Hello readers,
Here's another chapter for you to enjoy!
Please do vote by hitting the star and please follow my account. Thanks a bunch!
******************************************
After dinner, habang naghahanda na sa pagtulog si Jolina, si Carl naman ay nakaharap sa laptop nito
Bigla na lang nagsawalang kibo ito mula nang lumabas si Jolina ng banyo at makapag-usap sila ng bahagya.
Nang biglang may kumatok sa pinto.
Napahinto ang dalawa at napatingin sa pinto.
Si Jolina ang nagkusang nagbukas ng pinto.
It was Percy.
Idinungaw nito ang ulo sa loob ng kwarto nila.
"Hi!" Nakangiting bati nito kay Jolina.
Parang may kung anong inis na biglang naramdaman si Carl.
"Bakit, kuya?" Tanong ni Carl na in-address na ang pagiging may edad nito sa kanya.
"Wala naman. Can I come in?" Tanong nito na hindi na hinintay pa ang sagot ng dalawa. Pumasok ito ng kwarto at saka naupo sa kama kung saan nakaupo si Carl.
Si Jolina naman naiwang nakatunghay. Pero iniwan rin nito ang pintong nakabukas at naupo sa couch.
"Are you going to sleep there?" Tanong ni Percy.
Napatitig si Carl sa asawa na saktong napatingin din sa kanya.
"I prefer to sleep here malikot kasi 'yang pinsan mo." Birong sagot ni Jolina.
Percy smiled and shrugged his shoulder.
"Well, boys will be boys!" Nakangiti pa rin ito. Gumanti naman ng ngiti si Jolina.
"Why are you here by the way?" Tanong ni Carl placing his laptop on the pillow behind him.
Si Jolina naman naupo sa sofa at mas piniling makinig sa music sa cellphone nito at naglagay ng headseat sa ulo.
Napatingin si Percy kay Jolina.
"Nah, I just want to have a little chat with you, guys." Sabi nito na hindi nag-aalis ng tingin sa babae.
Nakita yun ni Carl at hindi niya yun nagustuhan.
"A gano'n ba. Sorry kuya, pagod na din kasi kami kaya we really intended na matulog na. Bukas na lang siguro." Sabi nito sa pinsan.
"Oh," he said in surprised of the unexpected answer of his cousin.
Tumayo si Percy.
"Alright, goodnight." Paalam nito sa pinsan.
Lumakad ito patungong pinto at bago pa makalabas ng tuluyan ay nagpaalam pa kay Jolina.
"Leng, alis na ko." Sabi nito.
Napatingin si Jolina at saka nagtanggal ng nakasalpak sa tenga.
Kumaway ito. "Alis ka na?" Nagtatakang tanong niya. Tumango naman ang lalaki.
"Goodnight!" Paalam ni Percy.
"Goodnight din!"
"I'll just see you two in the morning!" Nakangiting paalam niyang muli.
Tumayo si Jolina para isara ang pinto pero maagap si Carl. Naunahan siya nitong maabot ang pinto.
"Goodnight Percy!" Sabi nito at saka isinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
One Roof
RomantiekThey were young, so naive, full of life and carefree living their own lives until... Their grandpas enter the pictures and bring chaos between them. Squabbling every day and upsetting each other is the name of their game. Surrender is never a part o...