Chapter Three

3 0 0
                                    

Ella's POV

Nagising ako dahil nasusuka ako. Dali-dali akong bumangon at tumakbo sa C.R.
Naramdaman ko ang pananakit ng ulo ko ng lumabas na ako at mas lalo itong sumakit nang maalala ko ang nakita ko kagabi.

Patrick is doing sexy dance with Athena. Well, baka nagkataon lang yun.

Bumalik ako sa kama para sana matulog ulit pero nung makita ko kung anong oras na ay napabuntong-hininga na lang ako. 9 am na pala. Ngayon ko lang rin napansin na wala na pala si Juliana.

*message tone*

From: Juliana

Bes good morning! Sorry kung di na ako nakapagpaalam. Tumawag kasi si mom kanina at pinapauwi ako. Hindi na kita ginising dahil mukhang pagod ka.

To: Juliana

It's okay. Did you go home safe?

-sent-

*message tone*

From: Juliana

Yes, I did.

Hindi ko na siya nireplyan pa at lumabas na dahil nagugutom na ako.
Naabutan ko si Patrick sa sala habang umiinom ng kape. Nagtitigan kami pero agad ko namang binawi nang maalala ko ang nangyari kagabi. Umaasa ako na hindi si Athena yun.

" Good morning po manang " bati ko nang madatnan ko siyang nagluluto.

" Good morning din iha "

" Para sa kin ho ba yan? " tanong ko. Naaamoy ko kasi ang paborito kong pagkain.

" Oo naman. Naisip kong baka tanghali ka na magigising dahil late ka nga umuwi kagabi at baka gutumin ka kaya ipinagluto kita ng fried rice " sagot niya.

Magsasalita na sana ako nang naunahan ako ni Patrick. Nakikinig pala siya sa amin.

" Late ka ng umuwi? Saan ka nanggaling? Sino kasama mo? Anong oras ka na umuwi? " makatanong naman to. Wala na ba akong karapatan lumabas?

" Oo, late na ako nakauwi kagabi. Uminom lang kami ni Juliana at umuwi ng 11 pm. Ano? May tanong ka pa? " sagot ko aa mga tanong niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Casanova's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon