Just Another Jay

14 4 4
                                    

What is admiration?


I can't tell you the meaning.

I can't even tell you what is this.

So, paano ko ba to sisimulan?

Di ko rin alam, dapat ba maganda ang pagkakasulat nito?

Uumpisahan ko ba sa mabulaklak na salita?;

'The Cold of Rain
Each drop of Time
The Flow of Regrets
Each Soul of Living
The Eyes of sadness
Each Ride of Missing

and

Finally the Light of Alive'
I bid you a Goodbye.

Mga ganyan?

Sasabihin ko ba saloobin ko?

'I have wasted my Opportunity on You

I lost words to say how much I like or love you woman
Now, I live in regrets bidding without saying goodbye'

May magbabasa ba nito kalokohan ko?
May magsasabi bang ang gago ko?

May tanong ka rin ba sa sarili mo kagaya ko na

'What if tayo?

What if pumunta ako sa kaarawan mo?

What if sinunod ko yun payo ng kaibigan ko ligawan kita?

What if di ako dinaga at nagtapat?

What if hinawakan ko yun kamay mo?

What if nalang ako ngayon. Napakalaki kung 'gago'

First of all,

   maaring mahal kita

Or

Baka admiration lang to,

aba malay ko din.

Sa simula pa lang naman kasi may kayo na.

Oo, may kaayo na diba?

Sino ba naman ako?

Saling pusa lang naman
Pero
Ako lang naman po yun nakikinig sa ka dramahan mo sa kanya.
Ako din yun baliw na sabat ng sabat habang nag ku-kwento ka tungkol sa hinayupak na yun.
At kung tatanungin mo ako kung maganda ka ba?
Aba, oo. Ikaw ang isa sa pinaka maganda babaeng nakilala ko. Maganda inside and spiritually.
Di ka perpekto pero para sakin wala kang katulad.

Minahal ka ba talaga ng lalaking yon? Minahal mo naman siya, na gustuhan din kita.
Magulo ba? Magulo talaga pero ganyan ang buhay.
Ano ba to? Dapat maganda ang pagkakasulat ng kwento pero paki ba nila, pagdating sa love magulo, sabi nga ng kanta;
'Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga'.

Kahit ang matatalino walang masasagot.

Sa simula kasi hindi naman dapat ganito, hindi din dapat magkaroon ng ganito damdamin. Bakit ba ang gulo ng mundo? Baka ako lang ang magulo. Siguro ako lang talaga.

Aamin ko,yung kwentuhan natin sa table mo ang pinaka gusto ko sa trabaho, wala ako paki sa iba na mapanghusga ang paningin sayo o sakin. Para tayo baliw lang dba? Nagsususlat pa sa notebook ng kung ano-ano, tapos bigla seseryoso na sa trabaho pero kung libre aba'y napaka baliw. Ikaw talaga nagbibigay gana sakin pumasok sa trabaho't napaka laki ng respeto ko sayo.
Ano ang hugis ng mukha mo? Hugis manga, kabisado ko pa nga at kaya kung guhitin kahit nakapikit pa. Lumipas ang mga araw at mas naging close pa tayo samantalang kayo naman ay nagkakalabuan na. Sa una wala ako paki pero parang nagugustuhan ko na yun idea maghiwalay kayo at dun nag iba ang lahat.
Mas nag iba pa ang lahat noong hindi kana pumupunta sa lugar na yun,sa pwesto kung saan tayo nag uusap. Dumistansya ka at ako na baliw ay gumawa ng maliit na paraan lang para makita ka ng kahit konti lang, dun isang bagay ang sigurado--hindi nato admiration' iba na to.
Natakot ako, Oo.
Pinaglabanan ko,pero mas lalo lumalim.
Nakakatakot ang love pero mas nakakatakot na hindi ko man lang napagtapat sayo na 'I like, admire or love you from Day  1
At pasensya na kung gago ako'.

Sana may happy ever after ka sa taong nakatadhana sayo, Pasayahin ka niya, Alagaan at Mahalin.

At ako andito lang, naghihintay.

Sana mas nauna ako para may;

'Once upon a time at Happy ever after'

Tayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Another JayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon