Chapter 7:Having fun

1 0 0
                                    

Zack Pov's

Habang nagtutulak ng cart biglang napatigil si Michael kaya napatigil din ako.Nasa harapan ko kasi siya.

"Oy Michael bat tumigil ka?"takang tanong ko.

"Zack,diba sila Julia yun?"tanong niya habang nakanguso at tila may tinuturo ito sa isang gawi.

Tinignan ko kung saan iyon at tama nga siya.Nadun sila Julia,Lisa,Izzel at Loraine.

Kung nagtataka kayo kung bakit kabisado ko na ang mga pangalan nila at dahil iyon kay Karl.

Flashback**

"Karl picturan mo sila isa-isa kahit malabo tas kapag nagpakilala sila iedit mo yung name sila sa tapat ng photo nila."dinig kong bulong ni Jairo kay Karl.

"Oo wag ka ng maingay baka mahalata tayo"sagot sa kanya ni Karl.

Tas nung nasa bahay na kami dun niya pinakita sa akin yung mga stolen photos nila Christine.Ang aangas ng dating nila dun sa mga picture.

So ayun,nasaulo ko na tuloy hahaha.

End of flashback**

"Tara lapitan natin"sabat ni Joshua na siyang nagpaunang naglakad.

Sumunod lang kami sa kanya.

"Hi ladies!"bati nila Joshua at Jp sa mga ito.

Natigilan sila Julia at napaharap sa amin.Agad naman silang napangtiti ng makita nila kami.

"Oy,andito din pala kayo.Hi guys"bati sa amin ni Lisa.

Kasalukuyan silang nasa cosmetics line.Yung para bang isang line na lagayan siya tas puro cosmetics ang nakalagay.

"Mahilig pala kayo sa mga cosmetic products?"nakangiting tanong ni JP sa kanila.

Nagsitango lang sila at ngumiti.Ang ganda nila.

"Ahh oo,pero sila Christine hindi kaya nga di namin sila kasama eh"malungkot na sagot niya.

"Ahh..Di ba sila nagmamake-up?"tanong ni Michael.

"Ahmm nagmamake-up sila pero sobrang bihira parang once in a year lang.Hahahaha"natatawang sagot niya.

Natawa naman kami.Pero feeling ko naturn on ako lalo kay Christine kase ganun talaga ang tipo ko sa isang babae yung hindi pala make-up tas simple lang.

"Oo nga pala,nasan sila Christine?di niyo ba kasama?"tanong ni Joshua.

"Kasama namin sila,nandyan lang yun sa Food station."sagot namin ni Loraine.

Si Izzel naman busy sa pamimili ng lipstick.

"Teka apat lang kayo?di niyo ba kasama yung iba niyong kaibigan?"tanong ni Lisa sa amin.

"Ah kasama namin sila.Nandito lang din yung mga yun."nakangiting sagot ni Michael.

"What if kung,sabay nalang natin silang hanapin?"anyaya ni Izzel.Doon ko labg napansin na tapos na siyang pumil ng lipstick.

"Good idea,tara na."masayang anyaya ni Joshua.

Naglalakad na kami habang tulak-tulak ang mga cart namin.

Paikot-ikot na kami,at ayun na!nakita na din namin sila Christine na noon ay tawa ng tawa.Natigilan ako ng makitang kasama nila sila Angelo.

Napatingin sila sa side namin kaya natigilan sila.

Nagmadaling tumakbo sila Joshua papalapit kila Paul.

Biglang niyakap ng JP si Paul.

"Namiss kita babe"natatawang pang-aasar ni JP kay Paul.

The Secret Gang of LadiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon