Ang Girlfriend Kong Multo

230 3 0
                                    

"Mahal Kita.. Hindi ko alam kung bakit o paano, Basta't Mahal Kita. Hindi ko alam kung kelan ko naramdaman to sayo. Siguro mula nung maintindihan ko yung ibig sabihin ng salitang "LOVE" o siguro bago pa yun. Kung sana dati pa nakilala na kita.. Kung pwede lang pigilan at Ibalik yung oras. Kung pwede lang Ibalik ang lahat. Kung pwede lang sana.."

"Ako si Kristine Alvarez. Simpleng tao na mapagmahal. Only child ako at yung parents ko, Laging busy. Laging wala sa tabi ko pag kailangan ko. Kaya pag may problema ako, dinadaan ko nalang sa pag aaral, sa pagbabasa ng mga books ko. Sabi nila, Loner daw ako. Walang ibang kaibigan kundi puro libro lang.. Which is totoo naman pero kontento ako sa buhay ko noh. Lahat ng gusto kong mangyare, pwedeng pwede.. Hanggang sa..."

"Ako si Lance Zabarte. Ang taong walang kinakatakotan. Lahat ng bagay sinusubukan, Hinaharap, Nilalabanan kung kinakailangan. Kahit pa masaktan ako. Baliwala na sakin yun kasi naranasan ko na yung SOBRANG SAKIT sa buhay ko. Yun yung palage akong nag iisa. Binabaliwala. Kaya sinisuguro kong kahit kailan di ko na mararamdaman sa iba o mararanasan yung sakit na nararamdaman ko ngayon. "

Ang Girlfriend Kong MultoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon