First Love 1

26 2 11
                                    

Clayne's

"Gising na! Wala ka talagang kinabukasan gago" sigaw ni Rap at saka ako binuhusan ng tubig.

"Pakshet ka talaga!" Sa inis ko ay binato ko siya ng baso at mga unan kaso swerte ang kupal kaya nakalabas agad sa pintuan.

At dahil nawala na ang antok ko ay bumangon na ako at naligo.

Ako nga pala si Clayne Serenity Forsythe. Nag aaral sa Cloak Academy. Yung kaninang epal naman ay ang kuya kong si Rap Clyde Forsythe. Kambal kami pero mas nauna daw siyang lumabas sa pinanggalingan niya kaya dapat daw ay kuya ko siya.

Pagkatapos ng ritwals ko ay bumababa na ako para kumain ng breakfast.

"Where's mom and dad?" Tanong ko kay kuya na ang siba kumain.

"Nasa puso ng bawat tao."

"Saksakin ko puso mo tanga." Umupo nalang ako at nagsimulang kumain. Kapag kausap ko talaga si Rap naru ruin yung mood ko taena.

"Pabebe. Nasa Korea pa rin sila ngayon. Na Delay yung flight nila kaya mamayang gabi pa sila makakauwi." Paliwanag niya.

"K." Tanging sagot ko at isinukbit ang bag ko. Maglalakad nalang ako papasok sa school, baka mamatay pa ako kapag sumakay ako sa kotse ni Rap eh.

After 5 minutes of walking ay nakarating na rin ako sa wakas.

As usual, maraming estudyante nanaman ang naka abang sa entrance para salubungin ang URT o Underground Rappers Team na may tatlong miyembro.

Hail Zeus Dela Vega

Rap Clyde Forsythe

At si Rhime Cloak Del Fire

Sikat sila dito sa buong Pilipinas. Specially Rhime, Pamilya niya ang nagmamay ari ng Cloak Academy, mga noo niyo, Malls at mga sikat na Car Branches all over the world.

Sila Hail naman ay sikat sa mga factories na hindi ko alam kung anong binebenta nila. Lol pake ko ba. Pagmamay ari naman nila ang pinakamalaking La Vega airport sa America.

Actually hindi naman ako isa sa mga fans nila pero kung tatanungin niyo kung paano ko yun nalaman ay dahil sa kaibigan sila ng kuya ko at mag bebespars ang mga magulang namin.

Inintay ko munang matapos ang grand entrance ng mga gunggung bago ako pumasok. Agad naman akong sinalubong ni Justin at nakipag fist bombs.

"Uy troops bat naka busangot ka na naman?" Tanong niya habang naglalakad kami.

"Baka kasi sobrang saya ko na binuhusan ako ni Rap ng tubig sa mukha para lang gisingin ako." Sarcastic na sabi ko at tinarayan siya.

Tinawanan niya lang ako at hinila papunta sa canteen. Ayos makakalibre nanaman ako haha

"Yung Fries tas shake nalang sakin" agad na sabi ko sa kanya at tinanaw ang pinaka malapit na table.

"Kapal mo talaga eh. Ikaw nalang kaya manlibre noh?" Tinaasan ko lang siya ng kilay at saka pumunta sa table.

6:10 palang naman at mamayang 7 pa ang umpisa ng klase so it means na makakalamon pa ako ng libre.

First Love (Min Yoongi FF)Where stories live. Discover now