Chapter 12:The 3rd Prince

6 1 0
                                    

[ Yoi's POV ]

Sa aking pag muni muni di ko namalayang ako pala ay nakatulog nagising na lamang akong may telang naka patong sakin napapaisip ako sino kaya ang may magandang loob na nag kumot sakin...

Malapit na palang mag umaga... Agad akong pumasok sa loob ng palasyo at pumaroon sa aking silid agad akong naligo at nag ayos ng aking mga gagamitin o dadalhin sa pag sasanay ulit mamaya. Pag tapos ng sampung( 10 ) minuto agad akong pumaroon sa kusina ng palasyo at punta sa isa sa mga taga pagsilbi. Pag karating ko roon ay agad ko syang nakitang nag luluto ng ramen well tamang tama kasi malamig ngayon.

Lumapit ako sa kanya at nginitian sya gumanti naman sya tinanong ko sya kong anong ginagawa nya sabi nya nag papack ng Onigiri then after nya binigyan nya ako ng mangkok na may lamang ramen. Habang ako ay kumakain nag salita sya.

" Nais kong dalhin mo ito para ika'y hindi gutumin  "

Napatango nalamang sa kanya.. nginitian Naman nya ulit. Haysst naman eto lagi makasalubong mo abahh laging good vibes.

Pagkatapos ay pumunta muna ako sa garden ng palasyo. Ngunit sa kasamaang palad ay may na una na yata sakin sa kadahilinang may nag papatugtog ng plawta. Agad ko namang sinundan ang tunog at maingat na nag lakad at nag palinga linga. Pag karating ko sa sentro Ng garden wala pa din akong nakitang tao... Punta ako sa ilalim ng puno at dun nag pa hinga habang nakikinig sa musika na dala Ng plawta... Akmang ipipikit ko na ang aking mata ng may nag salita.

Maganda ba ang aking tugtog binibini?

Napalingon naman ako sa nag salita na ngayon ay napaka lapit ng mukha nya sakin. Nag lakihan naman ang mata ko sa gulat at tinulak sya kaagad napa aray naman sya at huli ko lang napag tanto na isa syang prinsipe base sa kanyang kasuotan kaagad naman akong nataranta at tinulungan syang tumuyo

Paumanhin kamahalan ...- sabay yuko

At narinig ko na lamang syang tawang tawa sa naging reaksyon ko agad ko syang tiningnan at pinanlisikan ng mata. Akmang aalis na ako ng hinawakan nya ako sa aking braso

Sandali binibini at paumanhin kong aking nagambala ang iyong dapat ay tahimik na tulog ng dahil sa aking tugtog at dun ko Lang napansin ang plawta na hawak

Ikaw ang tumutotog?

Nginitian nya Lang ako

Mahal na binibini bilang kabayaran sa aking nagawa ay nais kung Ikaw matulog muli at Ikaw ay aking tugtugan gamit Ang aking plawta...

Agad naman akong napangiti ng lihim at tinanguan sya. Ikaw ba naman pag oferran ng isang makisig na prinsipe diba? Diba?

A/N: Ang kalandian ilagay sa tamang pag lalagyan 😁

Tahimik ka nga Ms. A panira moment

A/N: Hmmfp!

Babalik na sana ako sa pwesto ko nung sinenyasan nya akong matulog sa hita nya... Nag sukatan kami muna ng tingin hanggang sa ako'y hinila nya

Matulog kana binibini...

And all went black....



[ Mizu's POV]

Nii-chan san ka patutungo?

Sa garden lamang aking kapatid..

Ahh ganun po ba sige..

Bago ako lumabos ng palasyo ayy naisipan kong dalhin ang aking plawta at nag punta sa hardin  at agad umakyat ng puno at nag umpisang tumutotog.

Mga ilang minuto ang nakalipas naramdaman kong may paparating ngunit akin lamang hinayaan nung nakita ko kung sino alam kung sinusundan nya ang tunog

Nakita ko syang nag hanap Ng pwesto na  mauupuan ngunit akmang ipipikit nya ang kanyang mata ng bigla ko namang itigil ang pagtugtog at inistorbo sya. Nakakatawa ang kanyang reaksyon ngunit alam kong inis nya kaya bilang pambawe eh pinatulog ko sya sa aking hita at nagtugtog makalipas ang ilang oras ay nakatulog na sya. Tinigil ko na aking pag tugtog at kinatingnan ang kanyang mukha ang ganda nya. Dahil tulog na tulog pa sya naisipan kong natulog na rin

-------------------------------------------------------
OoOoO

Onigiri--> its a popular Japanese snack seasoned in many kind of ways. It is a rice balls that is filled  of chicken, vegetables, fish and pork

Heian Palace:Hōm no HinodeWhere stories live. Discover now