Chapter 9
TUMAKBO na ako pagkatapos kong sabihin iyon. Di ko na kaya kung maging siya ay pagsasalitaan rin ako ng mga maaanghang na salita. Napatigil lang ako ng mapansin kong malayo na ako at mapansing medyo madilim na sa parteng tinakbuhan ko. Agad akong tumawag kay ate Carla.
"Ate? Asan ka. Kunin mo naman ako dito oh." Natatarantang sabi ko dito.
"Huh? Asan ka ba? Malapit na ako sa bar na palagi mong pinupuntahan." Rinig ko sa kanya.
"Ewan. Tumakbo kasi ako eh. Nasa madilim na bahagi ako. Medyo kita dito ang bar pero malayo kapag nilakad." Paliwanag ko sa kanya.
"Sige papunta na ako diyan. Huwag ka nang umalis sa kinatatayuan mo." Tumango lang ako. Pero nanginig ako ng may makita akong mga anino ng mga lalaki na papunta sakin.
"Ate bilisan mo. May mga lalaki rito. Natatakot ako." Nanginginig na sabi ko. Binabaan niya ako. Mas natakot ako. Pumunta ako sa kung saan madali akong makita. Yung mga lalaki naman ay papunta talaga sakin. Napalunok nalang ako.
"Uy may babae dun oh."
"Asan?"
"Ang sexy pare."
Hindi ko pinansin ang sinasabi nila. Ni hindi ko nga sila tinitingnan. Naiiyak ako ulit.
"Uhm miss. Magkano? May 2000 ako rito." Hindi ko pinansin ang lalaking nagsalita. Halatang mga lasing sila.
"Pare, di ka pinansin oh. Kawawa ka naman." Gustong ko nang umalis pero si ate baka papunta na. At kung tatakbo man ako alam kung hindi ako makakatakas dahil pinalibutan na nila ako.
"30 minutes lang miss." Nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang pwet ko. "Lambot ng pwet pare!"
"Bastos!" Sigaw ko sa kanya at sasampalin sana siya pero nahawakan niya lang ang kamay ko.
"Eh kung sa dibdib kaya pare?" Napalingon ako sa nagsalita.
"Don't you dare touch me!" Tumili ako at naggagalaw. "Huwag niyo kong hawakan! Maawa kayo! Please!" Napaupo ako sa sahig.
"Please. Umalis na kayo." Di ko na napapansin ang mga sinasabi nila dahil sobrang natatakot na ako.
"Kahit anong gawin mo pa miss wala namang makakarinig sayo rito eh. Dito nga ako palaging nakikipagsex kapag wala akong panglodge eh." Umangat ang tingin ko sa kanya. Nanghina ako nang makitang tinatanggal na niya ang belt niya. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang pag-iyak ko. Wala bang kahit sino ang tutulong sakin? Napayuko nalang ako.
"Ate Carla." Yun lang ang nabanggit ko. Parang nabingi ako sa lahat ng nadidinig ko ng kagatin niya ang tenga ko. Tumaas lahat ng balahibo ko at nanginginig din ako. Nahihilo ako at parang babagsak ako anumang sandali.
"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan!"
"Pare mga parak! Alis na tayo!"
Nakatitig lang ako sa sementong kinauupuan ko.
"Erika." May yumugyog sakin. Napayakap ako sa sarili ko. Ayokong makita ang pagmumukha nila.
"Erika, ako na ito. Si Carla." Natigil ako at parang bumalik ako sa huwisyo ng madinig ko ang pangalang Carla. Nag-angat ako ng tingin. Nang makita ko siya ay dun na lumabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Ate Carla. Ate Carla. Ate Carla." Banggit ko sa pangalan niya habang humihikbi. Niyakap niya ako. Mas lalo lang akong umiyak ng gawin niya iyon.
"Ssh. Okay na. Andito na ako." Napakalamig ng boses niya habang hinahagod ang likod ko. Parang pinapatahan niya ako at umuubra naman.
BINABASA MO ANG
Bed Imprisonment (Completed)
Любовные романыWarning: SPG. Mature content ahead. Erika is a lost soul. She's finding love at the wrong places and at the wrong person. And now that the brothers, Lenon and Redrick are into her, will she be able to find love she's been looking in different places...