Chapter 4:I hurt my left foot

47 1 0
                                    

[Kay's POV]

Gusto ko magalit kela Mom at Dad kasi dahil sa pag-"oo" nila nagkaleche leche na ang buhay ko. Kapag sinabi kasi ni Daddy na wala na siyang magagawa ibig sabihin non wala na talaga siyang magagawa. At kapag nakapagpromise si Daddy, kahit anong mangyari tutuparin niya talaga yung promise na iyon. Wala na ba talagang labasan sa kasunduan na iyon? Bakit ba kasi ang siga ni tito Erik? TT__TT.

Kinabukasan non pinagkakaguluhan nanaman ang kabilang classroom. Yung section B na class ni Tristan. @___@

"Hey, Kay." tinabihan ako ni Shiela. Sa pagkakatanda ko, kabilang siya sa news paper club. "Nakita ko yung eksena niyo ni Tristan kahapon. Kilala mo ba siya?"

Sabi na eh. Magtatanong siya.

"Hindi ko siya kilala." tinanggi ko nalang. Ayokong malaman ng buong school ang tungkol sa amin.

"Weh? Eh ikaw lang ang kauna unahan na tao na pinansin niya dito sa school eh. At tsaka grabe yung titigan niyo kahapon ah! Intense! May something ba sa inyo?"

"Huh? Anong grabe doon? Eh nanlilisik nga yung mga mata niya sa akin eh. Parang pinapatay niya ako sa isip niya."

"Eh bakit galit sayo iyon." sumingit si Matteo na kararating lang sa classroom. "Good morning!"

"Good morning!" bati naming dalawa ni Shiela.

"Ewan ko don sa masungit na lalaking iyon."

"Sabi na eh. Kilala mo siya eh." niready ni Shiela yung maliit niyang notebook. Handa na maginterview. TT_TT

"Hindi ko nga siya kilala! U-unang tingin palang sa kanya mukha na siyang masungit. Nakita mo naman na masama ang tingin niya sa lahat ng tao kahapon diba?"

"Hindi ako convinced. =/"

Sigh. Pwede ba kahit ngayon lang, wag muna natin pag-usapan yong lalaking iyon! Nilapag ko iyong ulo ko sa desk ko at si Shiela umalis nalang.

"Sige, tsaka na kita gagambalain." Sigh.

"Okay ka lang ba, Mikayla?" tinabihan ako ni Matteo. "Ginugulo ka ba ng lalaking iyon? Gusto mo sugurin namin ni Anjeline?"

"Hindi. Wag mo na ako alalahanin. Pabayaan mo na iyong lalaking iyon. Wala naman siyang ginagawang masama eh."

"Eh bakit ba kasi nanlilisik yung mata non sa iyo?"

"Akala kasi non may ginawa akong masama at napunta siya sa school na 'to."

"Bingo! Kilala mo nga si Tristan!"

Aw shiet! hindi ako naging maingat! TT__TT!! Uwaaa!

"A-ah...e-e-eh. Hindi ko nga siya kilala!"

"Ahahaha. Hindi mo ako maloloko, Mikayla. Alam ko kung kelan mo ako ginu-good time." tumawa siya. "Mukhang may problema ka sa kanya. Pwede mo naman sabihin sakin baka matulungan pa kita. Pangako hindi ko sasabihin sa iba."

Okay lang kaya na sabihin ko sa kanya? Hindi ba siya maiilang sakin pagkatapos?

"Hindi mo ba talaga pwede sabihin sa akin? Hindi mo pa ba ako pinagkakatiwalaan?" nagpout siya. Shiet. Ang cute niya! Sige na nga sasabihin ko na. Sana lang talaga tama lang na sabihin ko sa kanya 'to.

"Osige na! Sasabihin ko na!" kaso nagring na iyong bell. Mamaya nalang pag lunch break. Nagawa namang umabot ni Anjie sa klase before ng teacher. Kawawa naman ang best friend ko. Umupo si Anjie sa harapan ko. Lumingin siya ang nag-good morning tapos nagsmile. Mukhang galing siya sa pakikipagtalo sa president. Medyo masama ang mood niya eh.

Me + You = Hate = Love? [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon