Part title

6 0 0
                                    

Ako ay isang babae na nagmamahal lamang
Dalawampu't taong gulang na nakatira sa Satwa
Isang OFW sa malayong lugar ng Dubai
Lumayo upang may ipangtaguyod sa buhay

Ang aking kasintahan at kabiyak ay naiwan sa bansang Pilipinas
Nalulungkot ngunit ipinagpapatuloy ang buhay
Paano kami mabubuhay kung walang ilalagay
Sa aming mga bibig na patuloy na nag-iingay

Ako'y isang babaeng na nagmamahal lamang
Sa aking kasintahan na naiwan sa bansang kinalakihan
Hindi ako marunong "humugot" sa pamamagitan ng tula
Ngunit alam kong magturo ng nararapat

Ang bawat puso ay nasasabik sa muling pagkikita
Hindi pa sigurado kung kailan at saan pero handang pumunta aking sinta
Ako'y hindi na makapaghintay kung kailan ito magaganap
Pagka't ito'y nanatiling aking pangarap

Dito ko na tatapusing ang mumunting tula
Bigla ko lang naisipan na lumikha
Ang mga nilalang sa aking utak ay napakaganda
At nakakalikha ng makbuluhang akda

MilyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon