Nag patuloy pa ang mga pang u-usyoso nang mga weirdo kong kaklase sa prinsesa. Halos hindi rin siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Seriously? Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Ako nalang ba talaga ang walang paki sa lahat ng taong nandito?
Mag isa lang akong nakaupo sa may taas na parte ng classroom habang pinagmamasdan lang silang nag kakagulo sa may pintuan. Pero hindi rin ‘yon nag tagal at unti unti din silang kumalma kahit papaano.
Marami sakanila ang nag aalok ng mauupuan para sa prinsesa, halos lahat ay gustong makatabi siya. Hindi ba siya na aasiwa-an sa mga yan?
Ilang minuto pa ang lumipas at nilubayan narin siya ng mga ito kaya naman nag karoon nadin siya ng kalayaan para pumuli ng kanyang ma-uupuan. Nagpa lakad lakad siya nang ilang saglit at tila may hinahanap.
I was gazing at her the whole time, hindi ko narin namalayang kanina pa pala ako nakatingin sakanya. Umabot na din sa puntong napatingin na din siya saakin. Nag iisa lang naman kasi ako sa kina-uupuan ko at hindi rin mahirap makita.
She attractively smiled with her eyes sparkling nang mapansin niya akong nakaupo.
“damn!” asik ko, “nakilala pa yata ako!” gusto ko ngang gumanti sakanya pero hindi ko ito enexpect, lalo pa ngayon na alam ko na sikat pala siya.
Ayukong madamay sa kung anong gulo meron siya, mas gusto ko ng tamihik lang na buhay, walang maingay at sa lahat ng bagay, I hate inconvenience’s the most.
Hindi ko nalang siya pinansin at agad kong ibinaling tingin ko sa bintana na para bang walang nakita.
“shit. Wag kang lalapit. Wag ngayon. Wag ngayon…” paulit ulit kong bulong sa sarili habang nakatitig sa bintana ng classroom.
Ngunit hindi naganap ang gusto kung mangyari, at lumapit parin pala siya sakin. Bigla ko nalang naramdaman ang isang mainit na bagay na dumikit sa tagiliran ko, noong una ay wala pa akong ideya na siya ang taong ‘yon. Ang kaso niyan eh wala naman akong ibang kakilala sa klase na ‘to at isa walang dahilan para tumabi sila sakin. Kaya dahil sa pagtataka, lumingon kaagad ako upang malaman kung sino man siya na tumabi saakin.
“hey!” isang bati ang bumungad saakin, inakbay nito ang dalawang maliliit niyang kamay sa balikat ko na agad ko namang ikinagulat. Napakalapit na kasi ng pagitan ng mga mukha namin, talagang sobrang lapit. Sa gulat ko’y bigla akong napa atras at naging dahilan ‘yon upang mahulog ako sa aking kina uupuan.
Pssss-----bam!
“fuck! Aray!” ang sama yata ng bagsak ko sa sahig at halos mag crack na ang mga buto ko sa likuran. Pero parang hindi narin naman masama yun kung tutuosin, ang masama lang dun sa nangyari ay nung mahulog ako, bigla pang sumabit kamay ko sa uniporme niya at nadamay siyang nahulog. Ngunit hindi parin naman masama na madamay siya dahil sa totoo lang kasalanan naman talaga niya ang nangyari.
Ang concern ko lang naman kasi eh nung mahulog ako at nadamay siya. Bumagsak siya sa may dibdib ko at dumeretso mukha niya patungo sa mukha ko, at alam niyo na mga sumunod na nangyari.
It’s an accidental kissing scene!
But shit! That was my first kiss! Pero God naman… bakit ngayon pa?
It feels like time has stopped around us for that moment, seconds feels like forever. Subalit hindi rin ito nag tagal at nagbalik muli ako sa realidad. Kung saan ang lahat ay nagsi-tinginan saamin, lahat sila ay nagulat sa nangyari at naging dahilan ‘yon para muli silang magka gulo.
Agad kong inangat balikat niya habang nakatitig sa nangungusap niyang mga mata, nakahiga parin ako sa sahig at hindi parin siya bumabangon. Ano ba problema niya?

BINABASA MO ANG
My Phantasm [Rise of the God of Time]
Viễn tưởngThis is a Tagalog - English Story Date started: may 11, 2017 Date finished: still on the write In year 2017 a huge calamity takes place around the earth, it cause unnatural change to every people that survived. This calamity is said to be the cause...