Simula

9.6K 76 1
                                    

Sa kagubatan ng Santora ay may isang diyosa silang sinasamba. Ang tinatawag nilang Goddess Arvia. Ito ang pinaniniwalaan nilang tumutulong sa kanilang pananim. Sa araw ay nag-aalay sila ng mga pagkain sa lumang templo ng Santora. Walang sino mang nagtatangkang pumasok pa sa templo sa takot na baka magalit ang diyosa at parusahan sila. Sa gabi naman ay hindi na rin sila maaaring magtungo sa bukid sa paniniwalang nagtatrabaho sa gabi ang diyosa.

Ang paniniwalang iyon ay napatunayan nila nang minsang gabihin ang magsasaka sa bukid. Doon niya nasilayan ang isang napakagandang diyosa na nagdidilig ng mga pananim. Nang lapitan ito ng magsasaka ay mabilis itong tumakbo palayo. Ilang araw naging hindi maganda ang kanilang pananim dahil doon. Nang dahil sa pangyayari ay sumumpa ang lahat ng taga-Santora na walang sino man ang lalabas ng gabi upang hindi magalit ang diyosa.

"Sa tingin mo ba ay sapat na ang alay nating ito?" Tanong ng isang magsasaka sa kasama nitong nagdala ng mga pagkain sa templo.

"Ano ka ba! Babae ang diyosa, tiyak na hindi naman iyon kakain ng marami baka masira ang magandang katawan," biro naman ng kasama nito.

Nagtawanan ang dalawa bago umalis nang templo.

Sa kabilang banda ay nakikinig naman ang dalaga mula sa loob ng templo. Napanguso ito at tinignan ang hubog ng kan'yang katawan.

"Hindi naman ako tumataba kahit marami akong kumain," sambit nito.

Ang totoo ay wala naman talagang diyosa kundi si Thalia lamang ang nakatira sa loob ng templo. Kinakain niya ang mga alay ng mga tao at tuwing gabi ay sinisikap niyang magtrabaho sa bukid. Bata pa siya noong iwan siya ng mga taong dumukot sa kan'ya. Wala siyang maalala sa kan'yang pinagmulan at kinalakihan na lang ang pagkain ng mga alay.

Minsa'y naiisip din niya, bakit hindi siya hinanap ng kan'yang pamilya? Bakit siya pinabayaan? Mga bagay na madalas ay nagiging dahilan ng kan'yang pagluha.

Sumilip siya sa labas at nang makitang wala nang tao ay agad na pinuslit niya ang mga pagkain papasok ng templo. Kinain niya ang ilan sa mga pagkain, nagtira na rin siya ng para sa tanghalian at hapunan niya. Ganoon ang ginagawa niya sa araw-araw. Pagkatapos niyang kumain ay matutulog na siya, puyat si Thalia dahil sa gabi siya nagtatrabaho sa bukid. Hindi naman siya maaaring magpakita sa mga tao dahil tiyak na magagalit ang mga ito. Baka saktan pa siya ng mga ito kapag nalaman nila na wala naman palang diyosa at isang dalagang walang pamilya lamang ang kumakain ng kanilang mga alay.

Kapag sumapit na ang hapon ay naghahanda na siya. Kapag madilim na ay lumalabas na siya. Suot ang puting mahabang bestida, sadyang tila diwata ang itsura ni Thalia. Hindi mo mahahalatang tao ito, ang mahaba at natural na pulang buhok niya ay nakalugay. Ang alon-alon niyang buhok ay tumatalbog-talbog habang siya ay naglalakad. Her green eyes is sparkling, her skin is white as snow. Kahit wala siyang sapin sa paa ay himalang hindi iyon kumakapal.

Nang makarating na siya sa bukid ay nagsimula na siyang magdilig ng mga tanim. Mula sa isang balon ay kumukuha siya ng tubig, marahang ibubuhos sa mga halaman. Matapos niyang magdilig ay magbubungkal pa siya ng lupa. Sa totoo lang ay tamad talaga ang mga mamamayan doon. Nakaasa sila sa diyosa. Ang akala nila ay pag nagtanim na ay tapos na, hindi sila marunong mag-alaga ng mga pananim. Iyon ang ginagawa ni Thalia, kaya naman nagiging maganda ang mga tanim at masagana ang ani ng mga tao.

Nang sumapit na ang madaling araw ay nagmamadali nang bumalik si Thalia sa templo. Mabilis siyang pumasok sa loob at muling nagtago. Hihintayin niya lang dalhin ang alay para sa araw na 'yon para makatulog na siya at mabawi ang lakas. Labis-labis na pagod ang nararamdaman niya sa tuwing nagtatrabaho sa gabi. Malawak ang bukirin at hindi biro ang trabahuhin lahat iyon.

Nang dumating na ang alay sa araw na iyon ay mabilis siyang kumain at natulog.

Mula sa pagkakahimbing ay nagising siya nang may mga taong pumasok sa loob ng templo.

Walang pagsidlan ang kaba niya nang makita ang mga ito. Anong gagawin niya? Katapusan na ba niya? Iyon ang tumatakbo sa isip niya.

Hindi siya makapagsalita, ang mga kalalakihan namang naroon ay nakatitig lang sa kan'ya. Tila manghang-mangha ang mga ito sa nakikita.

"Diwata..." sambit ng isa.

Nanginginig si Thalia habang nakatingin sa mga taong nasa harapan niya. Gustuhin man niyang tumakbo ay hindi niya magawa. Ang katawan niya ay tila ayaw nang gumalaw. Takot na takot siya. Ang gilid ng kan'yang mga mata ay nagsimula nang magtubig.

Unti-unting nahawi ang mga lalaking namamanghang nakatingin sa kan'ya. Naglalakad papalapit ang isang matangkad na lalaki. Ang matangkad at maputing lalaki ay may tsokolating mga mata. Deretso itong lumapit sa kan'ya.

"Stand up," ani 'to.

Hindi niya maunawaan. Papatayin ba ako? Tanong ni Thalia sa sarili niya.

"L-Lapastangan..." nanginginig na tinig ni Thalia.

Kailangan kong panindigan ang pagiging diyosa, sa isip niya.

The man smirked. Yumuko ito at tinapat ang mukha sa mukha niya. Napalunok si Thalia sa sobrang lapit noon. Gusto niyang itulak ang lalaki pero tila hinigop nito ang kan'yang lakas, kahit magsalita ay hindi niya magawa.

Bumaba ang tingin ng lalaki sa dibdib niya, umigting ang panga nito. Hindi niya maunawaan kung bakit pero hinubad nito ang suot na jacket, binalot sa kan'ya. Hindi magawang magreklamo ni Thalia, tila nagustuhan naman ng katawan niya ang telang binalot sa kan'ya. Naiibsan ang lamig na kan'yang nararamdaman.

Nanlaki ang mata ng dalaga nang biglang buhatin siya ng lalaki at naglakad na palabas ng templo dala siya.

"Mga hayop!" rinig niyang sigaw ng mga tao sa labas.

Hindi naman niya makita ang maiingay na mamamayan dahil sa dami ng mga lalaking nakapalibot sa lalaking may buhat sa kan'ya. Tila pinoprotektahan nila ito. Hindi niya alam ang nangyayari at hindi rin niya alam kung saan ba siya dadalhin ng mga ito.

"Ibalik niyo ang diyosa!" malakas na hiyaw ng mga tao.

Tila bingi ang kumuha sa kan'ya at tuloy lang ang paglalakad. Malayo-layo rin ang nilakad nito at nagulat na lang siya nang ibaba siya sa isang malambot na bagay. Halos magwala siya nang isara ng lalaki ang tila isang pintuan.

Ano ito kulungan?

Para siyang tinakasan ng kaluluwa at agad na umiyak. Natigilan lang siya nang pumasok sa kabilang banda ang lalaking bumuhat sa kan'ya. Taka siyang tumingin dito, sasamahan niya ako sa kulungang ito?

Mas lalo siyang nagulantang nang gumalaw ang kulungang inaakala niya.

The Goddess HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon