•••
"Eunice, sigurado kaba dito?" bulong ni Analyn sakin ng makababa kami ng tricycle.
"OA mo, An! Wala pa nga, eh!" natatawang saad ni Nathan.
Nakatayo kami sa harap ng Laperal White House habang hinihintay sila Gerald at Felice-- girlfriend niya na nagbabayad ng pamasahe.
"Nako, mga bata talaga puro kalokohan. Mag-ingat kayo, ah? Madaming masamang elemento dyan!" rinig ko pang saad ng driver bago umalis.
Mas lalo tuloy natakot si Analyn ng umalis na ang tricycle.
"Tangina, umuwi nalang kaya tayo, guys? Nakakatakot pumasok," bulong muli ni An.
"Don't worry, Analyn, nandito naman ako. Yumakap ka lang sakin pag di mo na kaya..." singit muli ni Nathan na ikanatawa naming lahat.
Napatingin ako sa bahay at kalsada. Kahit sino ay matatakot na dumaan sa lugar na 'to dahil wala talagang dumadaan na kahit anong sasakyan. Hula ko ay takot ang mga tao dito. Even the driver who droped us here was scared at first. Kamuntik pang hindi pumayag kung di pa binigyan ng tip ni Gerald.
"Bakit may dala kang bag, Ge? Balak mo magcamping?" tanong ni Mica.
Natawa si Gerald tsaka umiling."Nope. It's liqour. Boring ang ghost hunting kung walang alak."
"Yun, oh!" Nathan.
"What? Don't tell me balak niyong mag-over night dito?" gulat na saad ni Analyn.
Sa sobrang tuwa ay hindi na namin napansin ang pagrereklamo ni Analyn. Nang makarating kami sa gate ay agad itong binuksan nila Gerald at Nathan. Kaniya-kaniya naman kaming hawak ng cellphone para sa flashlight.
"Ano kayang magiging reaksyon ni Miss Medallada kapag nalaman niyang nandito tayo?" biglang tanong ni Mica nang magsimula na kaming maglakad patungong kusina.
"We are surely dead," tumatangong saad ni Gerald.
Umiling ako. "Nah. Baka mauna pa siyang mahimatay sa nyerbos."
Sabay-sabay kaming natawa pero agad kaming pinatigil ni Analyn. Panira.
"Shut up, guys, please! It feels creepy hindi niyo ba pansin? Nag-eecho yung boses natin!"
Hinawakan ko ang kamay ni Analyn na nanginginig sa braso ko. Malamig. Sa ganitong sitwasyon ay ang sarap niyang pagtripan ngunit hindi maaari. Iba magalit si Analyn kahit mabait.
"Chill pwede? Masyado kang seryoso!" bulong ko sa kaniya.
Umirap siya sakin."Ikaw nakaisip nito, Eunice, eh! Puro ka talaga kalokohan!"
Tinawanan ko siya.
"Wala pa okay? Relax ka muna!" natatawang sagot ni Felice.
"How can I relax? Kinikilabutan na 'ko. Feeling ko talaga may nakatingin satin e..."
"Feeling mo lang yun!" pang-iinis pa ni Nathan kay Analyn dahilan para sabunutan niya ito.
"Hon, ang cute, oh!"
Sabay-sabay kaming lumingon kay Felice ng bigla siyang magsalita. Buhat ang kulay gintong kutsarita ay lumapit siya kay Gerald upang ipakita.
"Hoy, Felice! Wag mong pakialaman 'yan!" bulong ni Analyn.
Kumunot ang noo niya. "Why?"
She tsked bago kunin ang kutsara at ibalik sa tama nitong kinalalagyan. At halos mabasag ang ear drums namin sa sobrang lakas ng tili ni Analyn ng gulatin siya ni Nathan at pabirong hilahin ang paa nito.
BINABASA MO ANG
A Love That Endures
Tiểu thuyết Lịch sửKilalanin si Gabriela Eunice Ybarra at samahan sa nakakabaliw na paglalakbay. Kilalanin si Francisco Tobias Laperal at samahan sa pakikipaglaban sa kalayaan. Kilalanin sila at samahan sa kakaiba at matatag nilang pag-iibigan. But how could they su...