Isang Pananagutan

12 0 0
                                    

Isang Pananagutan

(ni: Leonard Sardan)

Ikaw, ako , tayo'y may

Isang pananagutan

Pagpapanatili ng balanseng

Kapaligiran

Ikaw, ako , tayo'y may

Isang pananagutan

Pangangalaga ng balanseng

Kalikasan

Masdan mo ang ating

Kapaligiran

Animo'y pugad ng karumihan

Winasak ng matalinong mangmang

Di ba't tayo ang dapat mangalaga

Ang s'yang kumalinga

Sa ating Inang Kalikasan

Nagbibigay buhay, pagmamahal ating iaalay

Daing nitong ina

Pananakit ay tama na

Kalikasan at tao

Puso't buhay ay iisa

Dumi sa ilog, dagat at lupa

Ating linisin ating mahalin

Tayo'y magkaisa tayo'y kumilos

At ang pag-ibig ay ating isa-puso

Ikaw, ako , tayo'y may

Isang pananagutan

Buhay natin magkakaugnay

Iisang daloy, nadarama ay panaghoy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang PananagutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon