PREFACE
"Peypey!" ipinikit ko ang aking mata noong marinig ko ang boses na 'yon. "Tara na gutom na ako!" dahan dahan akong nagmulat at umayos ng upo mula sa aking malalim na pagtulog.
Nginitian niya ako at tinapik ang balikat ko. Tamang tama dahil gutom nadin naman ako at gusto ko ng fried chicken!
"Uy! Wenwen, gusto ko ng chicken kay ate burger." I know na ang weird pero chicken ang tinda ni ate burger at favorite namin ni Darren 'yon mula pa noong grade school kami.
"Mukhang masarap nga yan! Bumangon kana, kanina ka pa tulog oh," tinignan ko ang aking sarili na gulo gulo pa ang buhok. "Hindi ka ba nahihiya na tinulugan mo si Mrs. Morales?" napalunok ako.
"Si Mrs. Morales? Yung Fil Prof natin?" ngumiti sya at dahan dahang tumango.
Napangiwi ako dahil halos bagsak nga pala ako sa mga test ko sa kaniya. Sino ba naman kasi ang hindi aantukin?
Kapag magdidiscuss siya para kang hinehele pero kapag nagbigay ng scores manlalaki talaga ang mata mo.
"Tara na kain na," ngumuso ako at tinignan ko lang siya. "As usual, thigh part ang gusto ko," aniya.
Darren is my childhood bestfriend. Magkapit bahay kasi kami dati noong grade school pero lumipat sila noong nakahanap na sila ng bagong bahay.
Hindi naman nawala closeness naming dahil hanggang ngayon na college na kami ay besties padin kami.
"Babe," nairita ako noong narinig ko ang boses na 'yon. "Babe, let's eat," at kumapit siya sa braso ni Darren.
Yes. May girlfriend na siya and she is Janine. Hindi naman sila bagay.
Janine is famous, maganda kasi siya at mayaman. Kilala ang family nila dito sa Pampanga.
"Wait, sabay na natin si Peypey," tinignan ko sila at nakangiti sa akin si Janine. Ang plastic na bitch.
I don't like her.
"Mukhang ayaw pa naman niyang tumayo, babe," tumalikod ako and I rolled my eyes.
Nababasa na pala niya ngayon kung anong nasa isip ko? Sana pala nagging manghuhula nalang siya kung ganon.
"Y--" I was about to say yes pero nagsalita itong si Janine.
Kung may award lang sa pagiging manipulative at plastik, si hakot awards 'tong si Janine pag nagkataon.
"Okay, we'll go ahead. See you around Freya," she winked at me. That bitch! Hindi naman sila bagay ni Darren.
"You sure?" tanong sa akin ni Darren.
Isa pa 'tong si Darren. Wala naman akong sinabi na ayaw ko eh.
"Yeah," iyan lang ang nasabi ko at hinila na ni Janine si Darren palabas ng room.
Matapos ang isang breaktime ay nagkita kami ni Darren sa room dahil same class kaming tatlo ni Janine sa Rizal subject.
Ewan ko ba sa UA! Bakit hindi nalang patalsikin itong si Janine para hindi na dikit ng dikit kay Darren.
Buong klase ay hindi naman ako nakikinig kay Sir Rizal. Don't get me wrong, hindi si Rizal ang prof ko. I just want to call him Rizal dahil iyon ang subject na itinuturo niya sa amin.
Acquaintance night ngayon at iniisip ko kung ano ba ang pwede kong isuot, nakapag check in nadin ako sa hotel sa loob ng school namin at nandon na ang ibang mga gamit ko.
"Freya, are you free tonight?" tanong ni Sandro.
"Uh..." napaisip ako dahil paniguradong sina Janine at Wenwen naman ang magkasama. "Yes!" nginitian ko si Sandro.
BINABASA MO ANG
Every Breath You Take (Enchanted Love Story)
RomanceFreya Moril is a college student at a university in Pampanga taking BA Communication. She has spent her whole life with his closest friend, Darren Francisco, who is also pursuing a bachelor's degree. They have been close friends since primary school...