Sky's POV"Ano ba sky! Sa loob ng apat na
taon ganun-ganun nalang ba 'yun!? Tatalikuran at susukuan ang relasyon na meron tayo sa loob ng apat na taon!? Sky mahal kita! Mahal na mahal kita! Kaya please 'don't do this! Sky Ikakamatay ko pag nawala ka sa buhay ko! Ikakamatay ko! s-sky..." umiiyak na sabi NIYA "Sky may nagawa ba akong mali sayo? Please tell me please... May hindi kaba nagustuhan sakin? Tell me baby Tell me, dahil babaguhin ko I PROMISE you baby i promise" desperadong wika niya habang nakaluhod sa harap ko at hawak-hawak 'yung kamay ko. Shit Kyle please 'wag mo 'kong pahirapan ng ganito"........" hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam.
Marahas ko namang binawi ang kamay ko sakanya. Tumayo naman ito na may halong galit at lungkot sa mukha at mata niya.
"Wala ka ba talagang sasabihin!? Sky sabihin mo sakin kung ano ang rason kung bakit mo to ginagawa! Sky 'wag mo 'kong gawing tanga dito na tanong ng tanong sayo kung ano ang nagawa ko! Kung ano ang rason kung bakit mo ko sinaktan at iniwan?" sabi niya
"......."
"SKY!"
"HINDI NA KITA MAHAL! MAY IBA NA AKONG MAHAL! NASASAWA NA AKO SA PAGMUMUKHA MO! AYOKO NA SAYO! SAWA NA AKO SAYO! NGAYON ALAM MO NA!? KAYA PWEDE BA! UMALIS KANA DITO! TANTANAN MO NA AKO! 'WAG NA 'WAG KANANG MAGPAPAKITA SAKIN! UMALIS KA NA!...HINDI NA KITA KAILANGAN..." galit na wika ko sabay tulak sakanya palabas at sinarado ang gate.
Narinig ko naman ang kalabog ng gate samin at rinig na rinig ko ang pagsigaw niya ng pangalan ko at ang mga katagang 'sky mahal kita' at ang mga pagmama kaawa niya.
I'm sorry kyle.....
Hindi ko to gustong gawin pero kailangan eh. Kailangan na kailangan
Gusto kong palayain ka. Hindi dahil sa hindi kita mahal. Hindi dahil sa may iba na akong mahal. Hindi sa nagsasawa na ako sa pagmumukha mo. Hindi dahil sa ayoko na sayo. Hindi dahil sa nagsasawa na ako sayo. Hindi dahil sa ayaw na kitang makita. At higit sa lahat hindi dahil sa hindi na kita kailangan. Kyle i need you. I really do
Pero...
Ayoko lang na masaktan ka ng lubusan. Ayokong mas masaktan ka higit pa dito sa ginagawa ko. Ayoko dahil mahal kita. Mahal na mahal kita
"Sky, pinapangako ko sayo.. Magsasama ulit tayo pangako.. Oo, hindi sa ngayon pero alam kong dadating 'din tayo sa puntong 'yan. Ikaw at ako. Pangako babyq"ang huling katagang na iniwan niya bago nawala ang kalabog sa labas. Umalis na siya. Wala na.
Sumabay naman ang ulan saking kalungkutan. Habang pumapatak ang ulan ay pumapatak narin ang aking luha.
Kung gaano kami kasaya sa apat na taon na magkasama kami ganun din ang hinagpis at hinanakit na nararanasan namin ngayon.
Kyle patas lang tayo. Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito, pati rin ako. Pero wala eh. Malapit na kase. Malapit na malapit na
"anak, tahan na. Wala na siya" sabi ni nanay staka ako niyakap habang may dala-dalang payong
"Inay " para akong bata ngayon na umiiyak habang yakap-yakap ng nanay niya. Wala eh hindi ko kaya. Kailangan ko tong ilabas kahit man lang luha ang kaya kong ilabas at hindi ang sakit na nararamdaman ko.
"Sshh.. Tahan na.. Tara na pumasok na tayo"
----------
[ Time check 6:00pm ]
----------
BINABASA MO ANG
My love, My Life
Short Story[One Shot Sad Love Story] -Yung tipong kaya mong e buwis ang buhay mo para lang sa taong minamahal mo <3