Wala akong nagawa kundi ang umiyak nang umiyak,umupo nalang ako at niyakap ang sarili kong paa papalapit sa katawan ko saka ako yumuko Hindi ako dapat sumuko dapat may gawin ako para makauwi ako
Tumayo ako at naglakad nang naglakad na parang walang katapusan pero wala pa rin akong makitang sasakyan.
Tumingin ako sa langit at may nakita akong kaunting liwanag kaya siguro ay madaling-araw na nagugutom na ako at masakit na ang paa ko gusto ko na sanang sumuko nang makakita ako ng highway at mga sasakyang dumaraan,tumakbo ako at agad na pumara ng taxi.
"Ah manong pwede po ba akong sumakay?"
"Oo naman po ma'am"
"Kaso po wala po akong pambayad eh "
"Ano? naglolokohan po ba tayo dito miss? hindi pwede sa iba ka na lang makisakay"
"Pero manong naholdap po kasi ako,pwede po ba pagdating nalang po sa amin? magbabayad po ako pangako!"
"Sorry miss trabaho lang maghanap nalang kayo ng masasakyan nyo ng libre!"
Napayuko nalang ako at napaiyak,mawawalan na sana ako ng pag-asa pero nakita ko yung gold anklet na ibinigay sa akin ni mommy nang makita ko yun at agad akong nakaisip ng paraan.
'This anklet has a sentimental value to me but I need to sacrifice this para makauwi ako' Agad ko itong hinubad at iniabot kay manong.
"Ito po! ok lang po ba kung ito ang ipapangbayad ko sa inyo?"
"Totoo ba yan?"
"Oo naman po kung gusto nyo po dumaan muna tayo sa pawnshop para mapatunayan kong totoong gold to"
Sa pangungumbinsi ko ay pumayag na si Manong na isakay ako,at dumaan na rin kami sa pawnshop kaya inihatid na niya ako sa bahay namin.
(A/n: Kung nagtataka po kayo kung bakit hindi nakuha nung holdaper yung anklet ,yun ay dahil sa paa ni Krishna nakasuot atsaka madilim di po ba? ^_^ that's all )
Umaga na pero wala pa kami sa bahay malayo-layo na rin pala ang tinakbo't nilakad ko,unbelievable! anong oras na kaya?
"Manong anong oras na po?"
(AN: oras na para mahalin mo ako... joke! :D haha DNP lang ang peg!? anyway back to the story)
Tinignan ni Manong yung relo para tignan kung anong oras na..
"Ah 7:40 na po ma'am"
"Ganun po ba? sige po Salamat"
Inaantok na ako pero hindi ko magawang matulog,bukod sa trauma na inabot ko kagabi hindi ko na magawang magtiwala pa sa iba.
Mayamaya pa ay papasok na kami ng village,muntik pa kaming hindi papasukin dahil hindi ako nakilala ng guards dahil sa itsura ko.
"Nandito na po tayo Miss"
"Sige po salamat po manong" bumaba na ako ng taxi at nagmamadaling kumatok sa gate namin.
Pinagbuksan naman ako kaaagad at pinapasok, agad akong sinalubong ni Mama ng yakap.
"Where have you been Krishna? Bakit ganyan ang itsura mo?" Alalang-alala na sabi ni Mom.
"I'm sorry Mom,tumakas kasi ako at naligaw and worst is naholdap po ako" maluha-luha kong sabi.
"What? Are you ok?" Sabi ni Mom habang chinicheck kung may nangyari ba sa akin o ano.
"I'm ok Mom,but the anklet that you gave to me" malungkot kong sabi.
"What happen to the anklet?"
"Ipinangbayad ko po sa sinakyan ko para makauwi ako dito" tuluyan ng bumagsak ang luha ko,mahalaga kasi talaga sa akin yung anklet na yun.
Bigay ni Mom yun,kaya baka sumama ang loob nya sa pagkawala nun.
"It's ok anak" nakangiting sabi nito habang hinihimas nya yung buhok ko.
"Hindi ka galit?"
"Bakit naman ako magagalit?"
"Dahil wala na yung Anklet na bigay mo"
Bahagyang ngumiti si Mom sabag sabing "Mas magagalit ako kung hindi ka umuwi,atsaka mas mahalaga ka sa kahit na anong anklet"
Muli kong niyakap si Mom, mayamaya pa ay nakita ko si Dad na papalapit sa amin.
"Dad.." sambit ko.
Ang buong akala ko ay sasalubungin nya ako ako ng mainit na yakap tulad ni Mom pero nagkamali ako, uminit ang pisngi ko dahil sa pagsampal nya sa akin. Nagulat naman si Mom dahil sa ginawa ni Dad.
"Alam mo ba ang kahihiyang inabot ko dahil sa pagtakas mo?!" Galit nyang sabi.
Hawak-hawak ko naman ang namumula kong pisngi at hindi makapagsalita He's unbelievable! ni hindi manlang sya nag-alala sakin? Nangingilid na ang mga luha sa mga mata ko at kahit na anong oras ay babagsak na ito.
"Smith Stop it! Alam mo bang naholdap ang anak natin?"
"It's Her Fault! Kung hindi sya tumakas,edi sana hindi sya mapapahamak Remember this Krishna,You're nothing without me! Kung hindi dahil sa akin at sa company wala ka ng lahat ng bagay na tinatamasa mo ngayon! Kaya tumino ka" sabi nya at umalis na.
'I'm nothing without Him and His Company? Pinalaki nya lang ba ako para sa kumpanya nya? He want me just for the sake of this? Hindi ko naman hiniling ang mga bagay na to! I don't wish all of this! This bullshit life sucks me up!'
"Krishna,wag mo nalang intindihin ang mga sinabi ng Dad mo ok? He's just mad because of what you did" Sabi ni Mom habang hawak nya ang magkabilang braso ko at pinupunasan ang luha ko.
"Mad? Ganun ba sya kagalit kaya ni hindi nya nagawang kamustahin o alamin man lang ang kalagayan ko? He's so unconsiderate Mom!"
"Intindihin mo nalang sya"
"Intindihin? Bakit ako Mom,inintindi nya ba ako kahit minsan? Kung bakit ayaw kong magpakasal? Kung bakit ako tumakas? I don't understand you Mom,bakit mo sya kinakampihan"
Hindi ako sinagot ni Mom kaya muli akong nagtanong. "Do you still love him Mom?"
She just Nod. "So you still love Him,kaya pala nagbubulag-bulagan ka nalang sa mga ginagawa nya"
"Someday Krishna maiintindihan mo din ako at ang Dad mo,hindi namin ginagawa 'to ng walang dahilan"
"Kung ano mang dahilan yan Mom,napakaunfair nyan sa akin" sabi ko sabay alis.
Dahilan,dahilan kung ano mang dahilan nila bahala sila! I'm sick and tired for those damn reasons!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Basta HOLDAPER,Sweet LOVER ❤
ContoHer holdaper is her lover?!OMG i smell trouble!...but what if malaman mo na trinaidor ka nya mamahalin mo pa rin ba sya?o magmomove-on ka na?.. This is a story of Krishna Jewel Oxford na isang anak ng mayamang may-ari ng isang tanyag na jewelry shop...