I don't know what I'm doing here on top of the world-- my world.
Nasa bubong ako ng bahay namin: Nakatayo.
But I'm not gonna do anything dangerous. I promise to myself na if I'll commit suicide, jumping from a roof or any high structure will not be a choice.
Because, my funeral would be an open coffin and I don't want people seeing me with broken nose, puffy lips, missing eyebrows (not my eyebrows, please) -- in short; I don't want people to see an ugly face. They had enough of me when I'm still here.
So, I'm not gonna jump.
I raised my both hands as if I'm offering myself to the Lord while I close my eyes and feel the night breeze.
It's a windy night.
The moon is in its full fancy figure.
And the stars are unusually many.
It's a wonderful night, why waste it?
I stand there a few minutes more before I decided to lie down.
I put on my headset and shuffle played the music.
I locked my phone off and start my nightly stargazing.
Iniisip ko kung ano ang mangyayari bukas sa lakad namin ni mommy.
And with my anxious thoughts, I dozed off to sleep.Nasa fish market kami ngayon ni mommy bago umuwi.
At nagsisi ako na hindi ko pa kinumbinsi si mommy na sa bayan nalang namin siya bumili ng ulam.
'Wag lang dito sa madaming tao.
Nakasunod ako kay mommy at tahimik na nagpasalamat na naka-rubber shoes ako.
Maya't maya ang pagdaan ng mga kariton na may dalang mga batya ng isda.
Maya't maya rin ang pagtigil ni mommy sa mga tindera dahil sa pagtingin ng isda pero hindi siya bumibili.
Ito rin ang ayaw ko.. Ayaw ko nakikita ang dismayadong mukha ng mga nagtitinda kapag aalis kami ng walang binili.
Hindi ko alam kung pang-ilang stall na ito pero nang tinatawadan na ni mommy ang benta ng tindera ay baka dito na nga ang huling stall na pupuntahan namin.
"Nako, madam, mura na ho iyan. Madami-dami na rin 'yan," ani ng tindera.
"Ito naman.. bawasan mo lang ng singkwenta.."
"Hindi pwede madam, bagong huli rin kasi 'yan..."
Pinapanood ko sila nang may bumangga saaking kung ano.
Nilingon ko ang binti kong nabangga ng kariton na may dalang mga isda at tumabi sa daan.
Nako, Cassandra! Tatanga-tanga ka nanaman!
Tinignan ko ang tao na nagkokontrol ng kariton nang hindi ito gumagalaw ng ilang segundo.
Pagkatingin ko ay nakatingin din ito saakin habang ang kasama niya ay tinatabi ang mga nasa daan.
I saw how he checked me out with those chestnut brown eyes and unbelievably long lashes.
Tinignan ko naman ang kanyang makapal na kilay na bumabagay sa kanyang maputing balat.
He looks so out of place here.. I wonder if he's really working here..
Iniwas ko ang tingin ko nang napansin niya atang sinusuri ko ang kanyang mukha.
And I swear, he freaking smirked!
Dumaan na sila nang matapos na si mommy'ng bumili.
Sinundan ko siya at nasa likod kami noong lalaki.

YOU ARE READING
Spectacular
Teen FictionCassandra Yngrid Liano is in her unstable state. She is lost and never worth to find. What spectacular thing will happen to her? Disclaimer: This writing is pure fiction but the morals are not. This idea is originally from me and any resemblance o...