Chapter 36: The Monster's Sin

127 9 9
                                    

Chapter 36: The Monster's Sin

<Stassi Atasha Ocampo's>

~~

"Princess Lorainne, where have you been?" Tanong ng isang lalakeng nakatayo sa isang madilim na silid.

Isang lalakeng napaka familiar sakin.

Ang nagiisang lalakeng kakampi ko sa lahat.

Ang lalakeng nakasama ko hanggang saaking pag laki.

Ang lalakeng sobrang mahal ako.

"Kuya Keizer." Bigkas ko kasabay ng pag tulo ng luha sakanyang mga mata.

Galit. Lungkot. Yun ang nakikita kong emosyon sa mukha.

"Bakit?! Bakit ka tumakas sa mansyon?! Bakit mo kami iniwan?! Bakit gusto mo na kaming kalimutan?!" Sigaw niya.

"I'm sorry kuya. I'm sorry." Naiiyak na sigaw ko.

"Pinag palit mo kami dito sa lalakeng to?!" Sigaw ni Kuya.

Nakita ko ang nakagapos na si Franco sa upuan. At tinutukan siya ng baril ng kuya ko sa ulo.

"Kuya please wag!" Pagmamakaawa ko dahil alam ko babarilin na siya ng kuya ko.

"Magpaalam kana."

"Goodbye Stassi."

*BANG*

"WAAAAAAAAG!"

~~~~~~

"Stassi."

Pag mulat ng mata ko ay nakita ko ang mukha ni Clauvelle.

Nasan ako?

"Bad dream?" Tanong niya.

Oo sobrang bad dream. Aissssh. Bangungot ba yun?

"Oo eh. Nasan tayo?" Di kase familiar sakin tong kwarto na to.

"Nandito tayo sa resthouse nila Franco dito sa Hong Kong, nung pag baba mo kase sa Ferris Wheel bigla kang nag collapse." Paliwanag niya.

"Nasan si Franco?" Tanong ko.

"Yun nga yung problem, kanina pa kita ginigising. Dumating kase yung kuya ni Franco dito sa Hong Kong, galit na galit. Sabi ni Lawrence kailangan na nating dalawa umuwi sa Philippines, pinapa una na niya tayo." Paliwanag niya.

"Nasaan nga si Franco?" Tanong ko. Ewan ko bigla nalang akong naiyak siguro dahil ito sa panaginip ko na pinatay ng kuya ko si Franco.

"Ahm, ang alam ko lang narinig ko kay Lawrence kanina nasa 3rd floor sila Franco pati kuya niya. Pero pinag bilin kase ni Lawrence na wag na wag tayong aakyat sa taas at wag na wag mag papakita sa kuya ni Franco dahil delikado daw tsa-"

Tumayo na ko at lumabas. Hays kailangan kong makita si Franco. Ewan ko lang aa, pero parang iba, parang may meaning kung bakit ganun yung panaginip ko.

"STASSI SABING BAWAL LUMABAS!"

Lumabas na ko at di nag papigil.

———————

——

.
.
.
.
.
.

"Kuya Franz stop it. Papatayin mo ba si Franco?!" Sigaw ni Lawrence sa lalaking naka tayo.

Nasa loob silang tatlo sa isang malaking kwarto dito sa 3rd floor. Kasalukuyan akong nag tatago at sumisilip sa maliit na uwang ng pinto ng kwarto.

I'm inlove with a Monster!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon