oh my! prince'ss book # 1 "your royal highness"

105 1 0
                                    

jumone:

"your highness, nakahanda na po ang inyong gagamiting sasakyan n maghahatid sa inyo sa paliparan." nakayukong pagbibigay alam ng punong tagasilbi ng palasyo na si ginoong liu ng pinuntahan nito sa royal study room ang batang prinsipe na si prinsipe xhiaolan, anak ng yumaong haring xhiaokan, na inapo naman ni haring jumone.

Itinigil ng batang prinsipe ang ginagawang pagbabasa, nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga, bago nagdesisyong tumayo na sa kinauupuan, "ikaw na munang bahala dito ginoong liu, habang naroroon ako sa bansang pilipinas upang makipag-meeting sa presidente doon.'' anito habang humahakbang patungo sa pinto, biniksun iyon ni ginoong liu upang makalabas ang prinsipe, "kung magkaproblema dito, magpadala kayo ng mensahe kay punong ministro dokusoun." habilin ng prinsipe.

"makakaasa po kayo kamahalan, huwag po kayong mabahala habang kayo po''y nasa pilipinas, dahilpangangalagaan po namin ang palasyo," wika ni ginoong liu na sinundan lang ang batang prinsipe, habang tinatahak nito ang napakahabang hallway patungo sa bukana ng palasyo. nanatiling nakasunod si ginoong liu sa batang prinsipe hanggang ng makalabas na ito ng palasyo, kung saan naghihintay ang limang royal patrol vehicle na maghahatid sa batang prinsipe.

yumuko ang naghihintay na royal secretary ng lumapit na ang prinsipe, pinagbuksan niya ito ng pintuan ng kotse,bago sumakay ay muling hinarap ni prinsipe xhiaolan ang punong tagasilbi ng palasyo upang muli itong bilinan sa mga dapat nitong gawin, bago tuluyang lumulan ng sasakyan, kinawayan pa ito ng prinsipe.

airport:

marami ang nag-aabang sa pagdating ng batang prinsipe sa paliparan ng jumone, sila ang mga grupo ng kabataang may mataas na respeto at paghanga sa batang prinsipe na kasing edad lamang nila. 17 anyos palamang ang prinsipe xhiaolan, ngunit sa napakabatang edad ay naging isa na itong responsableng prinsipe, mas lalo pang umunlad ang bansang jumone sa ilalim ng pamumuno nito, mas naging mapayapa, at hindi nagpapahuli sa mga makabagong teknolohiya, ngunit kahit namumuhay sila sa makabagong mundo, ay patuloy na pinapanatili ng batang prinsipe ang mga tradisyonng itinatag ng pinakalolo niya na si haring jumone.

sigawan ang lahat ng dumating ang sinasakyang royal vehicle ni prinsipe xhiaolan, umugong ang mga tinig ng mga kabataang humahanga sa prinsipe na puno ng mga salita ng paghanga para rito. matamis na ngumiti ang prinsipe ng bumaba ito ng royal vehicle, gusto sana niyang lapitan ang mga ito ngunit hindi siya pinayagan ng mga royal guards kaya kinawayan nalamang niya ang mga ito ng limang mababagal na kumpas saka yumuko, bilang pasasalamat sa binibigay na suporta ng mga ito sa kanya, ng matapos ay tuluyan ng pumasok sa naturang paliparan ang batang prinsipe, nakasunod rito ang kanyang secretary at sampung royal guards.

"sayang, nais ko pa sana silang lapitan" may bakas ng lungkot na wika ni prinsipe xhiaolan.

"pasensya na kamahalan,wala na po kasi tayong oras, siguro po pagbalik ninyo mula ng pilipinas ay mag tatakda tayo ng oras para makasama ninyo ang grupo ng mga kabataang iyon." puno ng pagbibigay pag-asang wika ng royal secretary.

"sana nga!" malungkot paring matipid na wika ni prinsipe xhiaolan.

sinalubong ng tatlong ministro ang kadarating na prinsipe, kasama ang mga ito sa pagbisita ng batang prinsipe sa bansa ng pilipinas.

philippines:

naging matagumpay ang pagbisita ni prinsipe xhiaolan sa presidente ng pilipinas, maganda ang naging resulta ng usapan nila, nagpahiwatig naman ng paghanga ang presidente ng bansang pilipinas sa napakabatang prinsipe.

yumao ang ina ng prinsipe na si reyna ysobell ng isilang silang dalawa ng kakambal niya na makaraan ang isang linggo ng kapanganakan ay nasawi rin, at sa edad na 11 ay nasawi rin ang kanyang ama na si haring xhiaokan sa isang planecrash, sa napakamurang edad ay hindi nakitaan ng kahinaan ang prinsipe xhiaolan, naging matatag ito, sinunod niya ang mga bilin sa kanya ng kanyang ama na bilang isang prinsipe at pinuno, kailangang maging malakas at matatag siya, at iyon nga ang ginawa ni prinsipe xhiaolan, naging matatag ito.

oh my! prince'ss book # 1 "your royal highness"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon