Lumipas ang mga araw ngunit wala pa ring kupas si Hannah sa pangungulit at kakasunod sa binata.
Hindi man aminin ng binata ay sobra na siyang naiirita sa dalaga. Kung hindi lang ito babae ay baka nasuntok niya na ito.
Ewan niya ba kung bakit sa lahat ng tao, siya pa ang napagtripan nito.Maganda naman ang dalaga hindi niya maitatanggi iyon.
Sa katunayan ay may mga ka block siyang nagsasabi na gusto nila ang dalaga, iyon nga lang walang magkalakas loob na lumapit dito dahil sa ugali nito.Ewan niya ba kung bakit ayaw niya dito 'siguro'y sobrang kulit nito. At sa lahat ng babaeng umaamin sa kanya ng nararamdaman ay ito lang ang sadyang sobrang proud sa sarili at tila nababaliw.
Pinakaayaw niya ay ang ugali nito. Lahat na lang ng lumapit sa kanya, kaibigan, kaklase, o sino pa mang babae, kung hindi inaaway o pinapahiya ay binabantaan naman nito. Tito ni Hannah ang may ari ng university kaya naman ang lakas ng loob isama pa na isa itong Suarez. Marami itong koneksyon.
Isa sa mga kaklase niya ang umiyak sa harap niya habang gumagawa sila ng draft sa library para sa project nila. Partner niya ito sa proyekto. Hiyang hiya siya dahil sa mga taong nakatingin sa kanila, baka anong isipin nila.
Tinanong niya ito kung anong problema at iyon nga ang sabi nito, na tinakot 'daw ito ng dalaga na ipapatanggal ito sa pagiging iskolar kung hindi niya lalayuan si Kurt.
Napapikit na lamang ang binata sa kanyang nalaman at bahagyang hinilot ang noo. Sobra na talaga pati inosenteng tao dinadamay sa kabaliwan
Buti na lamang at wala siyang nobya, baka gyera kapag nagkataon.
Nakatambay sila ng mga kaibigan niya sa club house ng pinsan ng kaibigan nila.
Habang naglalaro ng billiard at dart ang mga kasama niya, siya naman ay mukhang problemado. Habang nakaupo sa gilid at umiinom ng beer. Pasado alas kwatro ma ng hapon. Wala rin silang klase kaya nakatambay na naman sila dito.
Pampalis lang ng oras.
"Mukhang problemado ka pre huh?" Saad ng isang kaibigan si Alex De Vera ka team at ka-block niya rin.
Lumapit ito sa kanya at naupo sa kanyang tabi. Kumuha ito ng isang beer sa mesa at ininom ito.
"Malamang problemado, gwapo eh" mapangasar na saad ng isang kaibigan dahilan para tumawa ang lahat.
"Hanggang ngayon kinukulit ka pa rin ng Suarez na 'yun? Lupet mo pre!" Manghang saad nito ng kaibigan sabay palo sa balikat habang tumatawa.
"Kung ako sa'yo pre pinatos ko na 'yun!Ang hot at maganda pa. Wag nga lang ugali!"
"Iba talaga si bossing biruin mo si Hannah na yang humahabol. Tsk tsk" saad ni Kit na habang tumitira ng billiard. Kung alam lang nila kung gaano na nakakaapekto ng simpleng buhay ang babaeng 'yun.
Hindi niya na lamang pinansin ang mga sinasabi ng mga kaibigan. Dahil kapag iniisip niya ay mas lalo lamang siyang nayayamot.
"Nandito ka lang pala!"
Gulat siyang tumingin kay Hannah. Nasa likod siya ng building at abala siya sa binabasang libro kaya hindi niya ito namalayan na sumulpot sa harap niya.
Napansin niya na lukot ang noo nito habang tumitingin sa libro niya. Tiniklop niya ito at hinarap ang dalaga.
"Anong kailangan mo?" tanong niya, kahit na alam niya naman kung bakit narito ito.
Araw na naman ng pagbubuntot nito sa kanya.
Sa araw araw nitong pagsunod sa kanya ay siya lamang ang tila nahihirapan. Sa tuwing tinitignan niya ito ay tila wala itong kapaguran sa kanya.Ano nga ba ang dapat niyang gawin sa dalaga?
----------------
YOU ARE READING
Ang Bruha Na Desperada
RomanceBruha, masamang ugali, walang budhi, baliw, Iyan ang pagkakakilala at sinasabi ng lahat kay Hannah Suarez. Isang malditang maganda iyon ang sabi niya. Malakas, walang nakakatalo at kinatatakutan ng lahat, ngunit bakit pag dating kay KURT ANDREW PECS...