Dedicated to my sis! Hello! Wala na akong masabi. =__=
Wala akong alam sa pagbabasketball kaya kapag may mali man ako, comment lang kayo.
Enjoy Reading ;)
-x-x-x-
Basketball
One-Shot Story
written by SimplyMee
All Rights Reserved
Copyright © 2012
-x-x-x-
"Ma! Aalis lang po muna ako sandali!" Sabi ko kay mama na ngayon ay nagluluto.
"Sige, Bumalik ka ng maaga dito ah?"
"Opo ma!" Sinirado ko na ang gate namin at nagsimula ng maglakad.
Papunta ako ngayon sa basketball court ng subdivision namin. Doon ko kasi hilig pumunta eh. Wala kasing magawa lalo na ngayon ay summer.
"Bulaga!"
"Ay, Apo ka ng lola mo!" sigaw ko. Meron kasing humawak sa balikat ko at ginulat ako.
"Ha? Okay ka lang diyan?"
"Claire? Ano ka ba! Ginulat mo ako eh!" sigaw ko sa pagmumukha niya.
"Sorry na Eunice! Halika na?" Tumango ako sa kanya at nagsimula na ulit kaming maglakad.
Siya si Claire, neighborhood friend ko siya. Madalas kaming magsamang pumunta sa basketball court ng subdivision namin dahil maraming mga papables doon este, gusto ko lang naman manuod ng basketball. Gusto ko din kasing matuto kung paano laruin yun eh. Bakit? Bawal bang maglaro ng basketball ang mga babae?
Nandito na kami sa basketball court ng subdivision namin. May mga naglalaro ngayon. Actually mga varsity yun ng isang school at dito sila usually nagpa-practice. May nalalapit na ata silang game eh. Gusto kong manuod.
Pumunta kami sa may bleachers ng court. Grabe ang galing talaga ni Ace. Oo! Sige na, inaamin ko na. Kaya ako pumupunta dito lagi nang dahil sa kanya. Nung first time ko pa kasi siyang nakikitang naglalaro dito, magaling siyang maglaro. Siya nga ang Team Captain eh. Pero kahit na siya ang pinakamagaling sa kanila, Di niya yun pinagmamayabang. Tinuturuan din niya yung mga ka-teammates niya kung paano gawin ang ganito, ganyan. At kahit na siya ang pinakamagaling, ginagamit parin niya sa laro ang salitang 'Teamwork'. Kaya yun, nagustuhan ko na siya. Siguro mababaw ako dahil yun yung rason ko. Pero sakin, sapat na yun.
Sabi kasi nila na kung ano ang ugali mo sa paglalaro, yun din yung ugali mo sa totoong buhay. Naniniwala ako niyan.
Kung tatanungin niyo man kung close kami. Hindi, masyadong malayo sa salitang yun. Ni hindi nga niya alam ang pangalan ko eh. O baka hindi rin niya alam na nage-exist pa ako dito sa mundong ibabaw.
* PRRRRRTTT *
Tapos na pala ang laban nila. At siyempre nanalo yung team nila Ace.
"Oh! Tapos na pala ang game eh! Galing talaga ng *ehem* mo!" Sabi sakin ni Claire.
Nagulat na lang ako na parang lumalapit sila dito sa direksiyon namin. Oo dalawa sila. Si Ace pati si Kian. Kilala ko din yang si Kian. Close kami niyan dahil neighborhood friend ko din siya. Kaya nga palaging sumasabay sakin si Claire nang dahil kay Kian. May gusto kasi siya kay Kian eh. Oh diba? Tingnan niyo kaming dalawa, siyempre hindi talaga kami magpapakipot sa mga taong gusto namin. Kung nandiyan, eh di Gora lang!
"Eunice! Nandito pala kayo! Diba galing namin ni Ace?" sabi ni Kian sabay akbay kay Ace. Patay! Anong gagawin ko? Nasa harapan ko na siya! What to do? >.> <.<
"Oo! Ang galing niyo talagang maglaro!" sabi ni Claire. Phew. Parang alam niya ata na nakakabahan ako. Paano nga bang hindi? First time ko lang siyang nakita sa malapitan. Ang gwapo gwapo pala talaga niya. Kahit saang anggulo mo tignan.
"Ay, Ace! Ito nga pala si Eunice. Siya yung kinukwento ko sayong isa sa mga neighborhood friend ko." sabi ni Kian kay Ace.
Ha? Kinukwento? Alam din kasi ni Kian na may gusto ako sa bestfriend niya. Ganun talaga ako. Ayaw kong itago sa sarili ko na may pagtingin ako sa isang tao. Pero kapag aaminin ko yun sa taong gusto ko, ibang usapan na yun.
"Hi, Nice meeting you Eunice." sabi sakin ni Ace
"Nice meeting you din Ace." sabi ko sa kanya tapos nag-shakehands kami. Ang lambot pala ng kamay niya. Mas lalong nakakaturn-on eh.
"Oh! Eunice! Hindi mo ba ipapakilala samin itong kasama mo?" tanong sakin ni Kian.
"Kian, Ace, ito nga pala si Claire. Claire, si Kian at Ace." sabi ko.
"Hi, Nice meeting you Kian."
"Nice meeting you too Claire." Oiie! Kinikilig na yan si Claire! Ang mga babae na siguro ang nag dumadamoves noh?
"Sige Eunice, Aalis na ako. May gagawin pa ako sa bahay eh. Ba-bye!" sabi sakin ni Claire sabay takbo.
"Ha? Eh--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nawala na siya sa harapan ko.
"Ako din! Sige sasabay na lang ako kay Claire. Ba-bye!" sabi din ni Kian at umalis na ang dalawa kong evil neighborhood friends.
At kung mamalasin nga naman. Iniwan pa nila ako kay Ace. Pinakbet! Anong gagawin ko?
"Uhmmm.." wala akong maisip na topic eh. Kung ikaw ba naman first time mong kumausap sa gusto mo na matagal mo ng pinagnanasahan este, tinitignan sa malayo, makakaisip ka pa kaya ng matino?
"Eunice, Wala ka bang gagawin ngayon?" biglang tanong sakin ni Ace.
"Uhmm.. Wala naman, bakit?"
"Gusto mong sumama sakin? Punta tayo sa park." sabi niya sakin.
"Ha? Uhmm.. Sige." Pumayag na lang ako. Malapit lang din naman ang park dito sa subdivision namin. Atsaka, wala din akong magawa sa bahay. Manunuod lang naman ako ng tv doon.
"Sige, Tara?" Aya niya sakin.
"Okay."
Naglakad na kami papuntang park. As usual madaming mga tao. Madaming mga batang naglalaro. Madami ring pumapasyal ditong mga turista.
"Gusto mo bumili nun?" tanong sakin ni Ace. Tinuturo niya yung mga street foods. Mahilig ako niyan eh. Marunong din naman akong pumili kung ano ang malinis at madumi kaya walang sakit na dumadapo sakin.
"Anong gusto mo?" tanong niya ulit nang nakalapit na kami sa mga street foods.
"Gusto ko yung kwek kwek! Sarap nun eh!" Cheerful na sabi ko. Masarap kasi yun.
"Sige. Manang, kwek kwek nga po." sabi niya sa nagtitinda ng kwek kwek.
"Oh? Bakit ikaw yung nagbayad? Sige, babayaran na lang kita mamaya ah?" sabi ko sa kanya.
"No, Okay lang yun. Libre ko na yan sayo."
"Talaga? Salamat ah? Huwag kang mag-alala, balang araw babawi din ako sayo."
"Sige, inaasahan ko yan ah?"
"Tss. Yun lang naman pala ang gusto mo eh."
"Hahaha! Hala, Tingnan mo yun oh!" Sabi niya at hinila niya lang ako bigla.
Madami kasing taong nagkumpulan malapit doon sa may fountain. May pagka-chismoso din ata 'to eh. Pero ang nagustuhan ko sa lahat, hinahawakan niya yung kamay ko. Peste! kinikilig ako.
"Uie! Nakatulala ka diyan? Tingnan mo yung nasa harapan."
Nabalik ang katinuan ko nang sinabi ni Ace yun. May kumakanta malapit sa fountain. Hindi siya mukhang professional o sikat. Bulag kasi siya. Tapos mukhang luma pa yung gitara niya. Pero kahit ganun, magaling siyang kumanta. Natapos na yung isang kanta. Pagkatapos, Biglang nagiba ang kanta.
♪ ~ Well you done done me and you bet I felt it
I tried to be chill but you're so hot that I melted
I fell right through the cracks
And now I'm trying to get back
Before the cool done run out
I'll be giving it my bestest
Nothing's going to stop me but divine intervention
I reckon it's again my turn to win some or learn some ~ ♪
Hindi ko namalayan na kanina pa pala hinahawakan ni Ace yung kamay ko. Nasa may bandang harapan kami kaya nakikita namin ng maigi.
♪ ~ I won't hesitate no more, no more
It cannot wait, I'm yours
Well open up your mind and see like me
Open up your plans and then you're free
Look into your heart and you'll find love love love
Listen to the music of the moment maybe sing with me
I like peaceful melodys
It's your God-forsaken right to be loved love loved love love ~ ♪
"Alam mo, Paborito ko yang kantang iyan." sabi niya sakin.
"Talaga? Eh ako din eh. Nakakarelax kasi siyang pakinggan." Akalain mo yun? Parehas pala kami?
"Pareho pala tayo kaya pala pinatagpo tayo ng tadhana." sabi niya ng mahina na parang di mo na maririnig.
"Ha?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Wala, ang sabi ko magaling lang talagang kumanta yung nasa harapan noh?"
"Oo eh. Parang magkaboses talaga sila nung kumanta."
♪ ~ Oh I won't hesitate no more, no more
It cannot wait I'm sure
There's no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I'm yours
I've been spending way too long checking my tongue in the mirror
And bending over backwards just to try to see it clearer
But my breath fogged up the glass
And so I drew a new face and laughed
I guess what I'm saying is there ain't no better reason
To rid yourself of vanity and just go with the seasons
It's what we aim to do
Our name is our virtue ~ ♪
Di na siya sumagot pa uli. Tumingin lang siya dun sa kumanta. Habang ako ay tumitingin sa kamay namin. Ang awkward naman ata ng posisyon namin.
♪ ~ I won't hesitate no more, no more
It cannot wait I'm sure
There's no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I'm yours
Well no no, well open up your mind and see like me
Open up your plans and then you're free
Look into your heart and you'll find love love love love
Listen to the music of the moment come and dance with me
I like one big family
It's your God-forsaken right to be loved love love love ~ ♪
"Ay, pasensiya ka na Eunice." sabi niya sakin. Nahuli niya kasi akong tumitingin sa kamay namin. Ako nga ang dapat mahiya eh. Binitawan na niya yung kamay ko.
Ikaw naman kasi Eunice eh! Sayang yung pagkakataon mo!
♪ ~ I won't hesitate no more
Oh no more no more no more
It's your God-forsaken right to be loved, I'm sure
There's no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I'm yours
No I won't hesitate no more, no more
This cannot wait I'm sure
There's no need to complicate
Our time is short
This is our fate, I'm yours, I'm yours ~ ♪
"Oh, tapos na pala yung kanta." sabi ni Ace. Pumunta siya sa harapan kung saan nakalagay ang isang Panyo. Dun nilalagay yung mga gusto magbigay ng pera para dun sa kumanta.
Sinundan ko din siya. Naglagay siya ng Php50.00 sa panyo.
"Ikaw? Hindi ka ba magbibigay?" tanong niya sakin.
"Ah, Teka lang." Kinuha ko yung pera sa bulsa ko at nilagay sa panyo.
"Eh? Bakit Php20.00 lang?" tanong niya sakin.
"Bakit? Malaki na kaya ang halaga niyan! Hindi naman ako tulad mo na may kaya."
"Haha! Sabihin mo kuripot ka lang!" tukso niya sakin.
"Ha? At ako pa ang kuripot? Walangya ka talaga! Hmph!" sabi ko sabay crossed-arms.
"Hahaha! Ang dali mo talagang mapikon."
Naglakad ako palayo sa kanya. Tss.
"Eunice! Sandali lang! Ang bilis mo namang maglakad!" sabi niya habang naghahabol sakin.
"Che! Manahimik ka!"
"Bakit naman ako tatahimik? Malayo pa ang library dito." sabi niya.
"Pilosopo!" sabi ko sa kanya pero ang totoo, kinikilig talaga ako. Tinatago ko ang kilig ko ng inis. Nakangiti kasi siya akin eh. Sino bang di kikiligin niyan?
"Tsss. Halika na nga." Hinila nanaman niya ako. Ano ako? Aso? Pero kahit ganun, magaan parin ang loob ko sa kanya. First meeting pa nga namin eh parang matagal na kaming magkakilala.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Iuuwi na kita. Baka magalit pa ang mga magulang mo kung saan saan ka pumupunta."
"Eh? Ikaw nga 'tong nagyaya saking pumunta sa park eh. Ang labo mo."
Ilang minuto din at nakarating na kami sa bahay ko.
"Sige na, uuwi na din ako eh." sabi niya.
"Sige, Ingat ka." sabi ko sa kanya.
Teka, paano kaya niya nalaman na dito ako nakatira? Siya kaya yung hila nang hila sa akin. Hindi kaya, stalker ko siya? Tss, huwag ka nang umasa pa Eunice.
-x-x-x-
Sunday ngayon. Tapos ko na lahat ng gawaing bahay. Ano ba ang pwedeng gawin ngayon?
Lumabas na lang ako ng bahay. Wala sina mama at papa ngayon. Baka nag-date. Ganun naman talaga ang kadalasang ginagawa nila eh.
Hindi ko na alam kung saan na ako dinadala ng paa ko. Malapit na palang gumabi. Nang malapit na akong pumunta sa may basketball court, doon na lang muna ako pupunta.
Madilim dito banda sa court. Ni hindi man lang binukas ang ilaw dito. Sabagay, wala namang naglalaro ngayon.
May nakita akong isang bola. Kinuha ko ito at pumwesto. Di ako marunong mag shoot. Pero dahil wala akong magawa at gusto kong matuto, ita-try ko.
Pumwesto ako dun sa may free throw line. Doon ko lang kasi kayang ishoot ang bola. Malayo na nga yan para sa akin. nagtry akong ishoot ang bola pero hindi ko parin mapasok sa ring.
"Arrgh! Walangya kang bola ka!" Sigaw ko dun sa bola. Siguro kung may makakakita sakin dito, mapagkakamalan na akong baliw.
"Hahaha!" May biglang tumawa. Ha? Sino yun? Kapre ba yun?
Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses.
"Ace?" Nakit ko siyang umuupo sa may bleachers. "Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko sa kanya.
"Hahahaha!" Ang sexy ng tawa niya. Halatang totoo talaga. Mas lalong nakakainlove.
"Hello? Okay ka lang?" Sabi ko ulit sa kanya.
Bumaba siya sa bleachers at nilapitan ako.
"Galing mo palang magshoot. Hanga ako sayo!" sabi niya sakin habang nagpipigil ng tawa.
"Walangya ka! Kaya pala ang hangin kasi dumating ka!" sigaw ko sa kanya.
"Ha? Mas nauna pa nga ako sayo eh."
"Ibig sabihin kanina ka pa dito?" tanong ko sa kanya.
"Sinabi ko na nga diba? Unlimited?"
"Pilosopo din. Tsss."
"Gusto mo turuan kitang magshoot?" tanong niya.
"Teka, sayo ba 'tong bola?" tanong ko nanaman sa kanya.
"Oo, Nakalimutan kong kuhain kahapon eh. Nandoon ka kasi." bulong niya pero naririnig ko padin.
"Ha? Anong sabi mo?"
"Wala, So ano? Tuturuan kita?"
"Hmmm, Sige." Sang-ayon ko sa kanya.
"Ganito lang yan. Step 1, i-bend mo ng kaunti yung knees mo, Tapos..."
Wala na, hindi ko na naintindihan yung mga sinabi niya. Hawak hawak niya ang kamay kong nakahawak sa bola. Ang lapit ng mukha niya sakin. Oh tukso, Layuan mo ako!
"Step 8, Sundan mo kung saan yung wrist movement mo tapos, Shoot!" Pagtapos niyang sinabi yun, Biglang nashoot yung bola sa ring. Siya lang naman yung nagshoot nun eh. Tinulungan lang niya ako.
Pagkatapos, binitawan na niya yung kamay ko.
"Alam mo, sana basketball na lang ako." sabi niya.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Para lagi mo akong mamimiss." Sabi niya sakin ng nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
Ha? Di ko gets yung sinabi niya. o.O
"Ano?" tanong ko sa kanya.
"Wala. Sige, Alis na ako. Gagabi na eh. Gusto mo ihatid na kita sa bahay niyo?"
"Okay lang, Kaya ko naman. Sige, Umuwi ka na."
Kinuha na niya yung bola sa sahig.
"Ay oo nga pala, punta ka sa game namin this friday ah? Isa ka sa mga inaasahan kong manuod." Sabi niya sabay alis sa harapan ko.
Sa Friday na pala? At isa daw ako sa mga inaasahan niyang manuod? Haba na ng hair ko!
-x-x-x-
~ Well you done done me and you bet I felt it
I tried to be chill but you're so hot that I melted
I fell right through the cracks
And now I'm trying to get back ~
"Arrggh! Bakit ba?" Galit na sabi ko sa cellphone kong kanina pang nagri-ring.
[Ay? Ang ganda ng greeting mo Eunice!] sabi ni Claire sa kabilang linya
"Oh? Anong kailangan mo?"
[What? Natutulog ka parin? Akala ko ba pupunta ka sa game nila Ace at Kian?]
"Ha? Ngayon ba yun? Anong oras na ba?"
[Kanina pa nagstart noh! Ano ka ba? Akala ko nga ikaw pa nauna sakin eh! Bilisan mo na diyan magbihis! Ikaw talagang bata ka!]
"Tsss. Di na ako bata. Sige na ibababa ko na ito. Magbibihis na po ako." sabi ko sa kanya sabay end ng call.
Tiningnan ko yung orasan ko. 11:30am na. 11:20am yung start ng game eh. Late na nga ako. Dali dali na akong nagbihis at pumunta na sa game nila.
Nagtricycle na lang ako at sa wakas ay nakarating na ako.
"Eunice! Ang tagal mo naman!" galit na sabi sakin ni Claire.
"Pasalamat ka nga nandito na ako eh."
"Hay. Sige, upo ka na."
Umupo na ako at tumingin sa laro. Championship game na ito. Kung sino ang mananalo, siya ang maglalaban at magpapatuloy sa next pang mga games.
Hindi nagtagal at nasa 4th Quarter na. Tiningnan ko yung oras. 1 minute na lang ang natitira. Pero kailangan pa din ng isa pang shoot ng bola para manalo na ang team nila Ace.
Hawak hawak ng isa sa mga kateam nila Ace ang bola. Malapit na siyang maagawan ng kabilang team ng bola. Buti na lang nakaiwas siya.
10 seconds na lang yung natitira. Bigla niyang pinasa ang bola kay Ace. Ngayon hawak hawak na niya at pagkatapos nun ay shinoot na niya ang bola. At...
"Yes! Panalo sila!" sabi ko kay Claire at nagtatalon talon kaming dalawa.
Naka 3 point shot si Ace. Ang galing talaga niya.
Tumingin ako sa team nila. Grabe ang kasiyahang bumabalot sa kanila.
Hinila ako ni Claire pababa sa kinauupuan namin at lumapit kami kina Ace.
"Waah! I'm so happy nanalo kayo!" sabi ni Claire kay Kian. Naku, baka may namumuong pagtitinginan yang dalawang yan. Close na ata sila eh.
Nang nakita ako ni Ace, lumapit siya sakin.
"Uhmm, Congrats nga pala." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya para magshake hands pero sa halip na tanggapin niya yun, bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Mukha na siyang basang sisiw nang dahil sa pawis. Pero mas lalong siyang nagiging gwapo kapag napapawisan.
Umalis na siya sa yakap. "Wala ka pa bang sasabihin?" tanong niya sakin ng nakangiti. Kung alam lang sana niya kung gaano siya kagwapo tignan ngayon.
"Ha? Wala."
"Tss. Aminin mo na kasi." Ha? Ang ano?
"Anong aminin?"
Lumapit siya sa tenga ko. "Na may gusto ka sakin." bulong niya. Bigla akong namula nang sinabi niya yun.
"Ha? Paano mo nalaman?"
"Sinabi sakin ni Kian." sabi niya.
Mabilis kong hinanap kung saan si Kian. Tiningnan ko siya ng masama. Nag peace sign lang siya. Humanda ka talaga sakin mamaya Kian!
"Pabayaan mo na siya. Di mo ba alam?" tanong niya.
"Alam ang ano?"
"Na, parehas lang tayo ng nararamdaman." Bigla akong napalunok dun. Pwede na ata akong mamatay sa kalagayan kong ito.
"Alam mo, sana basketball na lang ako." sabi niya.
"Ha? Bakit?"
"Para hindi ka magsawa sa akin."
End ~
-x-x-x-
Vote and Comment!
See pic of Eunice & Claire >>
Play the music >>
-x-x-x-
BINABASA MO ANG
Basketball (One-Shot Story)
RomancePalagi akong nanunuod sa mga laro nila. Nakatingin lang ako sa malayo nagbabasakaling mapansin din niya ako. Paano kung di mo inaasahang naging close kayo? Aasa ka kaya kung may gusto din siya sayo?