Shet. Nangangamba na ako para sa Drive C. ko. Mapupuno na ang memory ko, resulta ng lahat ng documents, powerpoints, pictures at videos sa nakaraang Senior year. Kailangan ko nang maglipat ng files o magbura.
Pero teka. Bigla kong naisip, parang hard drive din pala ang puso. At kapag ganitong nag-red at winawarningan ka na. Nakakapangamba.
Kaya bago ka mapuno ng lungkot, unahan mo na. Maglipat sa external drive. Ilipat ang atensyon sa iba. Ibuhos ang nararamdaman sa ibang gawain o sa ibang tao. Pero mas mainam, mag-delete. Nang mga files na nagpapasikip, files na uubusin ang natitirang memorya mo para ipaalala ang sakit at lalo na ang files na hindi mo naman talaga kailangan. Huwag din kalimutang i-empty ang recycle bin.
Dahil mapa-kompyuter man o mapa-puso, dapat alam natin kung hanggang saan lang ang capacity. Mabuti nang agapan o sukuan. Bago pa bumagal, mag-hang, mag-crash ang drive o tuluyang huminto ang system mo.
Kaya simula ngayon, uumpisahan ko nang mag-delete.