Pregnancy Test [One-Shot]

363 2 0
                                    

Sapphire's POV:

"Yay! Positive sya! Magkakaanak na ko." Sabi ng Ate Avril ko at nagtatalon pa sa tuwa. Pinakita pa nya sa'min ang pregnancy test niya na may dalawang red lines.

Yes! Magkakapamangkin na ko! Excited na ko. :))

"Congrats Ate! Party party na yan!" -Sabi ko at nagsasayaw ako na parang ewan sa harap nila.

"Congrats 'nak, magiging lolo at lola na kami. Hay. Ang tanda na namin." -Sabi naman ng mama ko na maiiyak na.

NagGroup hug kaming lahat. Ano kaya magiging reaksyon ni Kuya Drew? Pagnalaman nyang magkakaanak na sila ni ate Avril?

At ayun nga nagparty na kami sa labas ng bahay.

Ang reaksyon ni Kuya Drew? Nagtatalon sa saya at magiging daddy na raw sya. Pero wala raw munang exercise tuwing gabi. Hahaha. Loko loko din tong asawa ni ate.

Bago ko makalimutan ULIT, magpapakilala na ako. Ako nga pala si Milicent Sapphire Mckenzie. Pero tawagin niyo nalang akong Sap. 16 years old na ko at 4th year highschool na. Yun lang. Wala na kong maisip na pwedeng i-describe sa sarili ko eh. At yung si ate Avril? Ate ko yun. Obvious naman di'ba? Mas matanda siya sa'kin ng sampung taon kaya may asawa na.

Papasok na pala ako sa school ngayon.

Pero teka? Bat parang may kulang sa gamit ko? Yung USB ko! Naiwan ko sa bahay. Patay para pa naman yun sa presentation namin mamaya. Kailangan kong bumalik sa bahay! Ayokong mafail kami dahil makakalimutin ako.

"Kuya, balik po tayo sa bahay. May nakalimutan ako." Bumalik kami sa bahay at dali-daling pumunta sa kwarto ko.

Hinanap ko na ang USB ko at halos madapa dapa na ko kakahanap. Ang clumsy ko kasi -.-''

Bwisit. Nasaan na ba yung usb ko!? 10 minutes nalang malalate na ko! Di pwede 'to.

Hanap dito.

Hanap doon.

Itinaas lahat ng kumot at pinagbabato ang unan.

Nang makita ko na, agad ko 'tong kinuha at iniwan yung kwarto ko na ang kalat kalat.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*Sa School*

Takbo dito. Takbo doon. Nadapa pa nga ko pero tumayo ako at lumaban. Hahaha. Joke lang. Kahit parang pilay na ko, takbo pa rin. Late na kasi ako at ngayon na yung presentation namin. Patay ako neto sa mga groupmates ko. Lalo na sa bestfriend ko, ang ikli pa naman ng patience nun.

Pagkabukas ko ng room lahat sila napatingin sakin. Kasi ang bilis ng pagkakabukas ko at ang lakas ng sound effect. Ang gulo gulo ng buhok ko, pinagpapawisan ako, hingal na hingal pa at may sugat pa ko sa binti. Kasalanan ko bang nakaskirt kami!?

"Oh ano nangyari sayo? Nasaan yung usb dali!" -Sabi ni Sky, groupmate ko.

Teka lang ah? Di pa kasi ako nakakaupo at ang dami kong dala. Di man lang ako hinintay umupo at di man lang ako tinulungan.

"Kung paupuin mo kaya muna ako? Kita na nga na pagod ako. USB agad ang hahanapin!? Di man lang ako binati ng good morning." -Sabi ko naman sa kanya.

"Edi Good Morning po Sapphire. Upo na muna kayo, Miss Init ulo." -Sabi nya na parang nangaasar pa. Pasalamat sya at pagod ako. Kung hindi, binatukan ko na sya.

Lumapit naman sa'kin yung best friend ko at kinuha yung mga gamit na dinala ko. Ang sweet talaga ng best friend ko 'no? Ngayon lang 'yan kasi may sermon na kapalit yan. Sinundan ko lang sya hanggang sa makapunta sa upuan ko na katabi lang ng upuan nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pregnancy Test [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon