Chapter Two

3 1 0
                                    

Ella's POV

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. It's just 6:30 in the morning and I'm fully awake already.

Maliligo na sana ako ng maalala kong nasa guest room nga pala ako at wala akong uniform na extra dito. No choice ako kundi pumunta sa kwarto namin. Oo, sa isang kwarto lang kami natutulog pero kagabi sa guest room ako.

Mahimbing na natutulog ang mokong nang pumasok ako sa kwarto namin. Agad akong duniretso sa closet at kinuha ang lahat na kakailanganin ko. Sinulyapan ko siya uli at umalis na. Bahala siya sa buhay niya kung male-late siya.

8 a.m. na ng matapos ako at papunta na sa academy. 9 a.m. pa magsta-start ang klase namin and I'm sure wala pa iyong dalawa.

" Ella! " tawag sa akin ni Juliana pagkakita sa akin.

" Si Athena? " tanong ko.

" Ouch ha. Ako yung nandito pero iba yung hinahanap mo. " drama sabay hawak sa dibdib niya na akala mo meron at umarte na para bang nasasaktan.

" Asan nga? Naninibago lang ako " sabi ko.

" Yun nga din sana ang itatanong ko sayo. I tried to call her but cannot be reach. Akala ko nga kasama mo. " sagot niya.

" Magpapakita rin yun " sabi ko na lang.

15 minutes na ang nakakalipas nang magsimula ang klase pero wala pa rin si Athena.

" Good morning, sorry I'm late. " walang emosyong sabi ni Athena.

" Come in now Ms. Cauvet " seryosong sabi ng aming professor.

Nagtama ang aming mga mata pero agad din siyang umiwas. Anong problema niya?

" Class dismiss " - Professor.

" Athena! " tawag ko ng makitag papalabas na siya.
Lumingon siya.

" Hindi ka sasabay? " nagtatakang tanong ko.

" Hindi na. " walang emosyong sagot niya.

Agad kaming nag-order pagdating namin ni Juliana sa cafeteria at bumalik sa klase nang tumunog na ang bell.

Days passed. Hindi na sumasabay sa amin si Athena.
May naririnig din akong usap-usapan na sila na daw ni Patrick.
Pero hindi ako naniniwala at hindi ko pa sila nakikitang magkasama. Ika nga nila, 'To see is to believe'.

Sabado ngayon at as usual maaga pa lang ay wala na si Patrick.
Kasalukuyan akong nagmumuni ng biglang nagring ang phone ko.

Juliana calling ...

" Oh? " sagot ko.

" Good morning din po. " sabi niya with sarcasm. Napairap naman ako.

" Bakit? " tanong ko.

" Bar tayo mamaya " aya niya.

" Sure " sagot ko at pinatay na ang tawag.

Wala namang masama kung lalabas ako mamaya kaysa naman mabagot lang ako dito sa bahay namin. 'Di naman pwedeng siya lang ang mag-eenjoy noh.

Casanova's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon