CHAPTER 38 Halloween Special

1.1K 61 19
                                    


SUGA's POV

*BLLAG* Napamulat ako sa pagakaktulog ng marinig ko ang ingay na yun.

Napatingin ako sa wall clock.

Kaka 12 midnight na pala. Nakakatakot tong gantong oras. Bakit kaya hindi man lang nila ako ginising.

*BLLAG* napalingon ako sa direksyon papunta sa kusina. Yung konting liwanag dito sa sala ay galing sa nakabukas na ilaw sa kusina. Anong ingay yun. Tumayo ako at naglakad ng dahan dahan papunta sa kusina. Napatago ako ng di-oras nang may tao pala duon. Sumilip ako ng kaunti and I found out na si Aling Milda pala yun. Si Aling Milda ay bagong hired lang kaninang umaga bilang helper dito sa bahay na tinutuluyan naming magkakaibigan at nila Umji. Lalabas na sana ako sa pagattago ko para kausapin siya nang May mapansin ako sa sahig nakakalat ang mga ito. Mga bawang na nakakalat. Bakit? Nakatalikod si Aling Milda saakin at tila may tinatadtad siyang kung ano. Napansin ko yung mga fluids na tumatalsik sa sahig kulay pula at sa tingin koy dugo iyon. Napatago akong muli nang humarap siya , sumilip akong muli then napasin ko yung labi niya, ang pula grabe parang humigop ng pulang likido like dugo, teka hindi kaya dugo talaga yung nasa labi niya. Pinagmasdan kong mabuti yung tinatadtad niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong karne iyon hindi ko alam kung anong klaseng karne, did she eat raw meat? Ano siya aswang?

Nagulantang ang kaluluwa ko nang makalikha ako ng ingay mula sa pintong tinataguan ko, naramdaman kong papalapit siya saakin? Anong gagawin ko? Agad kong nakita ang malaking vase sa tabi ng pintuan ng kusina may matangkad itong damo sapat lang para matakpan ako. Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko si Aling Milda na duguan ang dilaw niyang apron at hawak niya pa ang malaking kutsilyong pinantatadtad niya ng karne. Kahit madilim sa pwesto niya ay kapansin-pansin parin sa mukha niya yung ibang talsik n dugo na siyang lalong nakakatakot. Inilibot ni Aling Milda ang kanyang paningin marahil ay hinahanap niya ang lumikha ng ingay na iyon. Nang bumalik si AlingMilda sa loob ng kusina ay dali dali akong kumaripas paakyat sa kwarto ko ng hindi nakakalikha ng ingay. Kapos ang paghinga ko nang makarating ako sa aking kwarto. Sinigurado ko irng naka-lock ang pinto at bintana sa kwarto ko. Makakatulog pa kaya ako ngayong gabi, ngayon na napagalaman kona may aswang kaming kasama sa bahay? I need to warn others?

HOUSEMATES GROUP CHAT

-Guys! Kung gising pa kayo , Ilock niyo yung mga pinto at bintana sa kwarto niyo. May aswang dito sa bahay kaya mag-ingat tayo-

seen by Umji

ala una na pero si Umji lang ang naka-seen tulog na siguro ang lahat. Makatulog na nga lang.

"Suga!" parang kilala ko yung boses na yun ah.

"SUGA!" kaso ang creepy niya kasi yung sound parang nananakot.

Nakaharap ako sa pader ng kwarto ko habang nakahiga. Kanina pa ako gising hindi ako makatulog dahil dun sa Suga ng suga saakin at feeling ko nasa tabi ko lang yun.

"Suga!" Napapikit ako, ang creepy talaga pero parang narinig kona talaga yung boses na yun eh. Should I check? Unti unti akong humarap sa kabilang side habang nakapikit parin ako. Bibilang ako....

1

2

......

3

"waaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

si Umji! Si Umji! Aswang!

"Suga! Your ears looks delicious!" baliw ka Umji! Aswang kana nga nagi-english kapa!

"WAH! LAYUAN MO AKO! WAG MO AKO KAUSAPIN! HINDI AKO MASARAP MAALAT AKO MAPAKLA, MAPAIT, MAASIM, MAANGHANG, MABAHO!"

"Talaga? That's what I like! Don't worry, mahilig ako sa mga exotic food!" Sabay ngisi ni Umji. Nagulat nalang ako ng bigla syang pumatong saakin. TEKA? Pumatong ba talaga siya? Tumingin ako sa ibaba niya at halos mahimatay ako ng makita kong wala siyang pangbaba este wala siyang paa! Manananggal siya!

HOUSEMATES ( Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon