" Kung minsan,ang tadhana ay sadyang mapagbiro,minsang mapaglaro,ngunit madalas na kasagutan sa ating mga katanungan.."
- Joanne
***
"Miss,ticket ho."
Nagising ako dahil sa boses ng medyo may katandaan ng konduktor ng bus
Pangatlong tawag na pala niya sa akin 'yon.
At ang huli'y may kalakasan na ang boses nito.
Hindi na ako nag-isip pa at agad akong kumuha ng pera para ipambayad
Naidlip pala 'ko.
Dagdag pa ang nakapasak na headset sa magkabila kong tenga kaya't hindi ko namalayang may tumatawag pala sa 'kin.
10:00 ang tingin ko sa suot kong wristwatch.
Mahigit dalawang oras na pala kong bumabyahe kaya't ramdam ko na rin ang hilo.
Isang malalim na hininga nalang ang naitugon ko sa nararamdaman kong ito.
I'm a nursing student on one of the well known university in Manila..Well,masasabi kong mahirap mawalay sa mga minamahal,ngunit kailangang magtiis para narin masuklian ko ang paghihirap ni nanay sa ibang bansa.She is now 15 years proudly domestic helper in Canada.Bukod sa dahilang gusto niyang mamulat ako sa isang may-kayang pamilya, ang paglayo niya ay paraan din daw niya para makalimutan ang pang-iiwang ginawa sa kanya ni tatay.
Based on my lola's explanation when I started to ask her about my father,sanggol pa lamang daw ako nang iwan kame ni tatay.Ang alam namin ay may iba na itong pamilya.Ngunit hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi ako kailanman nagkaroon ng interes na hanapin pa sya.
Simula ng ipanganak ako ay hindi ko kinamulatan ang pagtawag sa ngalang "tatay". He was 19 years away on my side, at sa mga taong iyon,hindi ko na iniisip ang makita pa siya. Ang tanging nasa isip ko lang, mailap ang puso ko sa mga lalaki. Siguro'y may takot na nakasiksik sa puso ko na kapag ako ay nagmahal ng tunay at wagas,baka masaktan lang ako ng lubos at mawalan ng pag-asang humarap pa sa bukas.
So if you'll ask me about my life in love ,isa ito sa dahilan kung bakit kasapi parin ako sa grupong mas kilala sa tawag na "NBSB."
Pauwi na'ko sa aming probinsya.
Excited ako dahil sa wakas ay makapagpapahinga ako buong bakasyon at makakalanghap ng sariwang hangin.
Halos mag-iisang taon na rin kasi nang muli akong makauwi sa aming probinsya.
Lumipas ang mahigit dalawang oras nang huminto ang bus sa isang terminal .
Marami pa kasing bakanteng upuan kaya't nagsakay pa ng mga pasaherong kanina pa inip na naghihintay.
Ang kaninang maluwag na sasakyan ay sumikip dahil sa mga pasaherong pinilit isiksik ang sarili makasakay lang.
Gayunpaman ay may maswerteng lalaki na nakaupo sa tabi ko.
Kahit pa nakatuon ang mga mata ko sa binabasa kong libro na sadyang dinala ko upang pagkaabalahang tapusing basahinsa byahe,nakikita ko parin ang mukha ng lalaki na nakatanaw sa bintana.
Maya-maya pa'y pabulong itong nagsalita.
"Mukhang uulan."
Nang marinig ko iyon ay napatingin ako sa bintana na katabi ko lamang.
BINABASA MO ANG
Love In The Rain
Romance"Sadyang may mga bagay talaga na hindi natin inaasahang darating. Yung tipo bang walang sign..O kung may sign man,siguro hindi natin yun napapansin,o sadyang ayaw lang nating pagbuhusan pa ng atensyon dahil nga hindi naman natin inaasahan.Magugulat...