Chapter 39

222 9 1
                                    

(Jimin's P.O.V.)

"Hoy, pinag-alala mo'kong hayop ka!" Sigaw ko kay Yoongi nang makauwi na sya

"You're over reacting," sagot nya at dumiretso sa pagpanhik papunta sa kuwarto nya

"Wala lang man bati!" Sigaw ko, muli naman syang sumilip

"Wag ka nang umasa, hahaha," sabi niya

Himala, tumawa sya?

"Insan, may sakit ka ba?" Habol ko pero nakapasok na sya sa kuwarto nya

Haaaay, bahala na, baliw talaga. Pero kahit sira-ulo iyan, mahal na mahal namin iyan.

Napangiti nalang rin ako at pumasok sa kuwarto ko. Nag-ring naman ang cellphone ko.

"Hel-"

"Hurry up Jimin, napaaga ang meeting," sagot ni Kuya Jin

"Huh! Bakit?" Reklamo ko, narinig ko naman ang pagtawa nya

"Hahaha huwag mo nang itutuloy ang balak mong pagpunta sa Daybar," sabi nya

"Hoy, hindi iyon ang pakay ko," depensa ko

"Then what? Wag ako Jimin," sabi nya

"Manahimik ka nga Kuya Jin," sagot ko at lumabas na ng kuwarto

"Ewan, gigil mo si aquoo! Dalian mo," utos nya at binabaan ako ng tawag

Baliw din ang isang ito.

Nakangiti akong lumabas ng bahay dahil sa huli nyang sinabi.

Nasisiraan nanaman ng bait si Kuya Jin, hahaha.

(Sanyel's P.O.V.)

"Mauuna na ako ha," paalam ni Cheon Sa pagkatapos akong i-check up

Medyo inaatake kasi ako kanina, may pintig pa rin ng sakit ang puso ko kaso kailangan nya ng umalis.

"Sige, salamat Cheon Sa, ingat ka ha," paalam ko

"Ingat sila sa'kin hohoho!" Sabi nya at lumabas ng bahay

Kahit kailan talaga abnormal itong si Cheon Sa.

"Hello?" Sagot ko sa isang biglaang tawag, number lang kasi

"Hi Baby!" Bati nya

"Kuya!?" Tawag ko

"Haha, mukhang mapapaaga ang balik ko, Baby, mabilis ko kasing natapos ang mga pinaaasikaso sa akin ni Papa,"  sagot nya

"Talaga?" Tanong ko, nalungkot ako pero masaya sa ibinalita nya, naramdaman kong sumakit bahagya ang puso ko

"Oo, kaya ingat ka lagi dyan ha, hahaha!" Sabi nya

Hindi naman ako nakasagot dahil sumikip na ang dibdib ko, napahawak ako doon dahil sa sakit.

Ahh... Kung kailan pang nakaalis na si Cheon Sa.

"B-Baby," rinig kong tawag ni Kuya, pero di na ako nakasagot, pinagpapawisan ako at namamanhid ang nanlalamig kong puso, maya-maya pa ay nanlabo na ang aking paningin at nawala sa balanse

"Kuya," tawag ko bago magdilim ang paligid

(Taehyung's P.O.V.)

Tinawag ko sya pero di na sya nakasagot, agad akong pumasok sa bahay dahil nakita kong naninikip ang puso nya.

"Kuya," tawag nya, sinalo ko naman agad sya nang mawalan sya ng malay

"Baby!" Sigaw ko, binuhat ko sya at iniupo sa sofa

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon