Pikit Mata

32 0 0
                                    

CHAPTER 1: Tinadhana

            Wala paring pagbabago, isang malamig na umaga, kumukulo na ang tubig, nagyoyosi habang nagkakape sa ikatlong palapag ng dormitoryong aking tinitirhan. Nagmamasid sa paligid. Iniintay dumating ang oras ng pasukan sa aking paaralan. Ako si James, ikalawang taon ko na sa kolehiyo, disi-ocho anyos, mahigit anim na taon nakong single, mahigit anim na taon nang pikit matang pinanghahawakan ang isang pangako na tuluyan nang naglalaho sa aking pagkatao. At dito nag sisimula ang storya ko.

        Sa dalawang taon kong pag aaral ay wala naman akong nagiging prublema, sumasabit naman ang aking mga marka, yun nga lang e mahina talaga ako sa pakikipaghalubilo sa ibang tao, lumipas na ang panahon, wala parin akong maituturing na kaibigan sa aking paaralan. Nananatili akong "loner" at wala naman akong reklamo. Minsan naaalarma na lang ako at napapatanong, "Ano bang prublema ko? Ano bang prublema sakin?" Isang saglit ako'y nag desisyon, "Panahon naman na siguro para magka self confidence ako, ang korni korni ko na eh, ang korni nang buhok ko, ng porma ko, ng mukha ko, pati FB ko korni din."

      May mga clubs na nag rerecruit sa LaSalle sa mga panahong iyon dahil sa simula na ang pasukan, iba't ibang klase, may music, sports, art, dance at kung ano ano pa. Nang may isang babaeng lumapit sakin.

????: Kuya!

James: Ako po?

????: Oo ikaw po! Sali ka po sa club namin! VOX club! I see a musician in you! July 4! mag audition ka, hihintayin kita!

      Hindi ko alam kung kakabahan ba ako dahil sa ngiti nya at hihintayin nya daw ako, o dahil pinag aaudition nya ako sa music club. Tuliro ako, wala akong nagawa kundi tanggapin ang papel na iniabot nya saakin. Hanggang sa pag uwi ay iniisip ko yung club na yun. Hilig ko din kasi talaga ang musika, lalo na ang gitara. Bukod don, siguradong magkakaron ako ng social community, paniguradong madami akong magiging kaibigan sa club na iyon, marami akong makikilala, tulad ng babaeng lumapit saakin kanina.

      Kinabukasan din ay ipinasa ko ang aking member application form sa club room nila, buo na ang aking loob, gusto ko na talaga baguhin tong korni kong pamumuhay.

Vin: Welcome sa Vox Club! interesado ka sumali?!

James: Opo! nabigyan nadin po ako ng form, iiwan ko nalang po dito.

Vin: Osige! kitakits sa lunes ha? audition day!

James: Sige po! mauna napo ako.

Vin: Ako nga pala si Vin, president ng club.

James: James po! 2nd yr HRM kita kits po!

      Napangiti ako, parang ngayon ko lang ulit naramdaman na "belong" ako. Excited nako mag audition! Excited nakong magkaron ng madaming kaibigan. Pero bago ako maexcite kailangan ko muna magisip kung anong pyesa tutugtugin ko. "Ano kaya? love song kaya? rap? curse one kaya! hmmm. love song nalang." inaral ko yung kantang "Let me be the one" ni Jimmy Bondoc. Araw araw akong nag practice, hanggang sa na satisfy nako sa performance ko. "kayang kaya ko to, tiwala lang, PUSO LANG!"

Hanggang sa dumating ang audition day.

Vin: Next! James Vargas

James: Opo!

      Sinimulan ko nang kumanta habang tugtog ang gitara, feel na feel ko talaga ang pag birit kahit kinakabahan ako dahil nanonood yung babaeng nag-aya sakin, kasama ang buong myembro ng club na iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pikit MataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon