Akesha's POV
This past few days naging sweet sa'kin si marco, di ko inakala na ganito pala magmahal ang isang Marco Javier.
Nasa isang bench kami ng school nakatambay dahil short period lang namin at wala nang klase pa.
Nagmuni-muni lang kami tapos naka- holding hands kahit bawal PDA dito.
"Babe."
"Bakit?"
"Tutal, malapit na tayo mag sembreak. Pwede ba tayo magbakasyon."
"Saan?"
"Batangas. Mag Beach tayo."
"Talaga, yayain ko sila anne at thea."
"Sure, kasama ko naman ang mga 6 aces."
"Bakit, di kayo mag-try sa company ni dad."
"Nakakahiya."
"Isang Marco Javier, Nahihiya. Saang banda?"
"Babe naman."
tapos hinigpitan niya ang kamay ko.
"Matagal na tayo mag-karelasyon, Kahit anong mangyari sana maintindihan mo ako."
"Huh, pinagsasabi mo?"
"Wala." sabay gulo niya sa buhok ko.
sumandal ako sa balikat niya at natulog.
Pagka-gising ko, nasa kama na ako?
agad ako lumabas nang kwarto at nakita si mom and dad na nagmuni-muni.
"Anak, gising ka na pala. Mag-Dinner na tayo!"
"Paano po ako napunta dito?"
"Anak naman, tulog na tulog ka nang dahilan ka ni marco dito."
"Ganun po ba, dala siguro sa pagod."
"Tara na at kumain na tayo. Kanina pa nag-luto si yaya lucing mo nang dinuguan."
tapos bigla ako ginutom sa sinabi ni mom.
Habang kumakain ay nakipag-video call sa'min si kuya.
Syempre, magkasama sila sa isang kwarto ng hotel ni karen/Secretary niya.
Kuya talaga paraan din kahit papaano eh.
Nabusog na ako kaya nagpaalam na ako at puro trabaho na ang topic nilang tatlo at di ako maka-relate. Huhu.
Umakyat na ako at tinawagan si buntis para naman di ma-bored.
[ Hello? ]
Thea, Sembreak na namin sa susunod na araw. Nagyaya si marco sama mo nalang si lance.
[ Ganun ba, saan ba? ]
Sa batangas.
[ Sege, para makapaglibang naman kami ng baby ko, dahil lagi nalang ako sa condo. Nood ng tv, Lamon, Tulog, Lamon, Hilata. ]
Parang wala namang nagbago simula nang mabuntis ka, ganyan ka naman noon pa man.
[ Che ka. ]
Qiqil na ang buntis.
[ Baka utusan kita ng wala sa oras. ]
Ayyy, Bye bye na.
tapos pinatay ko na baka mag-utos yun ng papaya walang buto tapos dalandan na violet. Ganyan ba talaga ang mga buntis? Lakas mag-imagine ng mga prutas tapos dinuguan na rainbow ayaw niya nang black.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Love
RomantizmHIGHEST RANK: #19 In ROMANCE 💕 © All Right Reserved 2016