Ano paba ang kulang bakit hindi mo ako matutunang pahalagahan?
Ano ba ako sayo?
Ano ba ang meron siya na wala ako?
Ano paba ang gusto mo ng mapagtrabaho-an ko, maging parte kalang ng mundo ko.
Ano ba ang meron ka na wala sila bakit ikaw lang ang aking nakikita?Bakit,bakit hindi nalang ako?
Bakit siya pa, samantalang ako naman ang palagi mong kasama.
Bakit ang sakit kapag nakikita kong napapasaya ka niya.
Bakit noon ni hindi mo man lang ako makuhang seryosohin.
Bakit ganun?ang sakit sakit na pero mahal parin kita.Kailan,kailan ko ba masasabing “salamat mahal niya na rin ako sa wakas!”
Kailan ko makakamit ang matamis mong oo?
Kailan kaba matatauhan na sana masabi mong mahal mo narin ako.
Kailan ako susuko sa labang sa simula palang alam kong talo na ako.Paano, paano ako lalaban kung wala naman akong ipaglalaban.
Paano ba maging ako siya, para naman maranasan kung maging masaya.
Paano pa ang salitang " I love you" ko kung wala naman akong maririnig na balik nito?
Paano kung maging tayo, sasaya kaba sa piling ko kahit iba ang tinitibok ng puso mo?
Paano nalang ang puso ko sapagka’t ikaw lang ang tinitibok nito?
Paano ka nalang kung mawala na ako ng lubusan?
Paano ako magiging masaya kong ikaw lang gusto kong makasama at hindi sila?Nasaan, saan ba ako nakalugar diyan sa puso mo?
Nasaan ba ang daan pabalik ng mga panahong hindi pa ikaw ang mahal ko?
Nasaan ba kasi ang puso mo bakit hindi nalang ako ang mahalin mo?
Nasaan na yong taong minahal ko?
Nasaan kaman ngayon, sana masayaa ka sa pinili mo.Sino, sino ba naman ako para mahalin mo?
Sino ba kasi ang nagpapatibok ng puso mo na hindi ko mapigilang masaktan ng todo.
Sino paba ang mag mamahal sayo ng ganito kung mawawala na ako?
Sino kaba para mahalin ko ng ganito na lahat ng ginagawa ko para lang sa ikabubuti mo pero hindi mo nakikita kasi hindi naman ako mahalaga sayo at lalong-lalo na hindi naman ako ang mahal mo..Sana, hinidi nalang ikaw ang minahal ko kung puro katanungan at pasakit sa puso lang palaang mapapala ko sa pagmamahal ko sayo.😭😭😭
At nung naisip ko ito, hindi pumasok sa isip ko na iiyak din pala ako sa katanungan ko😂😂😂😂😂ng binasa ko na ng buo...
BINABASA MO ANG
Mga Tulang walang Rima
PoetryIto ng mga tulang hindi angkop ang mga rima,ngunit ito'y hindi na mahalaga basta ang importante makuha mo ang nilalaman niya.