Sa Trycicle

349 8 3
                                    

This is my first horror short story. Sana magustuhan nyo.

And FYI....THIS IS BASED...

ON..

A..

TRUE...

STORY..

kwento ito ng teacher ko nung grade 6 kami.

Mag handa sa mababasa. Babala sa may mga sakit sa puso wag ito basahin at baka hindi nyo makaya.

----------------


Last subject na namin ngayon. TLE ang subject namin. Tapos na kami sa lesson kaya kung ano ano na lang ang ginagawa namin. 6:30 pa kase ang uwian namin pero madami pang oras na natitira.

*noise*

"Sir! may alam po ba kayong horror na kwento? O kaya yung na experience nyo na."

Sabi ng isa kong kaklase kay Sir. Sa pag kakaalam kase namin may third eye si sir. Sabi kase ng mga higher levels samin nag kekwento daw si sir. tungkol sa mga naexperience na nya na nakakakilabot.

"Ahmmm. Madami akong alam. Pero ito. Kwento sakin toh ng kaibigan ko na siya mismo ang naka experience. isa siyang tricycle driver."



> start of story



Isang gabi, pauwi na ako sa aming bahay dahil tapos na ang byahe ko. Sa isang simenteryo na lagi kong nadadaanan pauwi may isang babaeng matanda na pumara saakin.

Kinilabutan ako. Kase gabing gabi na noon at siya na lang ang tao dun.

Ngunit pinasakay ko pa din siya sa aking tricycle dahil iniisip ko na baka maghiganti siya saakin kapag hindi ako nakapag pakita ng magandang loob.

Doon siya sumakay sa likod ko na lalo pang nakapagkilabot saakin. Kaya nag patakbo na agad ako ng mabilis.

"Saan po kayo?" Tanong ko.

Hinihintay ko ang sagot nya ngunit hindi ito sumasagot.

Pag tingin ko sa side mirror ko ay wala na ang matanda!

Lalo pa akong natakot ng sobra at dahil dito, tatlong araw akong nilagnat at hindi nakapag biyahe sa sobrang takot.

>>>


Nang ako'y gumaling na, bumalik na ako sa pag biyahe. at pag daan ko muli sa simenteryo, nandoon nanaman ang matandang babae na nasakay ko nung huling biyahe ko.

At doon ulit siya sumakay sa likod ko tulad nung huling sakay nya sakin.

Pinatakbo ko na ang tricycle.

"Saan po tayo?" tanong ko.

Ngunit hindi nanaman ito sumagot.
Pag tingin ko sa aking side mirror....

Tama ang hinala ko! nawala nanaman ang matanda.

Nag dasal ako nung gabing iyon habang ako'y papauwi dahil sa sobrang takot.

Kinabukasan...

Pauwi ulit ako galing byahe. nag aalinlangan na ako dumaan doon sa simenteryo na dinadaanan ko. Pero wala akong magagawa dahil iyon lang ang tangin daan ko pauwi ng bahay.

At pag daan ko ng simenteryo. nandun nanaman siya.....

Ang matandang babae. Iiwasan ko sana siya ng tingin ngunit bago pa ako makadaan sa simenteryo ay pumunta na siya sa gitna ng kalsada para pigilan ako. Naramdaman ko na hindi na maganda ang mangyayari at sobrang kinikilabutan na ako.

Pero ngayon iba....

Dahil...

Sa loob siya ng tricycle sumakay. At kitang kita ko sa mukah nya na may mga benda siya at sugat sa mukah na lalong nagpakaba saakin.

Nag patakbo na ako ng sobrang bilis dahil sa sobrang kaba ko pero nung pag tingin ko sa loob ng tricycle...



.

.

.

.

Nakatingin saakin ng masama ang matanda at sabi..

.

.

.

.

.

"PWEDE BANG BAGALAN MO ANG TAKBO NG TRICYCLE MO! ALAM MO BANG NAHUHULOG AKO SA LIKOD MO KAYA NAG KA SUGAT ITONG MUKAH KO! HAY NAKO OO! IBABA MO NA NGA AKO DIYAN SA KANTO!"

HINDI PALA SIYA MULTO!

Kaya pala siya nawawala sa likod dahil nahuhulog siya sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko! Napalitan ng tuwa ang mga takot ko dahil dito.
Hindi ko aakalain na dahil pala sa tricycle ko. hindi pala siya multo!

-----------------

Oh ano nagustuhan nyo ba? Pleas vote and comment.

And 100% true ito.
Lahat kaming mag kakaklase natawa nung inikwento saamin ng teacher namin ito na si Sir. Gary. HAHAHA!
Thank you sir at salamat dahil naishare ko ito sa watty.

Sa TrycicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon