Chapter 04
Blaire's POV
Napatingin ako sa malaking orasan na nakasabit sa kwarto ko.
It's already 11 pm yet hindi pa rin ako makatulog. Pilit kong pinipikit ang mata ko pero hindi talaga ako madapuan ng antok.
Kinuha ko ang jacket ko at lumabas muna ng bahay. Gusto kong magpahangin dahil ang daming bumabagabag sa isipan ko.
Dumiretso ako sa isang parke na malapit sa bahay namin. Naabutan kong wala ng tao doon.
Napayakap ako sa sarili ko ng biglang umihip ang malamig na hangin. Malapit na magdisyembre kaya mas lalong lumamig ang paligid.
"It's already late, anong ginagawa mo sa oras na 'to?"
Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig kong may nagsalita sa likuran ko.
Napalingon ako at nakita ko si Chase na nakapamulsa.
Anong ginagawa niya ngayong oras na 'to? at bakit mukhang bihis na bihis siya?
Lumapit siya sa akin at umupo sa katabing kong swing.
"Hindi ako makatulog, nagpapaantok lang," sagot ko sa kanya.
Tumingin ako sa kalangitan at pinagmasdan ang mga bituin. Kitang kita ito ngayong oras dahil walang ulap na tumatakip dito.
"Ikaw?" tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan parin ang kalangitan.
"Me too," sagot niya.
Walang nagiimikan sa aming dalawa dahil hindi naman kami ganoon kaclose at hindi ko rin siya lubusang kilala.
Hindi ko na siya tinanong pa dahil naaliw akong pagmasdan ang mga bituin. Ang ganda, parang nagfoform sila ng shape.
Nabasag ang katahimikan ng magsalita si Chase.
"Naniniwala ka ba sa kasabihang kaya hindi tayo makatulog sa gabi kasi nasa panaginip tayo ng ibang tao?"
Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya iyon. Nakatingin rin siya sa kalangitan at ng maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya ay napatingin rin siya sa akin.
Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at binaling na lang ulit sa mga bituin.
"Hindi. Dahil kung totoo yon ibig sabihin pala lagi may nagiisip sa akin kasi lagi akong hindi makatulog," birong sagot ko sa kanya.
Napansin ko lang noong nag-17th birthday ako ay doon na ako nahirapan sa pagtulog. Kung dati ay nakakasampung oras ang tulog ko, ngayon walo na lang.
Napatawa siya sa sinagot ko. Kitang kita ko sa peripheral vision ko na nakatitig siya sa akin. Mas lalo tuloy akong naconcious kung may dumi ba ako sa mukha.
"Sana nga," may sinabi pa siya pero hindi ko na ito narinig pa.
Biglang umihip ang malakas na hangin dahilan upang mas yakapin ko lalo ang sarili ko.
Napatingin ako sa kanya ng makita kong tumayo siya at tumayo sa harapan ko.
Gulat ako ng maghubad siya sa harapan ko, kaya napapikit ako bigla.
Naramdaman ko na lang na may bumalot sa katawan ko. Napadilat ako at nakita ko ang jacket niya na nakapatong sa akin.
Nakita ko si Chase na ngayo'y nakablack shirt na lang. Seryoso ang mukha niya at diretsong nakatingin sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Space Between Us
FantasiTwo different worlds, Two different time, Two lonely souls, One forbidden love. Is it true love really conquers all? How far will you take for the one you love? Meet Blaire Del Rosario, the girl who can travel to the future through her dreams. Hi...