Chapter 34 #BetterInTime

857 23 0
                                    

Althea POV

Kasalukuyan kaming nasa garden ng school, nag-aya kasi sina Say na magpicnic kami ewan ba sa kanila kung ano trip nila sa buhay. Kasama namin sina Cyrene, Evangeline, Barbie, Say at ang bagong saltang bakla na si Roman. Pinakilala ko siya kanila Say at nagkasundo naman sila lalo na si Barbie at Roman. Iba na talaga pag magkalahi. Naglaban na din pala ng baskestball ang BU sa NSEU at ang champion? Sino pa nga ba eh di ang team namin. Kahit wala si Francis napanalo pa din nila.

Almost 6 months na nung nawala na lang ng parang bula si Francis. Bakit kaya ganun? Before ang after naman ng partu okay kami eh. Pinakilala nya pa nga ako sa family nya eh. Pero bakit ganun? Parang kailan lang nung nangyari sa akin yun. Last party was a fairytale  but the next day is a nightmare .

"Ano Althea forever emo lang ang peg mo?! Common cheer up! Have some fun naman!" reklamo sa akin ni Roman.

"Oo nga hindi yung lagi mong kabonding yang librong yan!" pamumuna naman ni Barbie  sabay turo sa Dictionary of Love na hawak ko.

"Hayaan nyo na ako, kesa naman sa magmukmok ako dyan magbabasa nalang ako nito."

"So sa tingin mo hindi ka nagmumukmok sa lagay na yan?!" sabi naman ni Say.

"Malala ka na Althea! malala ka na." sabi naman sa akin ni Cyrene.

It's been 6 months nung nangyari sa akin yung pag-iwan ni Francis. Ang naging libangan ko? Ito ang pagbabasa ng Dictionary of Love na to. Sa pagbabasa ko may mga nalaman ako na signs kapag mahal ka ba talaga ng isang tao. At base sa nabasa ko sa mga ginawa sa akin ni Francis tinatanong ko ang sarili ko. Minahal nya ba talaga ako?

Not everyone who says I love you is true to their feelings. Sometimes they only said it because they misses someone whom they see on you.

So siguro kaya lang ako niligawan ni Francis noon ay dahil may nakikita syang personality ni Faye sa akin. Pag naiisip ko yun hindi ko maiwasan na masaktan, now I am really doubting about his feeling to me. Minahal ba talaga nya ako o sinabi nya lang na mahal nya ako kasi nakikita nya si Faye sa akin? Gulung-gulo na ako at the same time ang sakit sakit na.

"Chien"

"Hmm?"

Bigla nalang nyang hinila sa akin yung Dictionary of Love na hawak ko.

"Say ibalik mo yan!"

"No."

"Say naman eh!"

"Pwede kahit isang araw makita ko yan na hindi mo hawak?! Kasama mo nga kami pero yung attention mo nandyan lang naman! Kung nasasaktan ka naman kasi sabihin mo sa amin hindi ka naman matutulungan nyang libro na yan!"

For the very first time nakita ko na nagalit sa akin si Say, sina Roman naman tahimik lang nagulat din sila sa biglaang pagsigaw ni Say. Nakatayo na si Say sa harap ko, dahil sa matangkad nga sya nakatingala na ako sa kanya. I can see that she's really pissed-off right now, wala ako sa mood sumagot sa kanya. 

"Akin na yan." this time tumayo na ako trying to get the book.

"No."

"Say naman eh! akin na sabi ibalik mo na yan!"

"No"

"Say ibigay mo na yan." sabi naman ni Roman.

"Shut up"

"Ano masisira lang ang pagkakaibigan natin dahil lang dyan sa librong yan?!" sabi naman ni Barbie.

Dictionary of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon