Francheska's
Ilang araw na rin yung lumipas simula nung kumain kami ni Brixx sa park, malapit na ulit kami pumasok kaya alam ko na talagang walang chance si Brixx. Sinabi ko na sa kanya yun kahapon pero ang sabi niya lang, hayaan ko daw siyang pasayahin ako ng kaming dalawa lang
Kaya napag disisyonan naming sa thursday na lang kami magdate, ayun na yung last date namin sa pinag usapan naming deal. Pero kung may miracle sana hindi na manligaw si Brixx, sana itigil na niya to, kaibigan ko siya ayoko siyang masaktan
Ngayon napansin kong medyo umiiwas sakin si Alliah, napansin ko yun kasi simula nung kumain kami ni Brixx sa park hindi na niya ko kinakausap, Kinakausap naman niya ako kaso madalang nalang hindi na katulad dati, si Sheena lang pa lagi niyang kausap. Kanina umalis siya sabi niya uuwi daw muna siya sa kanila, tinanong ko naman kung bakit sabi niya may aayusin lang daw siya. Pinilit ko siya na wag umalis kaso mukhang buo na yung disisyon niya na umuwi muna, Babalik naman daw siya kaya pumayag na din ako, Okay din naman kay Sheena eh
"Sheena!" tawag ko, nandito kasi kami ngayon sa sala nanonood ng 'my love from the star', Grabe ang ganda ni Steffy! kaso ang bobita hahahaha
"Bakit?"
"May napapansin ka bang kakaiba kay Alliah?" tanong ko, "Napapansin? What do you mean?"
"Napapansin.... sa mga kilos niya" pero binigyan niya lang ako ng 'Slow-look' minsan din pala may pagka slow to -_____-
"Hay. feeling ko kasi simula nung kumain kami ni Brixx sa park.... yung pinlano niyo" tumango tango naman siya "Simula nun, hindi na ako masyadong kinakausap ni Alliah" kumunot naman yung noo niya
"Hindi kana masyadong kinakausap ni Alliah?" pag ulit niya sa sinabi ko
"Oo, paulit ulit Sheen?" pag bibiro ko, tumawa naman siya kaya tinuloy ko na lang "Hindi na katulad dati diba, palagi niya akong kinukulit, tapos ngayon umalis siya eh wala naman siyang kasama dun kundi mga yaya lang nila"
"may nangyari bang hindi ko alam?" dagdag ko. Nilagay naman niya yung daliri niya sa noo niya may side din pala siyang mukhang tanga
"Nung kumain kayo ni Brixx sa park? Meron" simple niyang sagot tapos humarap na ulit sa movie na pinapanood namin
Ikinwento niya lahat sakin, Pero hindi niya alam kung bakit umiyak si Alliah. Bakit ka nga ba umiyak lliah? Hindi naman magiging ganun si Alliah kung wala siyang problema, Hindi naman pwede maging tears of joy yun kasi nag walk out siya.
Baka naman may feelings pa siya kay brixx. hindi pwede. erase erase! Hay. imposible yun kasi sabi niya wala na daw siyang feelings for brixx. tsaka tinutulungan niya din si Brixx at hindi naman magsisinungaling si Alliah sakin
Alliah's
Ilang araw na ang nakakalipas nung kumain sila Brixx at Cheska sa park pero hindi parin ako maka get over, Bakit pa kasi ako umiyak iyak? bakit pa kasi ako tumakbo? Bakit kasi ako nagpapakabitter dun sa nangyari na yun, hindi pa naman sila diba? So may chance pa ako
"Oo! Tama may chance pa ako!" sabi ko sa sarili ko, Para akong baliw dito sa kwarto ko kasi umiiyak ako na tumatawa. Baliw na siguro talaga ko.
Naisipan ko munang umuwi dito sa bahay namin, Bale ako lang mag isa dito at si ate marie, Siya na lang pala natirang maid dito, siya lang yung pinagkakatiwalaan ni Mom kaya siya na yung pinag stay dito, Pinag aaral din siya ni Mom dun sa school namin kaso hindi kami masyadong nag kikita kasi afternoon class lang siya.
*Tok* *Tok* *Tok*
"Pasok!" pumasok naman agad si Ate marie "Bakit ate?" tanong ko sa kanya, Umupo naman siya sa kama ko
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Boyish
Teen Fictiononce upon a time... the badboy fell in love with a boyish girl, impossible right? but now a days its possible