"Prinna? Baunin mo itong niluto ko. Hindi ka naman kasi kumakain dito sa bahay bata ka :3 susme -.-" ke aga aga, nagbubunganga si mama :3
"Opo ma.," pagsangayon ko na lang kasi alam ko namang di ako mananalo, nanay ko yan ehh :3 "Alis na po ako ma." lumapit ako kay mama at humalik.
"Uwi agad huh? wag nang maglakwatsa, kainin mo yang niluto ko huh, wag mong sayangin." dirediretsong sabi ni mama.
"Opo ma. alis na po ako. iloveyou" kinuha ko na yung bag at baon ko at sinuot na yung sapatos kong pamasok bago lumabas.
Inilagay ko yung baon ko sa bag ko bago isara ang gate.
Naglalakad lang ako papuntang eskwelahan, malapit lang naman kaya keri lang, dalawang kanto lang naman iyon mula sa bahay, dalawang kantong sobrang layo sa isa't isa :3 haha oo na malayo na. Wala ehh. Kailangang magtipid, hindi naman kami mayaman tulad ng iba.
"Prinna ! Bili kana !" sigaw ni Aling Bebang. "Mamaya na ho paguwi ko." ito talagang si manang napakasipag, napakaagang magtinda, paborito ko yung siomai ni manang bebang, kasi masarap na, sulit pa. Lagi kong pinupuntahan ang tindahan niya bago umuwi kaya close na close ko yan si manang ehh. "Sige. Aasahan ko yan huh." pahabol na sigaw ni manang sa akin, habang ako ay patuloy lang na naglalakad.
Mga ilang hakbang pa at natanaw ko na ang gate ang school na pinapasukan ko. Hayss malapit na Prinna, konting utot nalang.
"Goodmorning Ms.Beautiful." bungad sa akin ni Manong Guard. Ngumiti lang ako at nagpacheck na ng bag at nagtap ng I.D.
Tinignan ko ang orasang malaki sa pangalawang gate bago makapasok sa loob ng school, 7:17 palang, ang aga pa.
Dalawang gate talaga ang meron sa Eleve Academy, OO Élevé Academy [Élevé=Mataas] Isa sa pinakasikat at mataas na eskwelahan sa Pilipinas. Scholar Student ako dito and happy ako kasi nakapasa ako dito, pangarap kong eskwelahan ito at ngayon eto 4th year High School na ko.
Nagtap na din ako ng ID sa Second Gate kaya nakapasok na ko sa loob. Konti pa lang ang estudyante. Maaga pa naman kaya maglilibot na muna ako.
I have no friends, I don't know why, maybe because I am weird? nerd? books lover? I want to have friends, at least one friend, pero walang kumakausap sa akin, wala ding lumalapit sa akin kaya ako? laman ng library. Close ko na nga yung librarian namin ehh.
Napatapat ako sa Bulletin Board malapit sa Library, dito ipinapaskil ang announcements and top students overall students in this academy. Oo nga pala, hindi ko pa nakikita.
So lumapit ako sa bulletin and hinanap ko ang PRINNA ESREISH JAVIER, nagsimula ako sa baba pero pinagod ko lang ang sarili ko -.- kasi nasa taas yung pangalan ko, TOP 1 and running valedictorian. Hell yeah ! I'm so fucking proud of myself.
"Whoo ! Ang galing mo Prinna. Crush na talaga kitaaaaaa. Ido--"
"Ehem." napatigil ako sa pakikipagusap sa sarili ko nung may tumikhim mula sa likod ko. Si Icara Yu. The Campus Queen. Nasa likod niya si Keyna Lopez. Bestfriend niya and sa pagkakaalam ko siya ang Campus Princess. Pero di ako sure kun totoo yun kasi naririnig ko lang naman yun.
Tumabi ako sa harap ng bulletin board kasi alam ko namang sisilip sila. Nakayuko lang ako sa gilid. Dito nalang ako, hihintayin kong magbell.
"Hmm. Hi? I'm Icara Yu." napatingin ako sa kamay na nakalahad sa harapan ko, inangat ko ang tingin ko sakanya at kinuha yung kamay niya.
"I-I know." sabi ko habang nakatingin sakanya. "I-I am Prinna Javier." sabi ko sabay yuko ulit. binitawan ko na yung kamay niyang malambot. Tama sila, napakaganda niya nga pala talaga.
"Prinna? Oh ! So you are the student who got a HIGHEST GRADES?" napatingin ako sakanya. Hindi ako makapaniwalang kinakausap ng Campus Queen an isang NOBODY na tulad ko.
Dahan dahan akong tumango at nagulat ako ng yakapin niya ako bigla. 0.0
"Omygosh ! Congrats ! Alam mo bang matagal na kitang gustong makita? Ang galing galing mo. Konti nalang 100 na ang grade mo." dirediretsong sabi niya tapos kumalas na sa akin. Ako naman ito nakatulala pa din sakanya. Napakaganda naman kasi. Ang kinis kinis ng mukha at napakaganda ng kulay tsokolateng mata niya, kahit singkit siya ay kita pa din ang kagandahan ng kulay nun. "Hmmm sige. We have to go. Bye~" sabi niya at umalis na, tapos si Keyna sumunod pero binangga ako. The eff?
Tinignan ko yung wrist watch ko, what the? 10 minutes na kong late ! dali dali akong tumakbo paakyat sa 3rd floor. Then sa pagmamadali ko may nabangga akong lalaki kaya nahulog ako sa hagdan.
"FUCK !!!!!!"
YOU ARE READING
Prinna Echosera - I have my ways
Teen Fictiona TITLE ain't SHIT if the STORY don't MATCH