Chapter 3
Ginawa ko lahat upang makakuha ng impormasyon tungkol sa kasong hinawakan ni Ana, ngunit bigo ako lage.
It's confindential.
At dahil hindi naman ako police ay hindi nila ako pinakinggan sa halip nagcondolence sila na ikinagagalit ko.
How dare they. Ang kapal ng mukha.
They only give me the benefits from Ana, dahil ako ang beneficiary niya sa lahat ng insurance niya. I cried in anger, galit na galit ako to the point na nagwawala ako sa opisina ng general.
I never thought I'm this desperate right now. I didn't know I'm capable of shouting people that are higher than me. Respectful than me.
But I have my rights,right? I'm the family!
"I'm sorry Miss Momville, but you're out of the case. And as much as you want Justice, kami rin. Iyan ang trabaho namin."
It was General's final word for me before throwing me away his office. Everybody looked at me. I gritted my teeth in anger, I never knew when I was this furious. Matalim ko silang tiningnan. May pagbabanta.
Before I could say anything, someone grab me by waist na parang ang gaan gaan ko lang at nilabas sa gusaling iyun.
"Ano ba!!!" Naghisterya na ako. Siguro Isa sa mga police doon at naiiritana sa akin.
He finally put me down beside the highway.
"What are you fucking doing, huh?" Si Brandon na umuusok ang ilong. Wow, surprised. Ano bang ginagawa ng kapreng ito dito.
"Hoy!! Don't you fucking me! Kapre!!" Singhal ko dito. Aba baka akala niya dahil malaki siyang tao e uurungan ko siya,pakialamero.
"What did you just call me?" Tinuro niya ang mukha niya gamit ang hintuturo at yumuko kaunti sa akin. Nataranta naman ako at ang lakas ng Kabog ng dibdib ko.
"Ka..kapre..." mahina kong sabi. Nahiya naman ako sa turan ko, hindi ko pa naman siya gaano ka kilala.
Para akong batang napagalitan ng ama at yumuko.
"Kapre,huh" tatango tango ito.
"Ano bang ginagawa mo dito? Bakit ka nagwawala sa loob ng opisina noong heneral?" His voice hardened and serious.Tumingala ako.
"So what? I want Justice for my sister at kailangan Kong malaman ang mga detalye ng kasong hinahawakan!" Taas noo kong sabi.
Unti unti ay nag iba ang ekspresyon ng kanyang mukha hanggang tumawa ito. Nainsulto ako sa ginawa niya. Iniisip ba niya na nagbibiro lang ako, pwes hindi!!
"Anong nakakatawa? Huh!!" Singhal ko dito.
He is out of air sa kakatawa. Kinalma niya ang sarili at muli akong hinarap na parang may nakakatawa sa mukha ko.
"Are you kidding me? Isang designer? Sasasaw sa kaso ng mga police? Are you out of your mind? Sasabihan ka lang ng mga iyan ng napakabagal na resulta nunka isasali ka nila sa kaso. Si Ana nga na magaling ay nadali ikaw pa kaya na walang alam sa magulong buhay niya? Hindi ito isang desenyong nalukot at kinailangan mo lang ulitin at ayusin, Miss Momville. I tell you ipapahamak mo lang ang sarili mo." Seryuso nitong saad.
"Minamaliit mo ba ang propisyon ko? Hoy, sasabihin ko sayo hindi rin ito kasing simple ng sinabi mo! This is my passion!" Nagtatapangtapangan kong sabi kahit nanunubig na yung mata ko sa luha dahil sa sinabi niya.
Natameme naman ito at mukhang na guilty.
"Ito tandaan mo, kapre! Hindi porket magkaiba kami ni Ana ng propisyon ay hindi ko mapag aralan ang yan. Walang imposible kung pursigudo Kang makuha ang hustisyang nararapat sa taong Mahal mo!" Sigaw ko sa pagmumukha at tuluyan ng tumulo ang luha ko. Agad ko itong pinalis habang nanigas pa siya at tinalikuran saka pumasok ako sa kotse ng di kalayuan sa akin.
I shut the door and he just stare at me going. Nag ngingitngit akong umalis doon at pinaharorot ang sasakyan.
Ang kapal ng mukha niya, kung ganoon nalang kadali sa kanya ang maka move on sa pagkawala ni Ana ako hindi. Akala ko pa naman mahal niya si Ana dahil may paiyakiyak pa siya. Che! Pakitang tao, kaya siguro hindi siya naikwento ni Ana dahil wala naman siyang kwenta or worst hindi naman talaga sila mag jowa but why is it Gin conclude that they are in a relationship? Ahh! Wala akong pakialam, bahala siya sa buhay niyang kapre siya.
I went home, walang tao kasi may pasok silang lahat. Naalala ko ang pinapanood ng pinsan kong pinagbibidahan ni Maja Salvador.
Ni research ko sa YouTube ang bawat episode nito. Gusto kong malaman kong paano siya naghanda sa pagkamit ng hustisya para sa mga magulang niya.
Inabot ako ng madaling araw sa panunud ng teleserye niya kahit pa ni fast forward ko na. I feel much hope sa nalaman ko bukas na bukas din sisimulan ko.
___
Nag enroll ako sa martial arts at naghanap ng firing range na para matutung bumaril. May naramdaman akong takot sa desisyon kong ito ngunit nangingibabaw sa akin ang eagerness na makuha ang hustisya para Kay Ana. Tama nga si Brandon ang bagal ng development sa kaso ni Ana at doon sa hinawakan niya dati. It's been a week since I try martial arts at sinasabi Kong hindi ito madali, feeling ko nagkalasuglasug ang katawan ko palagi pa akong napapahiya dahil ang bagal kong kumilos at hina kong manapak. Kaya napag desisyonan kong saka na ang pagbabaril kapag marunong na ako sa martial arts. Minsan uniiyak na ako sa sakit ng katawan ngunit pinapagalitan lang ako ng instructor namin.
"Presence of mind, Momville!" Sigaw nito."
Tinanggap ko lahat ng singhal at sakit na nakukuha ko sa pagmamartial arts. Ginusto ko ito kaya ipagpapatuloy ko.
Isang Gabi ay sa amin ako umuwi, I open Ana's room. Puro mga kagamitang pampolice ang naroon. Naroon din ang picture naming dalawa itinabi niya say mga awards at medal niya sa may dingding.
Nasa tamang ayos naman ang lahat ng gamit niya. I open her closet at karamihan doon ay unipormi niya at simpling mga pambahay na damit. Ni wala siyang dress doon. She really loved her profession. Nangkalkal pa ako sa gamit niya sa nga drawer hoping to find something kahit hindi ko alam kong ano ba ang gusto kong makuha sa kanyang mga gamit.
May nakita akong litrato, parang buong pamilya ito. May nakalagay 'Target!'. Kinabahan ako, nanginig ang kamay ko sa pag angat ng picture na iyun. I saw an all smile family in it. Isang matandang babae na nakawheelchair at mukhang bruha sa tigas ng mukha, isang lalaking nasa fourties at babae na hinawakan niya sa bewang. Dalawang mas batang lalaki na siguro ay ilang taon lang ang tanda sa akin. Itsurang mayaman talaga. I flip the picture to check it's back.
Limapuriza family
Ito kaya ang pamilyang misyon niya? Alin sa kanila ang bumaril sa kapatid ko? Mga Wala silang kaluluwa!
Nilikumos ko ang litrato sa galit ko. Namumula na yung mata ko sa galit. May ideya na ako kung sino ang pumatay sa kanya kaya lalo lang akong naging determinado.
Mula sa araw na ito, walang puwang ang takot at kaduwagan sa sarili ko. Magbabayad kayo!
❤ LibRanz01
Thanks to
Clea15,
hail_queenkat,
GemmafeMancenido,
azumitena29 and
rafsendoh07. For the reads, vote and comments.Ingat 👍 and God bless 😇...
Pasensya na mga bhe, may sakit po si ako.😥😥