"Parang kayo pero hindi" isang sikat na linyang makakapag- describe nang relationship namin ni Fionna.
Paano nga ba nagsimula? Hindi ko na rin alam e. Siguro nung hinalikan niya ako? Gabing-gabi na nun habang nag-iinuman kaming magkakaibigan. Lasing na lasing siya kaya inalalayan ko siya patungo sa kwarto. Nang naihiga ko na siya'y bigla niya akong hinila at hinalikan sa labi. Isang napakatagal na halik.
Kinaumagahan, nagpasya akong 'wag nalang gawing big deal yung ginawa niya. Lasing siya, at wala sa tamang huwisyo. Subalit nang magkasama kami ulit, hinalikan niya ako ulit.
"Teka, Fionna" sabi ko. Tumigil siya sa paghalik.
"A-ano 'to?" tanong ko sa kanya.
"Bakit?" plain niyang tanong.
"I- I'm sorry, ha? Pero, hindi kasi kita type e" sagot ko.
"At sa tingin mo gusto kita?" tanong niya. Tumango ako.Tumawa siya ng mahina pero mapang-asar ang dating.
"Hindi din kita type, walang kahulugan ang halik kagabi at ngayon. Gusto lang kitang halikan" sagot niya pagkatapos ay tinalikuran niya ako. Aalis na sana siya pero hinila ko siya pabalik sa akin at ginantihan ng halik, nag- respond naman siya, at hindi ko maitatangging magaling siyang humalik.
BINABASA MO ANG
The Good Kisser
Teen FictionShe used to be the sweetest. She used to smile and laugh a lot. She used to love too much, but everything has changed when she lost him. For her, losing him means losing herself as well. She has completely changed from a very warm- hearted person in...