"Dad, please huwag ka namang magbiro ng ganyan." may halong iritasyon kong sabi kay dad.Matapos niyang sabihin ang tungkol kay Cyrus.
"Pero anak totoo ang sinasabi ko sayo. Niloloko ka lang ng lalaking kinakasama mo." sabat saakin ni dad.
"No, dad... Mahal niya ako, mahal na mahal. At yan ba ang sasabihin mo saakin kaya mo ako pinapunta dito."
"Gusto ko lang kasing protektahan ka sa lalaking iyon Cassandra." sigaw ni dad saakin sabay hampas sa table niya.
Nandito kami kasi ngayon sa office niya. Nagtatalunan dahil sa sinabi nitong hiwalayan ko si Cyrus dahil niloloko niya lang daw ako. Impossible? Imposibleng gagawin iyon ni Cyrus saakin.
Kung niloko niya ako e bakit niya nagawang ligawan ako sa harap ng maraming tao. Sinabi nitong mahal niya ako at nangako siya. Kaya paano niya naman magawang lokohin ako.
"Dad, hindi ko gagawin yang gusto niyo. Mahal ko si Cyrus, at mahal niya ako." sabi ko at tumayo para sana talikuran siya.
"nababaliw ka na sa pag-ibig Cassandra. Naisahan ka niya, ang dali mong mabilog." sabi niya.
Muli akong napaharap kay dad.
"What do you mean dad?" mahina kong tanong.
Nakita ko itong binuksan niya ang kanyang drawer at may kinuha siya sa drawer. Isang brown envelop? At Inilapag nito sa table niya.
"buksan mo at tignan mo"
"No, dad... Ayaw ko, kung ano man ang nanjan. Kalokohan lang yan." sabi ko.
"Cassandra Reyes, tama na. Itigil niyo na ang relasyon niyo. Tama na ang ilang buwang nabilog ka. Akala mo masaya ako ng mapanood ang supresa niya sayo. Ang ligawan ka sa harap ng maraming tao. Para ano? para pagtakpan niya at ipakita saakin na mali ang nakita ko sa mall." napatayo niyang paliwanag saakin.
Hindi ako nagpatinag kay dad kanina. Pero ngayon naiiyak na ako. Hindi, hindi mali itong iniisip ko.
"Dad, pwede ba hayaan mo na lang ako."
"Hindi anak... Siguro naman wala na siya sa bahay mo?" tanong niya saakin.
Ngayon mas lalo akong naguguluhan. Kaya hindi ako nagdalawang isip hawakan ang envelop at binuksan ito.
Bumungad saakin ang mga litrato. Litrato ni Cyrus at... At may kasama siyang... Babae. Pero imposible.
"Hindi, hindi totoo to dad. Niloloko mo lang ako, palibhasa ayaw mo sakanya. Kaya gumagawa ka ng paraan para ano? Para magalit ako sakanya. Para kamuhian siya, hindi, nagkakamali ka dad." sabay isa isa pinunit ang mga litrato.
Hindi ko na rin tinignan ang iba kundi pinunit ko lahat ang mga litrato sa harap niya.
"Dad, ano bang nagawa sayo ni Cyrus at bakit ganyan ka sakanya?" sambit ko.
At humagulgol sa harap niya.
"Don't tell me dad, ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako pinuntahan ni Cyrus."
"oo ako, kinausap ko siya na layuan ka. Alam mo bang pinakita ko ang mga litratong yan at nakita ko ang gulat sakanyang mukha at pilit itong magpaliwanag. Pero hindi ako nakinig sakanya. Para saan pa, nakita ko nga siya sa mall na may kasamang babae at bata. Malay mo yang Cyrus na yan. Pamilyado na pala at ikaw naman na tanga-tanga napaikot niya."
"what dad, sinasabi mo bang kabit ako." inis kong sinabi sabay punas sa luha ko na patuloy parin ang pag-agos
"No, of course not. Pero an-"
BINABASA MO ANG
When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)
RomanceIf you Love someone you always fighting for. Dahil sa pag-ibig ay hindi handlang ang di' pagkapantay sa buhay. Dahil walang pangit na hindi nababagay sa gwapo't maganda. Kaya wala ring mahirap na hindi nababagay sa mayaman. At higit sa lahat hindi b...