[Luna]
Nang sunduin ako ni Antonio sa classroom ko hanggang nasa kotse na niya kami, wala kaming kibuan. Kinulit ko naman siya pero tipid siyang sumagot. Badtrip ba 'to?
"Hoy, Antonio? Bakit ang panget mo?"
"Gwapo."
Tignan niyo naman! Kahit badtrip na siya at ayaw makipag-usap sa akin nagawa pa niyang magyabang! Tindi ng kayabangan ng manyak na 'to.
"Ang gulo mo!"napakamot na lang ako sa ulo ko."Bahala ka na nga. 'La ka kwenta kausap."inis akong lumingon sa labas ng kotse.
Bakit kahit ang lapit ng bahay ko parang ang haba ng oras? Binabagalan ba ni Antonio ang pagdadrive?
Bigla namang nagring ang phone ko at agad ko itong kinuha pero hindi ko pa nakikita kung sino ang nagtext nagsalita si Antonio.
"Ang ingay! Patayin mo nga yan!"
Nagulat ako sa pagsigaw niya at tinignan siya."Ano?! Papatayin mo ba o ihahagis ko sa labas?!"
Bigla akong natauhan at galit na tinignan siya."Ano bang problema mo?! Wag mo ngang pagdiskitahan ang phone ko! Just drive your freaking car!"sigaw ko rin sa kanya.
Agad siyang napapreno kaya halos masakal ako ng umabante ako paharap at naipit sa seatbelt.
"LECHE!"sigaw ko habang hawak ang dibdib ko at kinalas ang seatbelt."UMAYOS KA NGA!"
"ANO BANG PROBLEMA MO SA AKIN?!"
"What?"hindi ako makapaniwala sa tinanong niya. Ako? Ako yung may problema?
"Are you serious?"tinignan ko siya."IKAW ANG MAY PROBLEMA! BIGLA BIGLA KA NA LANG PRUMEPRENO! GUSTO MO BANG MAMATAY TAYONG DALAWA?!"
"Tsk."yan lang ang sinabi niya sa akin at inis na inisnaban ako. Diretso siyang nakatingin sa harap at mahigpit ang hawak niya sa manibela.
"Oh ano?! Hindi ka magsasalita?! Kanina lang sisigaw sigaw ka dyan na para kang sinong mataas! Tapos ako pa tatanungin mo kung ano ang problema ko?! Ikaw yung problema ko! Ang labo mo Antonio! Kanina ka pa!"
Hindi pa rin siya nagsalita. Nakatingin lang siya ng masama sa harapan niya at nakatingin naman ako sa kanya at naghihintay ng sasabihin niya.
Kahit na binabato mo ako ng kung ano-ano
ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasaktan mo ako
tas sinisipa’t nasusugatan mo
ikaw pa rin walang iba
ang gusto kong makasama
walang iba
BINABASA MO ANG
Twisted Red String (completed)
Ficção AdolescenteIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...