"Gandang hindi nila inakala"

2.4K 31 2
                                    

One shot story # 1 

~*~*~*~*~*~*~

GANDANG HINDI NILA INAKALA 

"Ang lakas parin ng loob niyang maglakad dito sa hallway noh?"

"Oo nga, hindi man lang nahiya sa balat niya"

"Akala ko ba 'No pets allowed' dito? Eh ano parin ang ginagawa niya dito?"

"Kaya nga eh, hindi tuloy nawawala yung rashes ko dahil sa kaniya. Tsk." 

Ako pa talaga sinisi at nagkaka-rashes siya? Hindi ba pwede na hindi siya naliligo tapos naglalagay lang siya ng perfume na sa sobrang bango na eh nakakahilo na para mag-amoy bagong ligo siya? Tsk.

As usual palagi nalang ganito araw-araw dito sa school. Mga taong mayayaman lang ang pinag-aaral dito. Karamihan sa kanila ay mga may itsura kaya feeling nila deserving sila dito. Mga wala namang utak.

Ako nga pala si Leila Adams. 15 years old, 3rd year na sa highschool. Matagal na akong nag-aaral dito pero hindi parin talaga sanay yung mga tao dito sa presensya ko. Wala eh, nasisilaw sila masyado sa talinong taglay ko. 

May kuya akong nag-aaral sa ibang university. Gwapo si kuya, pero playboy. Namana niya yung good-looking niya sa mga magulang namin. Wala man lang itinira saakin. Ako naman, namana ko lahat ng good morals ng parents ko, at syempre wala din akong itinira kay kuya. Para hating kapatid!

February 12 na, malapit lapit na din yung prom namin. Syempre wala akong partner, pwede ko namang isama si kuya pero baka dumugin lang siya ng mga malalanding babae dito sa school. Tsk. Bakit kasi---- ARAY NAMAN!

"Ano ba 'yan! Sa susunod kasi tumingin ka sa daan!" sigaw saakin nung lalaking nakabangga saakin. Huhuhuhu, ang sakit sakit tuloy ng braso ko! Ang tigas kasi ng katawan nung nakabangga saakin. Humanda sya. 

Humarap ako sa kaniya, and guess what? Si Liam Walker lang naman pala. Ang self-proclaimed 'gwapong bad boy' ng school namin. Sikat nga siya dahil daw sa gwapo siya, pero para saakin mukha siyang patpatin na ewan. Psh. "Hoy! Excuse me, nakatingin po ako sa daan! Kita mo ngang naka mulat ang mga mata ko diba!?" iritadong sabi ko sa kaniya. Nakakainis naman kasi talaga siya eh.

"Pffft. Hahaha! Nakamulat nga mata mo pero hindi ka naman tumitingin sa daan. Nakatulala ka kaya. Hahahahaha!!!" natatawang banat ng ulol na ito. 

"Ha-ha-ha-ha. Sige tawa pa. Sana mawalan ka na ng hininga!" tatalikod na sana ako pero nagsalita uli siya.

"Leila, matanong nga. May partner ka na ba sa prom?" sincere na tanong niya saakin. 

Sinagot ko siya ng hindi parin humaharap sa kaniya. "Wala. Ano bang pakialam mo?" 

"Wala naman. Pffft, alam ko naman kasing wala kang partner eh. Ampanget panget mo kasi! Mwahahaha!" psh. ABA! Ang taas masyado ng ng tingin ng lalaking ito sa sarili niya, di ko ma-reach. "Bahala ka nalang diyan! Tse!" tapos umalis na ako.

Hindi pa ako nakakalayo eh nabangga na uli ako. Huhuhuhu! Bakit balagi nalang ako nababangga ngayon! "Aray..." mahinang sambit ko. Mukhang magkaka pasa pa tuloy ako eh. 

"Ay sorry, Leila. Masakit ba yung pagkatama ko?"

'OO!! Masakit na masakit!!!'  'yan ang gusto kong sabihin pero nakilala ko yung boses eh. 'Di kaya si... 

Lumingon ako ng kaunti sa kaniya at...

Omo! Si Super duper ultimate one and only crush ko!!! Yiiiieeee~! Siya si Ryan Romero, siya DAW ang dakilang playboy ng school namin. Pero hindi ako naniniwala dun, mabait naman siya eh. Tsaka wala naman akong nakikitang may kasabay siyang babae eh. Siguro sinasabi nilang playboy siya dahil sa pogi siya. Yiiiieee~!

One Shot Stories ( Romance ) [REVISED!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon