I See You

1.1K 65 134
                                    

Written by: Missblackskull

-


That day, when I thought the god living above has turned its back against me.
Sabi niya babalikan niya ako, sabi niya sandali lang siya, sabi niya hihintayin niya ang pagbalik ko. Pero bakit? Bakit ako nag-iisa? Bakit pakiramdam ko walang sino man ang gusto ako makasama? Bakit pakiramdam ko ay wala akong karapatang maging masaya? Okay na eh, okay na sana, pero hindi, at sa tingin ko'y kailanman hindi na magiging okay.

"Wala ka na naman sa ulirat, ano bang iniisip mo?" napabuntong hininga ako sa tinanong sa'kin ni Pat. Ang totoo hindi ko rin alam kung bakit, hindi ko rin alam kung ano ang iniisip ko, wala akong ma-alala. Nakita na lamang ako sa isang sementeryo na walang malay. Halos walang buhay. Sa tingin ko'y naaalala ko naman ang lahat pero tila'y may kulang. Hindi ko kasi maalala kung paano ako napunta sa sementeryo. Hindi ko alam.

"Marydale?"

Napatingin ako kay Pat, nakailang tawag na raw siya ng aking pangalan pero ngayon ko lamang siya nilingon. Marydale, iyon ang pangalan ko. Pero sino nga ba ang isang Marydale? Sino nga ba ako sa mga alaalang nawawala sa'kin?
Tumayo ako at naglakad na lamang palabas ng aming opisina. Isa akong sales marketing staff sa isang cosmetic brand company, part timer ako dito at kasama ko ang aking bestfriend na si Pat. Assigned ako sa engagements through social media tungkol sa aming mga products kaya madalas akong babad sa computer, masakit ang ulo ko.

"O-okay lang ako Pat" tugon ko sakanya para mawala narin ang kanyang pag-aalala.

"T-talaga ba? Alam mo sa totoo lang parang hindi na kita tuluyang kilala eh" tugon niya kaya napatingin ako sakanya "Ang laki ng pinagbago mo, pakiramdam ko hindi na ikaw iyong nakilala kong Marydale, noon. Kung pwede lang sana paulit-ulit ka tanongin kong anong nangyari noong nakaraan buwan eh kaso hindi mo naman maalala. Hay!" Bumuntong hininga siya.

Nakaraang buwan?

Tama, isang buwan narin ang nakakalipas noong makita akong halos walang buhay sa isang sementeryo. Nakaraang buwan? Anong meron noong nakaraang buwan?

"Sorry Pat" tugon ko nalang at hinarap siya na bahagyang nagulat sa'king naging tugon "M-may problema ba?" tanong ko sakanya

"Wala naman pero kasi ang weird mo na talaga. Hindi ka naman ganyan eh! Wala ka ba talagang maalala? Kung ano man lang ang ginagawa mo dun sa sementeryo na iyon? B-bakit andoon ka? Hindi naman doon nakalibing ang nanay mo. Tsaka noong chineck ka, wala naman nangyari saiyong masama tulad ng sexual assault. Okay ka naman" pag lahad niya pero tila wala akong maintindihan sa mga sinabi niya

"Pwede ba tayong bumalik doon sa sabado? Sasamahan mo ba ako?" tanong ko sakanya

"Eh?"

"Forget it. A-ako nalang" pilit akong ngumiti na kaharap siya.

"H-hindi, sasamahan kita. Ikaw pa ba? Tsaka, kahit na alam kong may pinagdadaanan ka at hindi mo pa kayang sabihin sa'kin aba'y kaibigan mo ako Dale, sasamahan kita. Tsaka, malapit na ang Christmas party natin sa opisina ah, kailangan na nating bumili na ipangreregalo sa nabunot natin, diba nga?" Inakbayan niya ako "Sabi nga nila mahirap daw hanapan ang mga lalaki ng regalo" napalingon ako sakanya

"Eh? P-paano mo nalaman na lalaki ang nabunot ko?"

"Diba nga? Pag bulaklak ang nabunot mo, meaning lalaki ang reregalohan mo? White rose iyong sayo, Dale! Edi lalaki! Pag girls kasi, pagkain ang codename. Sino kaya sa'yo Dale no?"

White rose?

Sino nga kaya si White rose?

"Wala akong ideya" simpleng tugon ko.

MES: Trick or TreatWhere stories live. Discover now