"Good morning Marie!" bati ko sa kapatid ko na nag-aalmusal na.
"Maganda yata ang gising ng maganda kong Ate ah..may bago bang inspiration?" tanong nito. Ipinagkibit balikat ko iyon at saka kumuha ako ng pinggan at saka dumalo sa hapag.
"Anong inspirasyon ang pinagsasabi mo?" tanong ko at saka tinuhog ang hotdog at kinagat iyon.
"Nakita ko ang paghatid sayo ng bago mong boyfriend at nakita ko ang pag-kissed niya sayo..never get me wrong Ate ah, n-nakalimutan mo na ba si Kuya Adrianne?" tanong nito. Napatingin ako dito at saka maya-maya pa ay umiling ako.
"Marie, alam kong nakakaintindi ka na and so why do I hide it to you?..hindi ko naman nakalimutan ang kuya Adrianne mo..hanggang ngayon naman ay umaasa ako na someday ma-realized niya na ako ang mas mahal niya kaysa sa asawa niya at babalik siya pero Marie, we all knew na hindi naman mangyayari yun and I'm trying to moved on at nakikita mo naman yun diba?" wika ko dito. Bumuntong-hininga ito.
"Dahil ba kay Kuya Alex kaya ka naka-moved on Ate?" tanong nito. Napatigil ako sa pagsubo at muli akong napatingin dito.
"Marie..h-hindi mo kasi naiintindihan eh..basta I'm happy kung anong meron ako ngayon." wika ko. Napaismid ito.
"Wala kasi akong tiwala dun sa bago mong boyfriend Ate eh..wag kang magagalit sa akin pero nakita ko kasi siya na may kasamang babae.." wika nito. Napakunot-noo ako. Sino kayang kausap ni Alex?Si Jessica kaya?
"Baka kaibigan niya lang yun..hayaan mo na.." wika ko na lang habang patuloy na kumakain. Maingay na ibinaba ni Marie ang kubyertos na ikinagulat ko.
"Kaibigan?how sure are you Ate na kaibigan niya lang yun?may kaibigan ba na nagkikissed?..gago yun eh!..nagsisisi tuloy ako kung bakit sinabi ko pa sa kanya ang favorite flower mo..yun pala pinagmukha ka lang niyang tanga!..nagiging tanga ka na nga kay Kuya Adrianne ay nagiging tanga ka pa rin pagdating kay Kuya Alex!..they're not worth it Ate..you deserved someone better than them kaya iwanan mo ang Alex na yan bago pa mahuli ang lahat.." mariing wika nito. Napakurap ako. I couldn't believed na masasabi sa akin ni Marie ang mga bagay na ito. Mabilis na tinapos ko ang pagkain at saka inisa-isa kong iniligpit yun.
"At kailan ka lang naging si Inang Marie?" mahinahong tanong ko. Alam ko concerned lang si Marie sa akin dahil ayaw niyang masaktan akong muli. Pero hindi nito alam na wala talaga kaming relasyon ni Alex.
"I'm not Inang Ate but I can do what Inang and Amang wants for you..ayaw ka naming nasasaktan Ate..ikaw na nga lang ang natitirang pamilya ko eh at gagawin ko ang lahat para hindi ka masaktan.." wika nito. Nakakataba ng puso. Bihira lang ang mga katulad ni Marie na kahit na hindi tunay na kadugo ay may malasakit pa rin. Ngumiti ako dito at saka niyakap siya.
"I'm alright..wag kang mag-aalala sa akin at saka magtu-twenty-four na ako sa makalawa..I'm matured enough to knew my limitations Marie..wag kang mag-alala kaya ko naman at alam ko ang ginagawa ko..and Thank you for the worries..hindi ako masasaktan..promise.." wika ko dito. Niyakap na lang din niya ako.
----------------------------
Nandito ako ngayon sa park. Naglalakad at panaka-naka ay kumuha ng mga larawan na nakikita ko. I was lonely yet I don't want to be..kaya nga nililibang ko ang aking sarili dahil wala akong trabaho ngayon. Gusto kong mag-isip at mag-enjoy ng ako lang.. Napangiti ako nang makakita ako ng ice cream na tinutulak-tulak pa ng isang lalaki. Lumapit ako dito at saka bumili.
"Hi Kuya..pabili ng isang cone ng ice cream..yung pinakamalaking cone po.." nakangiting wika ko dito. Ngumiti ito sa akin at saka binigyan ako ng isang cone ng ice cream. Agad ko iyong nilantakan at umupo sa isang bench.
"Whoahh!!" wika ko dahil sa lamig. Ice cream is my company whenever I'm lonely and sad at lalong-lalo na kapag nag-iisip ako o may kina-iinisan ako. Naipaypay ko ang kamay ko sa bibig para maibsan ang lamig na nararamdaman ko.
"Nakaka-brain freezed to.." naisambit ko. Ilang sandali pa ay naubos ko na rin.
"Mind refreshing.." bulong ko at saka tatayo na sana nang mapansin kong may isang taong tumapat sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko at saka dahan-dahan akong napatayo at nag-angat ng tingin.
"My Angel.." sambit nito. Napakurap ako. I don't knew how to speak dahil sa kaba.
"A-Adrianne.." mahinang sambit ko. Ngumiti ito sa akin.
"How are you Angel?" tanong nito and he made me sit again on the bench at saka tumabi ito sa akin. I just stared at him. Gustong mangilid ng mga luha ko. God knows how much I missed him.
"I-I'm..fine.." nauutal na wika ko. He stared at me at umiiwas ako sa mga tingin.
"Am I still your Guardian Angel?" tanong nito. Kung alam niya lang na hanggang ngayon ay siya pa rin...siya pa rin ang Guardian Angel ko.
"Why are you asking me like that after what had happened to us?you're a married person now and so you don't have to ask me that.." wika ko. I heard him sighed.
"I'm sorry Angel..I didn't mean to hurt you like that..God knows kung gaano ako nanghinanayang sa ating dalawa at kung gaano ako nagsisisi..I knew wala akong dapat na hingin mula sayo pagkatapos ng lahat pero umaasa ako na balang araw ay magawa mo akong patawarin.. " wika nito. Mapait akong ngumiti at saka napailing.
"But it's too late Adrianne..aaminin ko na umaasa ako pero ako lang pala ang umasa..natauhan na ako..I am trying to moved on..at kung patawad ang kailangan mo then you have my forgiveness at hindi ko yun ipagdadamot sayo.." malungkot na wika ko at saka tumayo at hinarap ito.
"I will find a better person Adrianne..better than you na kaya akong ipaglaban.." wika ko at saka tumalikod. Akala ko madali pero ang sakit-sakit pa rin pala. Akala ko naglaho na ang sakit dahil isang taon na ang nakaraan pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang papalayo sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
RomanceAlexander Singson is too tough when it comes to woman. Ayaw niya ng commitment dahil para sa kanya ay sakit lang yun ng ulo pero paano kung may darating na isang tao na bigla na lang guguluhin ang buhay niya at pilit na ipinapaniwala sa kanya na mer...