Ito ay kwento ng pagkakaibigan, pagtitiwala at pagmamahalan. Kami ang *insert friendship group name here*. Oo kayo na lang mag isip kung ano group dahil wala kaming ganun.
~Si Liza ang nagsulat nito!JULIANNA'S Point of View (POV)
Ako si Julianna. Isang 4th year tourism student sa isang prestisyosong paaralan sa Maynila. Galing ako sa Pangasinan at dito ko mas pinili makipagsapalaran. Para bagong environment, bagong kaibigan at bagong experience.
Masayahin akong tao, ako nga daw ang "clown" sa aming magkakaibigan. Dinadaan ko na lang sa saya ang lahat para makalimutan ang pagka-miss ko sa pamilya kong nasa probinsya.*At school*
"Julia!" nang may sumigaw mula sa aking likuran.
"Uy Liza! San ka galing?"
"Malamang sa bahay! Kanina pa ako tumatawag sayo. Di mo na naman sinagot -_-"
"Sorry di ko naririnig naka-silent phone ko."
Si Liza nga pala. Ang mukhang Korean naming kaibigan. Tahimik yan sa una pero pag nakilala mo nasa loob ang pagkabaliw. Hahaha! Kasama yan sa mga usapan naming gm, akala mo walang alam pero ang dami pala! Lol. May boyfriend na siya, 3 years na nga sila e. Sa kanila ako naniniwalang may forever!
Liza: "Si Joshua nasaan? Tumawag sakin kanina yun e kaso di ko nasagot. Nakita mo ba?"
Julia: "Oo nakita kong dumaan dito sa harap ko kaso di naman ako nakita. Iba talaga pag busy sa mga school organizations.
Si Joshua or Josh samin. Siya ang nag-iisang lalaki sa grupo namin. Dahil sa nag-iisang siyang lalaki sa grupo, napagkakamalan siyang bading pero fyi hindi po! Sadyang mas malapit siya sa girls. Sweet pa minsan pero all the time rude talaga yan! Ps: Secret lang natin ha? Crush ko po siya. Ikwento ko sa susunod kung paano ko siya nagustuhan :">
"Oh ayun si Joshua!" lumapit kaming dalawa ni Liza papalapit sakanya.
Liza: "Bakit ka pala tumatawag kanina? Sorry di ko nasagot nasa jeep kasi ako alam mo na."
Joshua: "Ah yayayain lang sana kita sumali sa org namin." *matching ngiti at sabay abot ng application form*
Liza: *nag-isip pero parang ayaw sumali* Sige fill-up-an ko mamaya.
-sabay bulong sakin- *Wag ka maingay ha, di ko fifill-up-an tataguan ko siya hahaha*Joshua: "Bakit ka tumatawa Liza ha!" *with nagtatakang look*
Liza: "Wala naman. Gwapo mo kasi!" *with sarcasm*Joshua: "Omg. Thank you! Kaibigan talaga kita. I'm so fluttered you know!
Sabay tawanan kaming lahat...
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa group of friends, meron ding magkakaclose na dalawa or tatlo. At meron din nagpaplastikan. Ang magbebestfriends, si Liza, Joshua at si Joanne. Ako naman ang mga kaclose ko, si Ate Mary, Drei at Grace.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
LIZA's POV
*Sa classroom*Joanne: "4th year na tayo nakakaloka!"
Drei: "San nyo balak mag-ojt? Ako kung saan ako tanggapin push na!"
Joanne: "Gusto ko sana magkakasama tayo, last na kasi yun eh. Pag grumaduate na tayo alam nyo na baka di na tayo magkita-kita." *with sad look*
Liza: "Ganun talaga be. Kailangan at dapat natin gawin ang nararapat haha!"
Joanne: "Kahit tayong dalawa magkasama, isama na rin natin si Julia para masaya!
*Pumasok si Josh sa room at tumabi kay Liza.*
Liza: "Uy wag ka nga tumabi sakin, dun ka kay Julia tumabi ang luwag luwag dun eh."
Josh: "Eh bakit ba gusto ko sayo tumabi!"
Liza: "Baka magalit yung boyfriend ko ano ba!"
*Tumingin ng masama si Josh sakin tas tumawa. May pagkabaliw talaga siya haha*
Lumipat siya sa tabi ni Julia.Liza: "Ayan Julia, ililibre mo ko ha!" *with nakakalokong look*
Josh: "Anong meron? What's happening?" *nagtataka manhid kasi di niya alam na may gusto sa kanya si Julia*
Julia: "Wala gwapo mo daw kasi sabi ni Liza."
Liza: "Ay wow nadamay ako? Ikaw nagsabi eh. Sakanya ka maniwala Josh!"
Josh: "Thank you Julia! Ganda mo rin." *nakangiti kay Julia*
Liza: "Ayan friends may nahulog log log log na!
The rest: Ayieeee!
Ako nga pala si Liza! Ang mapang-asar, funny at laging nantitrip sa aming grupo. Sabi nga ni Julia may boyfriend na ako at 3 years na kami *sabog confetti hahaha* May aaminin rin ako sainyo. Crush ko din si Josh, pero hanggang crush lang. Siya kasi ang pinakaclose kong lalaking kaibigan at siya lang naman ang lalaki kong kaibigan sa university. Lahat ng sikreto at baho nyan alam ko hahaha! May isa akong sikreto na ako lang, si Joanne at si Josh ang nakakaalam. Pero secret na lang kung ano yun! It's for you to figure it out! ~_^
———————————————————————————
Tbh, matagal ko na sinulat ito. Ngayon ko lang napansin na Julia at Josh pala ang name xD Ayun lang naman. 😂
BINABASA MO ANG
Broken Promises
DiversosAng story na ito ay tungkol sa magkakaibigan at ang mga adventures nila bilang 4th year college students.