Chapter 37: Sikei Group
<Lawrence Villarama's POV>
Maaring nag tataka kayo kung bakit galit na galit si Kuya Franz kay Franco.
Ako na ang mag kkwento sainyo dahil mukha hindi naman na makkwento ni Franco sainyo to.
Ang Sikei Group. Ang pinaka matinding kalaban namin na hanggang ngayon ay hindi padin namin natatalo.
Magagaling. Matatalino. Gagamitin ang iyong kahinaan para talunin ka.
Hindi ka papatayin pero papatayin ang mga mahal mo sa buhay upang unti unti kang patayin ng kalungkutan.
Upang maging malakas kailangan mong maging matapang at mawalan ng kahinaan.
Yun din ang dahilan kung bakit hindi ko maligaw ligawan si Clauvelle noon. Natakot ako eh. Natakot akong malagay sa pahamak ang buhay niya. Noon yun. Pero ngayon wala eh, kailangan ko siyang protectionan dahil alam kong kasali na siya sa kaguluhan na ito, ligawan ko man siya o hindi.
Ano nga ba ang koneksyon ng Sikei Group sa storya ni Franco.
Actually saaming lahat merong koneksyon ang Sikei Group. Sa Montreal Academy, kay Nichollon at pati nadin saakin.
Ang Montreal Academy ay nabuo ng tatlong magkakaibigan.
Ang mag kapatid na si Francine Dela Tore, ang nanay ni Franco, at si Lorena Dela Tore, ang nanay ko.
Kasama ang kaibigan nilang si Nisha Alexa Chan, ang nanay ni Nichollon.
At kaming mga anak ang tagapag mana. Actually ang Montreal Academy ay wala lang sa yaman ng mga tatay namin kaya wala lang saming kwenta yun. Depende lang kung sino top 1 siya mag mamanage, ngayon si Kuya Franz ang nag mamanage ng Montreal at mapapalitan na kung sino man ang mag Top 1 ngayong graduation.
Isa lang naman itong simpleng academy noon. Pero napag desisyonan nilang gamitin ang Montreal Academy para makahanap ng kakampi upang labanan ang Sikei Group.
Nag umpisa ang lahat sa pag sunog ng Sikei Group sa katawan ng kapatid ni Nichollon na si Nicole matagal na panahon na ang nakakalipas. Hanggang ngayon wala padin nakakaalam kung bakit ginawa ng Sikei Group iyon.
Sumunod ang pag kamatay ng Nanay ko, na binaril sa harap ng Ate Lorie ko. Ang kwento ng Ate Lorie ko ay nag hihingalo daw si Mom noon pero wala siyang nagawa dahil wala naman siyang alam sa pag gagamot. She was just 15 years old that time. Kaya ayun ngayon nag doctor siya.
At sumunod ang pinaka latest, ang pag kamatay ng asawa ni Kuya Franz at ang nanay ni Franco.
Nandoon ako sa mismong araw ng pag kamatay, dahil ang pag atake ay nangyari sa Montreal Academy.
Alam ko. Alam kong hindi si Franco ang pumatay sa Nanay at sa asawa ng kuya niya.
Nakita ko ang nangyari.
Hindi ko alam kung bakit sinisisi ni Kuya Franz si Franco sa pag kamatay. Hanggang ngayon sinisisi niya padin si Franco.
Pinakulong niya pa si Franco pero inurong din niya ang kaso 6 months later. Ewan ko kung anong problema ng ungas na yun. Yung dalawang mag kapatid na yun kahit kailan talaga hindi mo mababasa ang isip. Parehong may saltik eh.
It was not just a simple car accident. Franco was driving the car palabas ng Montreal para sana itakas ang nanay niya at ang asawa ng kuya niya dahil nag dadalang tao ito.

BINABASA MO ANG
I'm inlove with a Monster!!
Teen FictionLorraine Silvestre is willing to change her life to be with her ultimate crush. What are the things that she will discover?