Poem #1: Hindi Sigurado

417 7 5
                                    

• Hindi Sigurado •

Mahirap pag hindi tayo sigurado,
Mahirap dahil parang oo pero, paano?
Mahal kita at mahal mo ako,
Sapat na ba yun para may masabing tayo?

Nakita ko na mag kasama kayo ng kababata mo,
Hindi ko masabi sayo na nag seselos ako,
Natatakot ako dahil baka sabihin mong "May relasyon ba tayo?"
Mas pinili kong manahimik kahit nasasaktan na ko.

Dumating yung araw na tinutukso kayo ng ating mga kaibigan,
Kung kayo ba daw ay nag iibigan,
Ngiti lamang ang inyong naisagot sa aming katanungan,
Umaasa parin akong sasabihin mo ang katotohanan.

Wala akong ibang ginawa kundi ngumiti ng peke,
Umasta na parang wala akong paki,
Dumiretso ako sa isang parke,
Kung saan una tayong nag kita dati.

Nag tuloy tuloy ang luha ko ng makita ko ang mukha ng minamahal ko,
Niyakap mo ako at pinahid ang luha ko
"Pasensya na mahal sa nasaksihan mo,
Pasensya na dahil sinabi kong may relasyon tayo"

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko,
Tila ba sasabog ang puso ko sa narinig ko mula sayo,
Niyakap kita at hinalikan mo ako sa noo,
At sinabi mong,  "Maari ba nating totohanin ang nasabi ko? "

Story Poems (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon