ng pera. Dahil hindi naman hadlang ang pagiging mahirap para maging masaya ka, matuto lang tayong makuntento sa kung anong meron tayo.
Kinuha ko ang suklay, pinasadahan ko ang mahaba at itim kong buhok. Pinunasan ko na din ang mga luha. Nakita ko ang family picture namin na nakatayo sa harapan ng aking salamin. Napangiti ako at inalala ang mga sandaling magkakasama kami.
Hindi niyo ito kasalanan. Ako ang pumili sa gusto kong katapusan.
Muli kong tinignan ang buwan. Paalam.
Pumikit ako at muling ngumiti.
BINABASA MO ANG
Panaghoy
RandomPluma at Papel. Mga pariralang hindi masambit. Mga labang ako lang ang may alam.