TLTOSM 2: Gone Grazy

2 1 9
                                    

The Loony Tale of Sean Andreas Maxine: Gone Crazy

"NANGGIGIGIL AKO, JESSY! AWATIN MO KO!"

Punong-puno nang nag-aalab na enerhiya ang katawan ko. Parang gusto kong sumabog. Kailangan kong ilabas 'to. Kung hindi, mababadtrip ako.

Pinagsasampal ko si Jessy sa braso at sa likod. Ugh, nanggigigil ako.

"Ang sakit na ah."

"Nakakaloka, Jessy! Nakita mo ba 'yon! Nakakainit ng ulo!"

"Simento lang 'yon, Sean, simento."

Kinuyom ko ang kamao ko, "HINDI PANTAY YUNG LINYA SA SIMENTO, JESSY! NAKAKAIRITA!"

Hinampas ako ni Jessy Gurl sa braso, "Nanggigigil na ko sa kakasampal mo sa 'kin, Sean."

"Nakakairita eh!"

"Kumain ka na nga," Natatawang sabi niya.

Nakita kong ang sama ng tingin niya hawak kong pagkain kaya inilapit ko 'yon sa kanya.

"Ayaw mo, bro?" Tanong ko.

"Ang gandang pang-aalok 'yon, Sean ah." Natatawang sabi niya.

Tinignan ko ulit ang pagkain ko at inilapit ulit sa kanya, "Gusto mo, bro?"

"Ayun," Sabay kuha niya ng pagkain ko.

Habang ngumunguya, biglang nag-init ang ulo ko.

"YUNG LINYA TALAGA EH!" Iyak ko.

Hinampas niya naman ako sa braso, "Tama na, please."

~~~

"WHEN DARKNESS TURNS TO LIGHT IT ENDS TO NIGHT! IT ENDS TONIGHT!!!!!" Kanta ko habang hinahampas ang armchair ko.

Magandang pampalabas ng punong-punong enerhiya 'to. Ang sarap pa sa pakiramdam.

"A FALLEN STAR, LEAST I FALL ALONE— YEAH!!!!" Sigaw ko sabay taas ng kamay sa hangin.

Ang sarap talaga sa feeling yung ganto tapos full volume yung music mo. Naka-earphone pa.

Tinignan ko naman si Jessy na tawa nang tawa sa 'kin.

"Go, Sean. Kaya mo 'yan," Rinig kong sigaw niya.

Nginitian ko siya at tuloy pa rin ako sa pagkanta off tune.

Lahat ng mga kaklase ko nagtitingin sa 'kin. Wala akong pake. Kailangan kong ilabas 'to. Feeling ko nababaliw na 'ko.

Napatingin ako sa isa kong kaklase na seryosong nagrereview sa susunod naming itetest.

"Wow, ang sipag mo naman ata, bro."

Napatingin siya sa 'kin. Nginitian niya rin ako.

"Uhm, pwedeng hinaan mo yung pagkanta mo? Nadidistract kasi ako sa'yo sa pagrereview ko eh," Mahinhin niyang sabi.

Nginisihan ko siya, "Malakas ba? Sorry, bro."

Nginitian niya ko, "Review ka na rin."

"Sige."

Kinuha ko na yung libro ko at binuklat 'yon sa page na kailangan kong review-hin. Binasa ko paulit-ulit ang nakalagay doon.

Title pa lang ako pero wala pa ring pumapasok.

Ang pumapasok lang sa 'kin e yung lyrics ng kanta na pinapakinggan ko sa earphone. Di ko kaya.

Lumapit si Jessy sa 'kin kasama ang seat niya. Ngiting-ngiti siya. Sinara ka na ang libro ko.

The Loony Tale of Sean Andreas Maxine [LOONYLOGY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon